Chapter 31

65 19 4
                                    

When I checked myself again and saw that I'm ready, hindi na ako nag-aksaya nang panahon at lumabas na nang condo. Sakto ring lumabas ang may-ari nang katabi kong unit and was surprised nang mapagtanto ko kung sino iyon but I never showed him any emotion. I remained my expression stoic.

He also seemed surprise nang makita ako. He's in his black longsleeves that were rolled up to his elbows and black pants. "Hindi kita sinudundan ah?" depensa niya. "Masyadong malayo pag uuwi pa ako sa bahay niyo at susunduin ko pa ang secretary ko kaya, I decided to get a unit."

Hindi ko maiwasang magtaas nang kilay. Tanungin mo nga kung may pake ako.

But instead of saying that to him, nilagpasan ko lang ito at tahimik na naglakad patungong elevator. Sumunod rin pala ito sa akin at pumasok rin. Kami lang dalawa ang nandun at di ko maiwasang makaramdam nang awkwardness pero hindi ko rin iyon pinahalata. Nanatili akong tahimik hanggang sa basagin niya iyon.

"I'm still not following you, okay? Sa lobby ko nalang siya hihintayin."

Napairap ako sa hangin. Again and again. Tinatanong ko ba?

Nagpasalamat ako nang bumukas na ang elevator. Pinauna niya ako at sumunod na naman ito sa akin pero hindi ko siya binigyang pansin. Taas-noo lang akong naglakad sa kanyang harapan.

"Ahh, pwedi kang sumabay pag gusto mo." may pag-alinlangang sabi nito sa likuran ko.

I pretended I didn't hear him at straight lang na naglakad hanggang sa makalabas na ako nang Condominium Building. I even heard him called my name but I didn't even bothered to glance at him. What for? Just wasting my time.

Ningitian ko ang mga kasamahan ko nang makarating ako sa opisina. We exchanged 'good mornings' to each other hanggang sa umalis na naman ako para simulan ang klase ko.

May pinagawa na naman akong activity sa mga bata while nakatulala lang ako sa mesa ko. I let out a loud breath.

Ganun pa rin eh. Apektado pa rin ako. Pero pag di naman ako lalaban, ako lang rin ang masasaktan sa huli. I already locked my heart. Ayoko nang mabuksan na naman iyon ulit. Mapait akong napangiti nang maalala ko nung panahon na iniwan niya ako, ang paghihirap at pagdurusa ko. Grabe pala ang naranasan ko ano? Muntik ko na nga iyong ikinabaliw eh. Isang buwan pa nga lang, ang dali-dali na sa kanyang iwan ako. Kung noon, wala talaga akong confidence sa sarili, mas lumala talaga iyon. I even questioned my self-worth. At yun ang pinakasakit. Na mas lalo kang nagdududa sa sarili mo.

Nagising ako sa malalim na pag-iisip nang may biglang kumalabit sa akin. The concerned face of my pupil, Jill, welcomed my face.

"What is it baby?"

Lumambot ang expresiyon nito sa mukha habang tinitigan ako at ngumuso. "Teacher Lily doesn't look happy. You're sad."

It wasn't a question, it was a statement. Mas lalo lang tuloy lumala ang pakiramdam ko matapos marinig 'yun.

Umiling naman ako. Ayokong pinag-aalala ang mga estudyante ko. "No baby. May iniisip lang ako."

"You're not lying right, Teacher Lily?"

Sorry baby. Teacher Lily has to lie.

Umiling ako ulit. "I'm not baby. You know that lying is bad right?"

Masakit rin ang lihiman ka at pagsinungalingan when all you did was to be real to him.

May nilagay naman ito sa mesa ko and it was a bar of Dairy Milk. "I love chocolates, Teacher Lily. But I want to give this to you to make you feel better. Eating chocolates makes me feel better when I'm sad so I wish it will also to you. I don't want my Teacher Lily to be sad."

Love and Lies Series #1: Notice My Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon