Chapter 21 Thank you

303 44 38
                                    

Awkward ang pakiramdam ko sa school kinabukasan.
Adonis keep his distance to me.

Ayun lang at nahuhuli ko ang panay na sulyap sa akin.
Ako man ay pasulyap sulyap sa kanya.

Hindi ko lamang nga maiwasan ang magselos dahil kasama na naman niya si Crystal.

Our relationship became more complicated as it was before.
No assurance at all. Do I need to wait?

Mahal ko siya, mahal niya rin kaya ako? He said I just wait and he will court me, thus this means na mahal na niya ako?

Ah! Nakakalito.

I will wait or not, wait or not. I was thinking while slowly picking the raisins in my salad and eat.

Pero agad kong ibinagsak ang tinidor na hawak ko as I stare at him. Matalim ang titig ko. Siguro patay na siya kung nakakasugat ang titig.

"Wait-wait ka dlriyan...ako nagwa-wait dito, eh ikaw nandiyan at lumalandi!" Bubulong-bulong kong sabi.

"Diozza, hindi ka na nga baboy. Bubuyog ka na yata riyan, bubulong-bulong kang parang bubuyog..buzzz ka ng buzz!" sabi ni Eula na seryoso. Parang nang-aalaska lang pero serious talaga siya.

Papatulan ko sana siya nang biglang dumating ang grupo ni Bryan.

"Hi Diozza, can we join you?" Tanong niya sa akin at parang hangin na hindi nakita si Eula.

"Yeah sure," sabi kong nagbigay ng space sa pagitan namin ni Eula.

Gusto kong matawa dahil sa gulat nilang reaksiyon pareho. Bantulot na naupo si Bryan. Samantalang umayos naman ng upo si Eula at nagpatuloy sa pagkain.

Napalingon ulit ako sa banda ni Adonis. Iyong kanina na pasulyap-sulyap lang ay titig na. Nakakunot noo pa and mukhang kakain ng tao sa talim ng titig. Tinaasan ko siya ng kilay. Lumabi ito.

Napatingin lamang ako sa kinakain kong salad noong biglang lumingon si Crystal sa akin.

"Diet ka Diozza?" Tanong ni Bryan nang maoansin ang ginagawa kong paglalaro sa pagkain ko.

"Hindi ba obvious?" Sasagutin ko na sana ang tanong ni Bryan ngunit sumabad si Eula.

Tinanguhan ko na lamang siya at muling itinuon ang tingin doon.

"Tama iyan, para lalo kang sumeksi," biro nito. "Dapat wala na nito, akin na lang," sabi pang kinuha ang egg sandwich na hindi ko pa nagagalaw.

Agad niyang kinagatan ito. Naku kaya ko nga hindi ginagalaw ang sandwich dahil panis na ito...

Joke lang!

"Die-yet ata ang gusto mong mangyari kay Diozza. Naku Diozza, kumain ka nga!" Singhal ni Eula kay Bryan at inabutan ako ng paborito kong chitchiria.

Masama ang tingin na ipinukol ni Bryan kay Eula. Nagsukatan sila ng tingin. Pagkatapos ay inismiran lang naman ni Eula si Bryan at bumaling na lamang ito sa mga kaibigan nito.

Kumuha ako ng chips at sumubo habang ang tingin ay nagawi sa banda nina Adonis. But this time hindi ko na siya makita dahil naka l-block na si Crystal sa view ko. Napanguso ako.
I push away the chips and stand up.

"Punta lang akong washroom," paalam ko. I look on my watch, fifteen more minutes before time.

"Eul, kita na lang tayo sa room." I slowly walk away from them.
Mabagal ang lakad ko na tinungo ang washroom.

I was stunned a bit when I went inside and saw Crystal there. Kailan pa nandoon ito. Parang nakita ko lang na nakaupo siya kasama si Adonis a. Hindi lang yata siya bitch, witch din yata siya dahil bigla na lang siya sumusulpot.

She's washing her hands at mukhang katatapos lang gumamit ng CR. Alam kong nasulyapan niya ako mula sa salamin.

Nagpatuloy na lamang ako at itinuring siyang parang hangin at pumasok sa isang cubicle. I take my time baka sakaling paglabas ko ay wala na siya roon.

Pero nagkakamali ako dahil paglabas ko ay nagkatinginan kaming dalawa. Tila ba hinihintay niya talaga ako.
I ignore her, kung puwede lang huwag na maghugas ng kamay siguro ay tumalikod na ako at umalis.

I open the faucet and wash my hands habang nakikiramdam sa kanya. Baka kasi sabunutan na lang ako bigla. Ingudngod sa lababo o kaya kaladkarin palabas at ipahiya.

Try niya lang at mas makakatikim siya sa akin.

Patapos na akong maghugas ng kamay ay hindi pa rin siya nagsasalita. Alam ko naman na matalim ang tingin na ipinupukol niya sa akin. Malapit na nga akong bumulagta dahil sa tinging iyon.

Huminga ako ng malalim tsaka humarap sa kanya.Tinaasan ko siya ng kilay.

"May gusto ka bang sabihin sa akin?"

Hindi siya nagsalita. Kaya naman nagpasya na akong iwanan siya.

"Thank you," wika niya na nagpatigil sa akin sa paglalakad. Kunot noong hinarap kong muli siya.

"For what?" mataray kong saad.

Napaisip ako kung ano na namang drama ang pinapalabas niya. Last time I check, hindi kami okay.

"Naikuwento na sa aking ni Adonis lahat. Thank you dahil kung hindi kayo nagpanggap, hindi ko marerealize na mahal ko talaga siya. Mahal na mahal ako ni Adonis kaya thank you dahil tinulungan mo siya para pabalikin ako sa kanya," mahaba niyang litanya.

I chuckle without humor. Pilit kong tinatago ang pait na nararamdaman ngayon sa tawang iyon. Wala akong masabi. Eh di kayo na! I roll my eyeballs. Nakita niya iyon.
Wala akong pakialam.

"Aaminin ko sa iyo, I was threatened by you. I thought huli na ang lahat para balikan siya because you're there. You make him laugh and you took good care of him." Napayuko ito habang ako naman ay taas noo lang na nakikinig. Kahit na ba nanginginig na ang mga kamay ko dahil sa nararamdamang sakit sa puso.

I just realize something. He wants me to wait dahil naguguluhan siya. I might have a special place in his heart, but not as big as Crystal.

Patunay doon ang pagsasabi nito ng katotohanan kay Crystal. I feel ashamed . Para akong desperadang babae na pumatol kahit pagpapangap lamang.

"Nagtangka akong magpakamatay dahil akala ko ayaw na niyang bumalik sa akin." Hindi siya nahihiya sa kanynag pag-amin. Napaawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang tinitigan siya.

Muli itinuon niya ang mga mata sa akin.

"How pathetic!" bulong ko pero alam kong nakarating iyon sa kanya.

"Iyon pala, tinupad niya lang iyong sinabi mo na huwag siya basta-basta babalik sa akin dahil sa panloloko ko.
He said, you are a good friend to him kaya kahit gusto na niya akong balikan, he respected you." Patuloy niya.

Mapait ko siyang muling nginitian.
Damn! sumisikip ang dibdib ko.

"Sana nga hindi mo na siya saktan at ipagpalit ulit sa iba." Parang may bumara sa lalamunan ko habang sinasabi iyon. "He's doing everything for you. He work hard para maipagmalaki mo siya." I don't want to sound bitter, but I think I was.

" I know."

Napayuko ako dahil sa pagtulo ng mga luha ko. Ayaw kong ipakita iyon kay Crystal pero ayaw tumigil.

Ang sakit maipa-mukha sa iyo na hindi ka kayang mahalin ng taong gusto mo.

"Mamamatay ako kung mawawala siya sa akin. Kaya pinanghahawakan ko ang pangako niyang hindi ako iiwan."

Napahikbi ako.

"I need to go now. May klase pa ako," sabi kong dali-daling lumabas. Bago ko pa tuluyang maipakita sa kanya ang kahinaan ko. Baka bigla na lang ako magmakaawa ibigay na lang niya sa akin si Adonis.

Patuloy ang pagtulo ng luha ko habang naglalakad. Namumula na nga ang pisngi ko dahil kahit anong pahid ko ay ayaw pa ring tumigil.

Pinapahid ko ang luha ko noong biglang may humila sa braso ko.

"Diozza," tawag niya sa akin.






 Confidently Beautiful (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon