Chapter 13

65 21 7
                                    

For a week of staying here and recovering, naging maayos na rin ang lahat sa wakas. Mas pursigido na akong pumasok kasi ang dami ko nang namiss na discussions pero hindi naman nakakalimutan nila Innah na ipadala sa'kin araw-araw ang notes nila to keep me updated.

And for that week, walang namiss na araw si Jayce na bumisita sa'kin. He would bring food and snacks that I love. Hindi ko nga alam eh kung saan niya nalaman na paborito ko ang mga iyon. Hindi nalang ako nagtanong.

Sumasabay siya kina Oppa sa tuwing umuuwi sila. Mommy and Daddy we're not with us for a week kasi nagkaproblema sa farm na siyang tinutukan nila ngayon kaya naman doon muna sila nagstay. Sumama si Mommy kay Daddy para matulungan ito kaya sila Oppa ang nag-aalaga sa'kin.

Minsan rin, bumibisita rin ang buong basketball team na siyang ikinaingay nang buong bahay. Ginawa lang naman nilang playground ang bahay namin. Ang iingay at ang kukulit nilang lahat. But despite of that, I was still touched with the fact na they did that to entertain me, to keep me company. I never felt left out.

And with that week, my stalker also keeps on sending me letters and pictures. At hindi ko na alam kung tama pa bang isipin na iisa lang sila ni Jayce. They're both confusing me.

Sometimes, naiisip ko nalang sumuko. Give up on searching for the truth, if Jayce and my stalker are one. Nakakapagod rin kasi. Ang hirap hanapin nang taong hindi naman magpapahanap sa'yo.

But something still pushes me to continue. And that's what I've been holding on right now. Bahala na 'to. I'm still gonna find answers.

Tahimik lang kaming nagbyahe. I was looking outside the window. Kay Vlad Oppa ako ngayon sumabay. Nang makarating kami sa school, hinatid nila ako sa room. My classmates were happy to see me all fine now. Ningitian ko lang sila. But seconds after, my smile disappeared.

Something's off.

Parang may mali yata talaga eh but I can't point it out. Nagkibit-balikat nalang ako.

Baka naninibago lang siguro kasi ngayon pa ako nakabalik nang school.

Dumating na ang prof namin and he immediately started his lecture. Tahimik lang akong nakikinig habang nagtetakenote.

Lunch came at sabay kaming kumain nina Innah. We started eating habang nagkwekwentuhan naman sila when that unusual feeling I felt awhile ago was still there. I stopped eating at tinignan ang pagkain ko.

Ano bang nangyayari sa'kin?

Sabay sabay naman akong tinignan nilang tatlo.

"May problema ba?" Innah asked.

"You don't look okay, Lily." dagdag naman ni Mary. Habang tinitigan lang ako nang matiim ni Psyche.

Ningitian ko lang sila. "Nothing. May naalala lang ako."

Nagsitango nalang sila at nagsibalik na sa pagkain. Napabuntong hininga nalang ako nang nagsimula namang magtilian ang mga babae dahil sa kilig. Napatingin naman ako sa pinto nang canteen at sakto rin namang dumaan ang basketball team habang masayang nagkwekwentuhan.

Ba't parang kulang yata sila?

Doon ko lang napansin na Jayce was not with them.

Where is he?

Then I suddenly realized why I felt that unusual feeling awhile ago. Nakasanayan ko na kasi na may nangungulit sa'kin kapag nakarating na ako sa school. Inaabangan niya kaming dumating nila Oppa sa parking lot, sumasama rin siya sa paghahatid nila sa'kin sa room, at kapag lunch time na, nakaabang siya sa labas nang room namin para sumabay sa'min kumain. But right now, walang Jayce na gumawa nun.

Love and Lies Series #1: Notice My Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon