Um-absent ako ng halos tatlong araw.
Kaya naman hindi ako makahabol sa mga pinag-uusapan ng lahat noong pumasok na ako. With me is Eula and Mahinhin.Si Mart? umabsent din. Kung kailan malapit na kaming grumaduate tsaka kami nagkakaganito lahat.
"Ayos ka lang ba talaga?"tanong sa akin ni Mahinhin. Medyo nag-iba ang aura niya ngayon.
Gaya ko at ni Mart, may napapansin din akong pinag-iba si Mahinhin at Eula.
Tumango ako bilang sagot kay Mahinhin. Pero sa totoo lang ilang araw ng masama ang pakiramdam ko.
"Lets clubbing mamaya," masayang anyaya niya sa amin ni Eula. Eula was somewhat distant to us. Kahit pa nga nakikisama sa amin.
"Wala lang si Mart, kumakawala ka na naman!" puna ko kay Mahinhin. Umasim tuloy ang hilatsa ng mukha niya sa sinabi ko.
"Hindi kung hindi! Bakit kailangang isali rito ang payatot na iyon!" Inis na saad niya sa akin saka ako tinalikuran.
Hindi na lang ako umimik.
Nang biglang dumaan ang grupo nina Bryan. Kumaway sila sa akin kaya kumaway ako pabalik. Hinahanap ang taong gusto kong makausap. Si Bryan.
Parang giraffe na ang leeg ko sa paglingon pero hindi ko nakita si Bryan sa grupo niya.
"Kung si Bryan ang hinahanap mo, wala siya." Sa wakas nagsalita na si Eula.
"Huh?"
Napakunot-noo ako. Gusto ko pa naman siya kausapin. Nakapag-isip ako about what happened three days ago at makikiusap sana akong huwag na niyang ipa-expel si Adonis.
It's like I'm taking out Adonis future. Yes, aminado ako riyan dahil ako ang dahilan kung bakit siya expelled.
Isa pa wala siyang kalaban-laban kay Bryan.Bryan's Dad is one of the share holder sa private school na ito. Kayang-kaya niyang manipulahin ang lahat. Kaya nga maangas at mayabang si Brayan eh. Walang nais kumalaban.
I can't think straight now. Kailangan ko nang umaksiyon. Kailangan kong isalba si Adonis kahit papaano. Kakausapin ko mamaya ang principal namin.
Before, I was okay na ma-expell si Adonis. Kasi hindi na ako magugulo pa. But upon thinking many times. Hindi naman nararapat sa kanya ang ganoon. Unfair para sa kanya.
Nagpatuloy ang klase namin. Teacher's are kinda different today, they seems to treat me nicely! It should be okay but kind of creepy for me.
Iyong parang may alam sila na hindi ko alam. Magiging manghuhula pa yata ako nito dahil parang mga ayaw magsipagsalita.
Even Mahinhin and Eula seems to know something. Sabagay, tatlong araw akong absent. Nagsulat ako sa papel at ipinasa iyon kay Eula.
"Ano ang hindi ko alam? "Iyon ang nakasulat sa papel. Agad na binasa iyon ni Eula.
Pero imbes na sagutin niya iyon. Nilamukos niya lang at itinapon.
Sa inis ko tinadyakan ko ang paa ng upuan niya.Umingay iyon kaya napalingon ang Teacher.
"Miss Gonzales! Ano na naman iyan!" inaasahan kong isisigaw ng teacher.
"Miss Gonzales, okay ka lang ba? Do you need a break?" Malumanay na tanong nito. Napakalawak pa ang ngiti sa akin.
See? Very creepy. Noon kasi halos iluwa na ako sa classroom. Iyong atat na atat silang palayasin ako sa klase.
Everyone is looking at me. Binasa ko ang labi kong nanuyot na bago sumagot.
"Im fine, Mrs. Alonzo," tipid kong sagot.
Tumango ito at muling nagpatuloy sa pagtuturo. Lunch break come, pagkain na naman 'di ba.
Dahil may dalawang oras kami bago ang susunod na klase. Nagpasya kaming sa labas kumain. Sa benches kung saan maraming puno ang nakapaligid. May iilang tao rin sa ibang benches pero karamihan ay nasa canteen.
Nagbabasa ng libro si Eula, which is unusual. Si Mahinhin ay busy sa katetext pero mukhang iritado naman sa katext. Ako, busy kumakain ng dala kong mansanas at Grapes. Healthy living kasi dapat.
Nagpasya kaming mamaya konti kumain ng lunch. Pero iyong mamaya, mukhang mapapaaga. Paano ba naman kasi may delivery ng pagkain para sa akin.
Inilapag ng delivery boy ang pagkain sa mesa kung nasaan kami. Our jaw drop as our mouth open.
Limang iba't ibang putahe ng pagkain ang naroon. Mga family size at mainit init pa. Plus salad and desserts. Siyempre may kanin na rin.
"Enjoy your meal ma'am," nakangiting saad ng delivery boy sa akin.
"Wait" Pigil ko bago pa ito makaalis.
"Hindi ako nag-order nito. Kayo ba Eul, Mahinhin?" tanong ko sa dalawa ngunit umiling lang ang mga ito. Nahihiwagaan din gaya ko. Bakas din sa mukha nila ang pagtataka."Ah, eh," nauutal at napapakamot ng ulo ang delivery boy, para bang may hindi dapat ipaalam.
"Kanino galing? We're not going to eat this dahil hindi namin alam kung kanino galing?" Medyo may iritasyon ang tinig ko kaya parang natakot ang delivery boy.
Napailing ako. Maybe this is one of Bryan's surprises again. Akala ko ba ayaw niyang mataba ako?
"Hmmm,)." Mahinhin cleared her throat as if may nakabara. Napabaling ang tingin ko sa kanya pero agad ding binawi iyon. Napangiwi ako dahil nakasimangot ang maganda nitong mukha.
"Ma'am, ayaw po kasi ipasabi. Nais daw kayong surpresahin eh." paliwanag ng delivery boy na hindi ko pinaniwalaan. At hindi ito mapakali, parang kating-kati na ang mga paa na layasan kami.
Naisip kong isa talaga ito sa mga pakana na naman ni Bryan. Siguro kung nasa mood ako, nakaramdam siguro ako ng kaunting kilig. I saw Eula rolling her eyeballs at umismid pa ito.
"Alis na ako ma,am. Enjoy po ulit." Nagmamadali na namang lumayo ang delivery boy.
"Sandali, magkano ito lahat?" Pigil ko dito na nagpatigil sa kanyang paglalakad at hindi makatingin sa akin.
Damn him. I will pay for this food!
"Ma'am bayad na po lahat iyan. Mauuna na po talaga ako may ide-deliver pa kasi ako." Nagmamadali na talaga itong umalis. Hindi na muling lumingon kahit anong tawag ko.
Natatakam na ako sa amoy ng pagkain pero kailangan kong pigilan ang aking sarili. Mahirap magpakarupok.
"What are we going to do with this?" reklamo ko. I open one by one and take a look. Pawang mga paborito kong putahe. Na-amaze ako dahil inalam pa talaga ni Bryan ang mga paborito ko. Nag-e-effort siya sa panliligaw.
Napatitig ako kay Eula, siguro sa kanya nanggaling ang impormasyon ng mga paborito ko. Feeling ko kasi close sila ni Bryan.
Pero parang hindi maipinta ang mukha ni Eula habang nakatitig doon sa pagkain. Ewan ko kung bakit ganoon ang reaksiyon niya
Tumingin ako sa mga pagkaing naroon.Napabuntong hininga na lamang ako.
"Kainin na lang natin. Sayang ang pagkain. Maraming taong nagugutom." pagkukumbinsi ko sa dalawa.
They have no choice but to comply.
Sayang talaga, andami pa naman.
BINABASA MO ANG
Confidently Beautiful (Completed)
RomanceHoy baboy. Tabatchoy. Piggy, oinky. Itawag na sa akin lahat. WALA AKONG PAKI! Spell that out! E so what kung mataba ako. I'm beautiful and sexy. Sexy on my own way! Ako si Diozza. Diyosa ng ganda, diyosa ng kaseksihan. Diyosa ng kakapalan ng mukha...