"I'm sorry, baby."
Hindi ko alam kung para saan ang sorry na iyon. Hindi ko na alam kung ano ang inihingi niya ng sorry, o ayaw ko lang talaga alamin dahil alam kong masasaktan ako. Pero ayaw ko na talagang tumakbo. Kailangan ko harapin kung ano man ang nasa isipan ko.
Humugot ako ng malalim na hininga bago magsalita.
"Kaya ba pinahihintay mo ako noon dahil sa kondisiyon ni Crystal?" gumaralgal ang boses ko dahil naiiyak na naman ako.
Lumapit pa siya sa akin. Pagkatapos ay niyakap niya ako. Ang aking pisngi ay nakasubsob sa kanyang dibdib. Dinig na dinig ko ang malakas at mabilis na tibok ng kanyang puso.
"I'm sorry dahil nasaktan na naman kita. Wala na akong ginawa kundi ang paiyakin ka," napapaos niyang saad habang hinahalikan ang aking ulo. "I told you to wait kasi gusto kong maging maayos muna ang lahat. Para hindi ka masaktan at para na rin hindi masaktan si Crystal. But then, I was afraid of losing you kaya imbes na itama muna ang lahat I've decided to pursue you without even thinking the consequences." Humigpit ang yakap niya sa akin. Nararamdaman kong nahihirapan si Adonis. "Ngayon, naiipit ako, Diozza. Ipit na ipit ako sa kagustuhan kong manatili ka at sa kagustuhan kong mailigtas si Crystal sa madilim na mundong pinasok niya."
Napapikit ako at naitulak siya dahil sa narinig. Tiningala ko siya. May luha sa kanyang mga mata. Ako man ay namuo at nagbadya ang luhang pilit pinipigilan kanina pa.
"I love you..." ika niya pero alam kong may karugtong iyon. Nararamdaman kong may gusto siyang sabihin pero nahihirapan siya.
Napahagulgol ako sa realisasyóng nabubuo sa isip ko. Masakit tanggapin na maaaring ako ang kailangan niyang i-give up para sa kaligtasan ni Crystal. Na maaring mas gugustuhin niyang manatili sa tabi ni Crystal kaysa sa akin.
"Diozza," nanginginig ang kanyang boses habang ako ay nakalugmok sa sariling kamay. Tinatakpan ang mukha sa labis na pag-iyak. Bakit! Bakit ako ang kailangan niyang i-give-up. Bakit ako ang kailangan niyang pakawalan. Dahil ba iniisip niyang kaya ko. Dahil ba iniisip niyang tatayo ako at magmomove-on! Hindi ba niya alam na simula noong mahalin ko siya ay dumepende na rin ako sa kanya. Hindi niya ba nararamdaman na kapag nawala rin siya sa akin ay guguho na rin ang mundo ko. Sa tingin ba niya ay kaya kong umahon mag-isa.
"If you wait for me..."
"Kung pipiliin mo siya, hindi kita pipigilan. Hindi ko ipipilit ang sarili ko. Hindi ko sasabihing ako dapat ang piliin mo. Hindi ako ganoong makasarili para sabihin sa iyo na ako dapat dahil ako ang mahal mo. Desisyon mo ito Adonis..." humihikbing sambit ko. Pilit na pinahid ang luha at tinitigan ang lumuluha niyang mga mata. "Ngunit hindi ko maipapangakong mahihintay kita. Hindi ko sasabihing maghihintay ako dahil ayaw kong umasa!" Pinal kong saad.
Nanlaki ang mga mata niya at umiling-iling. Parang ayaw tanggapin ang sinabi ko.
"Akala ko ba mahal mo ako?"
"Mahal kita Adonis. Mahal kita kaya ayaw kitang makitang nahihirapan at naiipit sa aming dalawa ni Crystal. Mahal kita kaya sige kahit masakit, pero ang paghintayin ako?" Muli akong umiling. "Kung mahal mo ako, hindi mo ako dapat paghintayin. Kaya mas magandang walang oras o panahon. Paano kung sa panahong naghihintay ako hindi ka pa rin handa para ako naman ang piliiin mo? Sino ang mas agrabyado? Ako Adonis."
Ginagap niya ang kamay ko. May kirot sa puso ko na makita siyang nasasaktan.
"Kung ganoon, ikaw ang pipiliin ko. Hindi ko kayang mawala ka sa akin ng tuluyan. Kung hindi mo kayang maghintay, then huwag. Pipiliin kita dahil mahal na mahal kita!"
Tumitig ako sa kanya nang matagal. Sa ginawa kong iyon ay may realisasyón ako sa sarili. Ngumiti ako kahit hirap na hirap ang pagsilay noon. Binigyan ko rin siya ng tingin na nagbibigay ng kasiguraduhan.
"Hindi porke't sinabi kong hindi ako maghihintay ay magbabago ang nararamdaman ko. Na maghahanap ako ng iba. Hindi ako maghihintay para mas makapokus ka kay Crystal at para hindi mo ako isipin," sabi kong muling nagpahid ng luha sa mukha at pinatatag ang sarili. Yeah, matatag ako. Kailangan kong maging matatag para sa sarili ko at para na rin kay Adonis. Ganito siguro talaga ako magmahal.
"Diozza, baby," muli niyang tawag. Nagsusumamo ang tinig. Alam ko Adonis. Alam kong mahirap pero sa mga nangyayari, ito nga siguro ang karapat-dapat na gawin. Hindi pa siguro ngayon ang panahon para maging tayo at lumigaya. Hindi pa panahon para sa ating dalawa.
Akala ko noon, madali lang magmahal kapag nahanap mo na ang totoong prince charming mo. Akala ko noon kapag nahanap mo na, instant na lang ang lumigaya, parang sa mga fairy tales lang. Ngayon, ipinamukha sa akin ang katotohanan pagdating sa tunay na pagmamahal.
Kung bakit kasi pilit kong pinapaniwalaan ang bagay na alam ko namang hindi totoo. Binaluktot ko ang katotohanan! Nag-stick kasi ako sa sarili kong paniniwala. Hindi ko pinansin ang kila mama at papa at ang pagsubok na dulot ng pagmamahal.
"Ayusin mo ang dapat mong ayusin. Saka ka bumalik." Pinal na desisyon ko
Tumitig lang talaga siya sa akin nang hindi makapaniwala. Mas nilawakan ko pa ang ngiti sa labi ko.
"I love you, Adonis!" sabi ko.
Napamulagat na lang ang mga mata ko noong siilin niya ako ng halik. Mapagparusa ang halik niyang iyon pero nararamdaman ko na may kalakip na pagmamahal.
Makapugtong-hininga ang halikan namin. Hindi niya pa sana iyon tatapusin kung hindi lamang kami mawawalan ng hangin.
Pinagsalubong niya ang mga noo namin habang nakapikit siya at dinidilaan ang kanyang labi. Ako naman ay dilat na dilat ang mata at titig na titig sa mukha niyang sobrang lapit sa mukha ko.
"Promise me to not go anywhere. Dapat nakikita kita. Nararamdaman sa paligid ko. I let you go but I can't let you go!" Nakakalitong saad niya. Muli sinibasib ng halik ang labi ko. Tumugon ako na puno ng pagmamahal. Tinugon ko iyon sa huling pagkakataon na matikman ko ang kanyang labi.
"I love you. Mahal na mahal kita, Diozza," sabi niya sa gitna ng aming halikan.
Inihatid ako ni Adonis pagkatapos namin kausapin si Joseph. Agad niya akong i-dinischarge sa hospital. Si Eula at Bryan ay umuwi na pagkatapos silang kausapin ni Adonis.
Muli, sa huling pagkakataon niyakap ko nang mahigpit si Adonis. Ninamnam ang init ng kanyang katawan. Halos ayaw pa niyang bumitiw at umalis kung hindi ko nga lamang ipinagtabuyan.
Sa huling pagkakataon ay kinintalan niya ang labi ko ng halik na punum-puno ng pagmamahal bago ako pumanhik sa aking kuwarto.
Sa aking pagmuni-muni. Naisip ko na kung ano ang sasabihin nina Mahinhin sa akin. Na isa akong tanga at kung bakit ako nagparaya. Katangahan man ang ginawa ko, alam kong ito ang nararapat. Iyon ang dapat. Babae rin ako at nagmahal. Ang kaibahan namin ni Crystal, hindi ako gaya niya na parang batang nagtatantrums. Na kailangan pang buhay niya ang kapalit para sa taong hindi na siya mahal. Hindi ko siya masisisi at hinuhusgahan. Iyon ang gusto niya, sana lang talaga magamot siya at muling lumigaya.
Nang mahagip ng mata ko ang papel na binigay sa akin ni Joseph kanina. Hindi ko na nagawang basahin iyon kaya naman muli ay kinuha ko at pinasadahan ng tingin.
Halos mabitiwan ko ang papel nang rumehistro sa isip ko ang nilalaman noon. Napatutop ako sa aking bibig at parang gripo ang luha ko sa mata.
"What do I do now? Kung alam ko lang kaagad, hindi ako magdesisyon ng ganoon!" Nagpapanic kong saad at napaupo sa kama.
Muli kong ibinagsak ang mata ko sa papel.
Pregnant
Nalaman iyon sa dugong nakuha sa akin kanina. Noong nahimatay ako, Joseph runs a test gamit ang dugo ko. Pumikit ako at dumalangin. Nag-isip ng mabuti.
"I need to keep my distance! Kailangan ko munang lumayo!"
Alam kong marami ang masasaktan ko, lalo na si Adonis. But then, alam kong ito ang nararapat kong gawin.
"Babalikan ko naman sila eh, sa tamang panahon!"
BINABASA MO ANG
Confidently Beautiful (Completed)
RomanceHoy baboy. Tabatchoy. Piggy, oinky. Itawag na sa akin lahat. WALA AKONG PAKI! Spell that out! E so what kung mataba ako. I'm beautiful and sexy. Sexy on my own way! Ako si Diozza. Diyosa ng ganda, diyosa ng kaseksihan. Diyosa ng kakapalan ng mukha...