Chapter 29 His past

279 20 0
                                    

Nasa isang lomihan at gotohan kami na bukas ng 24 oras. Lomihan iyon ni Aling Susan at suki kami roon. Malapit ito sa paradahan ng mga bus na papunta sa ibat ibang lugar.

Kasama ko sina Adonis, Eula at siyempre ang maarteng si Bryan. Suwerte niya talaga at hindi ako naging girlfriend niya. Kung hindi araw araw kong makikita ang tila nandidiring mukha niya, dahil araw araw kong dadalhin sa isawan o lomihan.

Wala siyang choice kundi sumama sa amin dahil ayaw pang umuwi ni Eula. Sina Mahinhin ay tuluyan na talaga kaming iniwanan.

Napilit din namin kumain si Bryan ng Lomi ni aling Susan. Nasa dulo kaming parte ng maliit na pwestong iyon. May iilang upuan at mesa. Sa mga mesa ay may patis at toyo na nakalagay na.  May mangilan ngilan ding taong nagkakainan.

Pinasadahan ko ng tingin si Bryan at Eula na magkatabi. Napangisi ako dahil kita mo nga naman, mukhang may something sa kanila talaga.

Sa totoo lang natutuwa ako. Parang nagbabago kasi itong si Bryan eh, noong una talaga gusto ko siyang patayin. Literal na gusto ko siyang sakalin at balatan ng buhay sa tuwing makikita ko siya.

"Eat," pukaw ni Adonis sa pagmamatiyag ko sa dalawa. Napalingon ako sa kanya. Binigay niya ang itlog mula sa kanyang goto.

Napalabi ako

"Pinapataba mo ba ako lalo?" tanong kong kunwaring nagtatampo.

"Mas gusto ko ang dating katawan mo, Diozza," sabi niya. Inirapan ko siya. Pero infairness yung kilig ko talaga to the highest level na. Mukhang mahirap ng abutin nina Mahinhin o nina Eula.

"Daganan kita diyan eh," pagbibiro ko. Naalala ki noong nagkilitian kami sa kwarto ko. Unang pakilala ko sa kanya kay mama. Doon ako sinita ni mama dahil baka daw mapatay ko siya. Naku ako naman yata ngayon ang mapapatay sa kilig dito. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.

"So ikaw ang dadagan ganoon?" Saad niyang nakangisi.

Halis maibuga ko ang kinakain ko sa sinabi niya. Napakalawak pa ng ngiti niya sa labi. Ganoon din si Eula na naibuga ang iniinom na tubig kay Bryan.

"Sorry," sabi nito at inabutan si Bryan ng napkin.

"Kayong dalawa, maglalandian na naman kayo. Ilugar niyo nga!" Singhal sa amin ni Eula. "Hoy Adonis, nga pala baka pwede mo nang ibalik itong si Bryan sa school. Pagraduate na tayo," dagdag ni Eula at bumaling kay Adonis.

Napatungin ako sa kanya. Napakamot siya sa ulo at tumawa.

"Hindi ko naman siya pina expell ah. Kinausap ko na ang director sa school," sabi niya na kumindat sa akin.

Oo nga pala, hindi pa ako nalilinawan about sa pagkatao niya. Pati kayo di ba? Gusto niyo rin malaman. Pero paano ko ba itatanong? Hindi ak9 makaapuhap ng salita na pwedeng ibato sa kanya.

"Sinadya mo bang magpanggap na mahirap, Adonis?" biglang tanong ni Eula, sabay sipa sa mga paa ko sa baba ng mesa.

Tumawa siya at umiling. Tumingin muna sa aming tatlo na talagang interesado sa sasabihin niya.

"Mahirap talaga ako," panimula niya na ikinataas ng kilay ko. Ginagap niya ang aking kamay at nagpatuloy.
"Mahirap kami ng nanay ko. Lumaki ako sa squatter area. Bata pa lamang ako, natuto na akong magbanat ng buto. Maglako ng kung ano-ano. Tumuntong ako ng highschool, pinasok ko ang construction para matustusan ang pangangailangan namin ni Mama. Naging sakitin kasi ito at halos hindi na makapagtrabaho." Nalungkot ako sa nalaman, lalo na noong malungkot siyang tumitig sa mga mata ko at pilit na ngumiti. "Noong namatay si Mama, at pa-graduate na ako ng highschool, biglang nagpakita  ang tunay kong ama," sabi niya at suminghap saglit ng hangin at tumikhim. Alam kong nahihirapan siyang magkwento tungkol sa buhay niya. Makikita ang lungkot sa mga mata niya. Kaya naman nanahimik lang kami nila Eula at nakinig lang.

 Confidently Beautiful (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon