Chapter 33

269 16 3
                                    

"Don't scare her!"

Dumagundong ang boses ni Adonis habang pahigpit ang hawak niya sa kamay ko. May butil-butil na pawis ang namuo sa noo ko. Nararamdaman ko rin na namamawis ang aking kamay, kili-kili maging ang singit ko dahil sa tensiyon na namumuo sa aming apat.

Tumahimik kasi bigla. Nakakabingi,  na tanging ang malakas lang na kabog ng puso ko ang naririnig. Hindi ko na kaya, para akong matatae sa kaba. Hindi na rin maipinta ang mukha ko dahil sa pagkakalukot nito.

"A-"gusto kong magsalita pero wala ni isang kataga ang lumabas doon. Muli, naiiyak ako dahil kinakabahan. Suminghot pa ako para pigilan.

Bigla na lamang silang humagalpak ng tawa. Silang tatlo na ikinagulat ko at ikinakunot noo.

Napalabi ako nang mapagtantong pinagti-tripan nila ako. Like! si Diozza ay kanilang biktima sa kadramahan!

Padarag kong hinila ang kamay kong hawak ni Adonis habang namumula akong pinagpalipat-lipat ang tingin sa kanila. Halos mamaluktot na sila sa katatawa. Nakahawak na sa tiyan niya si Adonis samantalang napakasosyal pa rin ang tawa ng Tita at Papa niya.

"I'm sorry hija." hinging paumanhin ng Tita niya na nagpupunas na ng gilid ng mata dahil napaluha ito sa labis na pagtawa.

"Kabagin sana kayo!" Piping saad ko sa sarili. Pinakaba nila ako ng husto. Sumakit talaga ang ulo ko at naduduwal ako sa sobrang kaba. Tapos, trip lang pala. Iba rin itong pamilya ni Adonis eh.

Lumapit sa akin ang Papa ni Adonis at niyakap ako. Naestatwa ako dahil doon.

"So fluffy, kaya pala nahumaling ang anak ko sa iyo," sabi niya na humigpit pa ang yakap. Napalabi ako at yumakap na rin. Oo, aminado ako, medyo bumabalik na naman ang katawan ko sa dati. Kasalanan ni Adonis dahil pinapalamon niya ako.

Nang may tumapik sa aking balikat. Nang bitiwan ako ng papa ni Adonis ay bumaling naman ako sa kanyang Tita na nasa gilid. Nakaamba na rin ang kanyang kamay para sa isang mahigpit at mainit na yakap.

Naalangan pa ako dahil baka madurog ko ang kanyang buto. Medyo payat kasi ito at sobrang laki ko.

Niyakap ko siya ng dahan-dahan at may pag-iingat.

"Welcome to the family, Diozza." Nanlaki ang mga mata kong napatingin kay Adonis pagkatapos naming maghiwalay ng yakap ng Tita niya. Nakaakbay ang kanyang ama sa kanya na para lamang silang magkapatid.

Malawak ang ngiti niya sa labi. Para tuloy sasabog ang puso ko. Kanina sa kaba ngayon naman sa katuwaan.

"Kumain na ba kayo? Pasensiya na, katatapos lang namin kumain at magulo pa," hinging paumanhin ni Adonis. Agad naman akong tumalima para puntahan ang mesa pagkatapos magpaalam sa Tita at Papa niya.

Nagliligpit na ako noong lumapit si Adonis at tinulungan ako.

"Ako na rito, huwag mo silang iwanan," pagtataboy ko sa kanya pero hindi siya nakinig.

"They're okay. Magpapahinga lang sila sa sala. Ako na dito, go fix yourself." siya naman ang nagtaboy sa akin. Agad akong naconscious sa itsura ko. Napatakbo tuloy ako sa banyo ng kuwarto para tignan ang itsura kong sabog ang buhok. Malaki ang ilalim ng mata dahil sa pamumugto.

"Ang pangit-pangit ko!" Bulaslas kong napasandal sa pinto at dahan-dahang napadausdos pababa. Ang aking isang kamay ay inilagay ko sa aking noo habang lukot ang mukha. "Ang pangit na ng Diozzang ito! Nakakahiya!"

"Ano'ng ginagawa mo?"

Napasalampak ako bigla dahil sa bigla na lang nasa harapan ko si Adonis. Natatawa siyang hinila ako pataas.

Ang bilis naman niya yatang natapos maglinis?

"Hindi ka pa ba tapos? Bilisan mo na Babe, maghihintay kami sa iyo sa sala. Get ready!" Sabi niyang iniwanan na ako. Wala akong nagawa kundi kumilos na. Nagsuot lamang ako ng simpleng t-shirt at pantalon. Para naman presentable sa mga magulang ni Adonis.

Naghilamos ako at naglagay ng kaunting pulbos sa mukha. Napangiti na ako nang medyo okay naman na ang itsura ko.

Natawa rin ako noong palabas na sa kuwarto dahil naalala ko ang ginawa nilang prank sa akin kanina. Grabe, kung gaano pala kabaliw ang Nanay ko, ganoon din ang kay Adonis. Gumaan ang pakiramdam ko sa kanila, mukha silang cool parents kahit sosyalin.

"Hello po ulit," bati ko na medyo may kumpiyansa na akong humarap sa kanila.

Pero napalabi ako dahil hindi na naman nila ako pinapansin. Naglalaro kasi sila ng Uno Cards.
Masaya silang nagtatawanan.
Ang saya nilang tignan pero langya, iniignora nila ako.

Padabog akong naglakad at pasalampak na naupo sa tabi ni Adonis. Nakahalukipkip akong nakairap na nanonood sa ginagawa nila.

Wala pa ring epekto kaya naman tumikhim na ako nang malakas.

"Ehem, ehem, ehemdito ako ehem," malakas ang boses ko habang kunwaring nangangati ang lalamunan ko.

"Oh! You're here, darling!" Wika ng Tita ni Adonis na nagpipigil ng ngiti. Kaya naman napabaling na silang lahat sa akin. Hinila ako ni Adonis palapit sa kanya pero nagmatigas ako at pasimple siyang inirapan.

"Opo..."

"Call me mama Ligaya, ikaw na lang ang tumawag sa akin ng ganyan dahil ayaw ni Adonis..."

"Tita!" Reklamo agad ni Adonis sa sinabi ni Mama Ligaya. Well, tatawagin ko talaga siyang mama. Sinabi niya eh.

"And call my husband papa Joseph," ngumiti ako at tumango.

"I'm sorry hija kung natakot ka namin kanina. Lagi ka kasing naikukuwento ni Adonis for being so confident, gusto  ka naming subukan," tumawa ito habang naglalapag ng baraha sa mesa.

"Really po papa Joseph? Naikukuwento ako ni Adonis?" Oh ha!papa talaga. Wala ng hiya-hiyang tawagin siya, soon magiging biyenan ko rin naman sila. "Ah, akala ko po talaga hindi ninyo ako magugustuhan, I'm not like..." hinigpitan ni Adonis ang hawak niya sa akin para pigilan. Muntikan ko na namang ikumpara ang sarili ko kay Crystal.

"Lagi ka niyang naikukuwento. At alam kong masaya ang anak ko sa iyo. Kung saan masaya si Adonis, nakasuporta lamang kami." dagdag pa nito habang busy sa pagtingin sa hawak na baraha. "Ah,shit! talo!" Mura nito at ibinagsak ang baraha. Natatawang napatingin ako kay mama Ligaya na kumindat lang sa akin. Siya kasi ang nanalo.

"Kaya noong dumaan si Adonis kanina para sabihin pumunta kami  dito dahil ipakikilala ka niya hindi na kami nagdalawang-isip pa." Si mama Ligaya naman ang nagsalita.

Nagniningning ang mga mata kong napatitig kay Adonis. Nangingilid din ang luha at parang sasabog ang puso ko.

Napakasuwerte ko dahil nakahanap ako ng lalaking gaya niya. Alam kong hindi kapani-paniwala na may ganito pang lalaki. Parang walang flaw, napakaimposible at halos perpekto. But really, believe me, meron  at si Adonis iyon. For me, he is perfect.

"I love you, Adonis!" Sigaw ko kahit pa nga naroon ang mga magulang niya.
Bagay na ikinahalakhak nilang lahat.

Sana, sana lang talaga ay ayos na ang lahat. Wala nang pagsubok. Wala nang epal sa pagmamahalan namin.

Sana lang!

 Confidently Beautiful (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon