Chapter 24 Rich?

299 43 24
                                    

Marami akong iniisip sa hapong iyon. Sa tatlong araw lang na nawala ako ay madami na ang pagbabago. At hindi pa doon natatapos ang mga surpresa sa akin. Kasi pagkapasok namin sa room may nakaabang na roon ang tatlong bouquet of red roses and Ferrero chocolate.

"Oh boy, Bryan asan ka na ba ng mabatukan kita. Sobra na itong ginagawa mo. I am not a fan of this!" I said in my mind as I took the card and read.

Hope you have a wonderful day. See you later.

Malalim na buntong hininga ang ginawa ko. See you later talaga! Makakatikim ka ng batok sa akin!

"So, inuumpisahan ka nang ligawan?" Tanong ni Eula na nahimigan ko ng bitterness sa boses. Napaharap ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Wait nga Eul? Ano 'ng problema at ganyan ka ngayon? Supposed to be happy ka para sa akin, why the rude attitude towards me?" Medyo napalakas ang boses ko.
Napalingon tuloy ang mga kaklase namin na hindi mapigilan ang pag-uusyoso. Lumapit sa amin si Mahinhin at pinandilatan kami ng mata ni Eula.

"Huwag kayo gumawa ng eksena. Masyado nang magulo para dumagdag pa kayo," madiin niyang bulong sa amin. Magkalapat ang kanyang bibig at nanggingitngit ang mga ngipin.

"Pinapaalalahanan ko lang itong si Diozza. Hindi porke't binigyan ng pansin, agad na namang magpapakatanga. Remember, puwede ka ulit gamitin para sa pansariling kapakanan," Saad niya at inirapan ako.

Marahas akong napabuntong hininga at matalim ang tingin ko sa kanya.
I really don't understand her. Bakit bigla na lamang may galit... no, parang inggit sa sistema niya. Hindi ko siya gets.

"Matalino kang tao, Diozza. Gamitin mo iyang utak mo." Dagdag pa niya bago ako iniwan at naupo malayo sa akin.

Gusto ko siyang hilahin at sumbatan. Ipagtanggol ang sarili ko. Pero tama naman siya. Nagpakatanga naman talaga ako. Nagpakadesperada sa taong may mahal na iba.

But I'm trying my best. I'm trying to make things into the right place. Handa akong kalimutan at iitsapwera ang nararamdaman ko. Just to be that Diozza, just to be that friend they have before.

Pero paano? Madami na ang pagbabago. Hindi lang ako ang nagbago. Madaming nabago sa aming apat. Parang ang layo-layo na namin sa isat isa.

Tinapik ako ni Mahinhin sa balikat. Malamlam ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

"Pagpasensyahan mo na, Diozza. Marami lang iyan problema." Tinulak niya ang balikat ko para umupo. Tapos kumuha ng uupuan at humarap sa akin.

Napaluha ako.

"Tayo pa ba ito? Bakit pakiramdam ko nagbago na ang lahat? Namimiss ko na kayo, namimiss ko yung dating tayo. Iyong mga bagay na masaya tayo. Iyong kuntentong tayo." Garalgal ang boses ko dahil sa pinipigilang hikbi.

Niyakap ako ni Mahinhin.

"Kami pa rin ito Diozza. Tayo pa rin ito. Walang nagbago. Lets just adjust to things right now. Pero promise, walang magbabago sa atin. We are binded by our experiences. Sa mga pangbubully ng iba sa atin. Our frienship is stronger today than before," sabi niyang siguradong-sigurado.

Ngumiti siya pero hindi iyon umabot sa mga mata niya.

"Nandiyan na titser natin," saad niyang umayos na ng upo.
Tinanguhan ko na lang siya at pilit na nag-concentrate sa klase.

Sa hapong iyon, hindi ko talaga  mahagilap si Bryan. Maging si Adonis kaya lalo akong na-guilty na na expell nga ito dahil sa akin.
Ang ipinagtaka ko, maging si Crystal ay wala rin.

Three pm pa lang ay pauwi na kami. Si Mahinhin na kanina lang ay nag-aayang magclubbing ay nagpaalam na may pupuntahan. Masyado ngang nagmamadali eh. Atat na atat layasan kami. Si Eula naman, may sumundo. Bigla na lang nawala. Kaya ako, eto nag-iisa. I was walking alone patungo sa gate ng school. May mga nakakasalubong ako na bumabati sa akin, tipid ko lang silang nginitian.

Nasa labas na ako ng gate  at kasalukuyan nasa cellphone ang atensiyon ko. Ite-text ko kasi si Mang Ben para sunduin ako. Naramdaman kong may pumarada sa harap ko pero hindi ko iyon pinansin dahil kasalukuyan akong nagtitipa ng text.

"Wow, hindi ko alam na ganyan pala siya kayaman," narinig kong bulong sa aking likod.

Nagkibit-balikat ako at muling nagtipa. Hindi pinansin ang tila kiti-kiti sa kilig na babae sa likod ko.

"Kaya pala imbes na siya ang maexpel, Si Bryan ang nadale," sabi pa ng isang boses.

Bigla akong napatigil sa ginagawa, napakunot noo at napalingon sa dalawang nagtsi-tsismisan sa likod ko.

Nahihiya silang nginitian ako saka nagtutulakan palayo.

Muli kong itinuon ang atensiyon sa hindi pa nasesend na text. Nang makaramdam ako na para bang may nakamasid sa akin. Doon na ako nag-angat ng tingin at sinulyapan ang  nasa harap.

I gasp as I don't breath for a moment. Parang nawalan yata ng kulay ang mukha ko dahil sa gulat.
Nanuyot din ang lalamunan ko kaya makailang beses akong lumunok.
Nanginginig ang mga kamay na ibinaba ko ang cellphone ko.

Napakagat labi ako samantalang itinagilid niya lamang ang kanyang ulo at seryosong nakatingin sa akin.

My eyes met Adonis. Nakasandal ito sa kotse at matamang nakatitig sa akin. Ang lakas ng pintig ng puso ko at tila nanlambot ang tuhod ko.

Gusto kong umatras. Hindi kasi maproseso ng utak ko ang nakikita ko ngayon.

Adonis with a branded Car.
Adonis with his branded clothes. Mula ulo hanggang paa. His so damn hot ang handsome.

Ayaw maniwala ng utak ko pero ano itong nakikita ng mga mata ko?
Kung hindi ko lang siya kilala, aakalain ko talagang  isa siyang anak mayaman.

Napakaraming tanong tuloy ang navuo sa isip ko.

Isa na roon kung paano na afford ni Adonis ang lahat ng ito. Is he selling drugs?
Bakit bigla na lang siyang nagkapera. Alam kong masyado akong mapanghusga sa pagkatao niya. I just really can't  imagine how?

Ginawa niya ba ito para sa akin dahil sa sinabi ko? Nagpakasama ba siya dahil sa akin? So itinulak ko siyang maging masama?

Bakit hindi niya ginawa ito noon para kay Crystal. 'Di sana hindi na sila nagkagulo at hindi na ako nadamay pa o kaya ay pumasok sa eksena.

Lumapit siya sa akin, hindi naman ako makagalaw. Para akong itinulos sa kinatatayuan.

"Come with me," maawtoridad na utos niya sa akin.

My mind was blank that I can't react, maging noong igiya niya ako papasok sa sasakyan nito.

 Confidently Beautiful (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon