Kahit kailan ay hindi nagbago si Adonis.Maglilimang buwan na kaming nagprepretend pero hindi ko siya nakitaan ng anumang pagbabago.
'Yun lang naging busy ito sa pagtatrabaho. Kaya minsan ay walang oras sa akin. Pero naiintindihan ko siya. Minsan gusto ko na nga bigyan ng pera dahil naaawa ako.Pero as a man's pride, ayaw kong tapakan iyon. Ang tanging nagagawa ko na lamang ay ang ipagluto siya ng pagkain at dalhin sa boarding house niya.
O 'di ba, asawang-asawa ang peg ng jowang Diozza niya. Napapangiti nga ako kapag naiisip kong tumagal kami ng ganito at tatagal pa siguro habang hindi narerealize ni Crystal ang kahalagahan ni Adonis.
Thinking of it, parang ayaw kong dumating ang araw na iyon. Ngayon pa nga lamang may kirot na sa puso ko. Ano pa kaya kapag nagkatotoo.
Minsan natutulala ako habang kinukwestiyon ang sarili ko kung bakit hinahayaan ko ang sarili kong mahulog ng husto but, can I question what I feel? Puso ko na ito eh. Dinidikta nito ang mamahalin ko. At si Adonis iyon.
Maybe, I just need to prepare myself right? Prepare for the worst pain I will have when time comes.
I am confident of myself, nasisiguro kong kaya kong paibigin si Adonis. Pero ayaw kong ipagpilitan ang sarili ko. I have respect for him, as I respect myself. I want things go smooth, 'yung walang pinipilit at namimilit. Dapat parehong makaramdam ng pagmamahal. Na sa sitwasyon namin, ako na ang hulog.
Minsan niya akong natanong kung paano ko alam ang mga gawaing bahay. Narito na naman kasi ako sa boarding house niya. Maliit lamang iyon na kuwarto pero may kusina. Masinop si Adonis kaya sobrang linis ng kuwarto niya. Kung iba siguro ang nakatira sa liit ng kuwartong iyon, baka nagmukha nang basurahan. Isahan lang kasi ang kama na sala na rin.
Sa totoo lang, hindi naman kasi talaga ako lumaking mayaman. So my mom taught me everything from my young age. Ngayon na nga lamang ako nakatikim ng ginhawa.
"Tyaran!" Binuksan ko ang isang container. May laman iyong kare-kare. Nagdala kasi ako ng pagkain niya. "Your favorite." Ngumiti siya pero halata ang pagod sa kanyang mukha. Sabado iyon ng hapon. "Ipaghahain na kita tapos aalis na rin ako."
Pupunta na sana ako para kumuha ng plato nang bigla niya akong kabigin. Pumulupot ang kamay niya sa aking beywang.
"Did you loose weight?" he ask as he tighten his hold on me. Bigla ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"I've been exercising and a healthy diet for a month now," I answer na hindi gumagalaw. His been clingy sa school, naiintindihan ko iyon because we are pretending but here just the two of us? I don't know what and how to react.
"Why?"he asked again at parang dismayado ang tono niya. "I like the cuddly Diozza than the sexy one."
I chuckle a bit. Tinapik ko ang kamay niyang nasa beywang ko.
"Siyempre, para makahanap na ng papa," I answer jokingly
Binitawan niya ako at ipinaharap sa kanya. Kunot-noong tinitigan ako, dismayado.
"You don't need to. You're perfect, you don't need to change for someone to love you," seryoso niyang saad.
Overwhelmed I look into his eyes too. Malay ko bang seseryosohin niya ang pagbibiro ko.
"Thank you, but I'm doing this for myself. Not for others." I then walk to get some plate. "Kain ka na, nang makapagpahinga ka naman."
Lumapit siya sa akin. Pumuwesto siya sa aking likuran habang inaabot ko ang pinggan .
"Eat with me then. No diet today!" Bulong niya, At siya na ang umabot ng pinggan sa lalagyan. Wala akong nagawa kundi ang sabayan siya sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Confidently Beautiful (Completed)
RomanceHoy baboy. Tabatchoy. Piggy, oinky. Itawag na sa akin lahat. WALA AKONG PAKI! Spell that out! E so what kung mataba ako. I'm beautiful and sexy. Sexy on my own way! Ako si Diozza. Diyosa ng ganda, diyosa ng kaseksihan. Diyosa ng kakapalan ng mukha...