Chapter 26

63 19 6
                                    

It's been a month now at ang dami-daming nangyari sa mga nakaraang araw. Jayce and I are cool. Hindi na ulit nasundan ang insidenteng nangyari and I'm glad about it. Everytime Jayce and I had a misunderstanding, pinag-uusapan namin 'yun nang masinsinan kahit gaano pa iyon kaliit na bagay. Naging aral sa amin ang nangyari nang hindi namin pinakinggan ang isa't isa. Ganun naman talaga sa isang relasyon di ba? Sa maliliit at malalaking bagay, kailangan niyo yang pag-usapang dalawa.

Hindi na rin ulit lumapit pa sa akin si Yoon Mi. I heard from Jayce that she's dating Casper, a football player of our school. Kung hindi na ito lumalapit sa akin, sa boyfriend ko naman ito nagpupunta. I even caught her flirting with him. May boyfriend na nga siya, nanlalandi pa rin. Ganun ba talaga pag pokpok?

Pero hindi ko iyon pinansin kasi si Jayce naman mismo ang nagtataboy nito. Pag napuno na nga ito minsan, nasisigawan na niya tuloy ang babae. Bahala na siya. I trust him. I know hindi siya gagawa nang bagay na makakasakit sa akin.

It's also been a month na hindi na nagparamdam ang stalker ko. Napansin kong nagsimula 'yun when I decided to quit looking for him and after the day I confronted Jayce if he's behind that stalking thing na hindi naman pala. Maybe like me, napagod din siya. He's tired of it. It pained me a little pero ano bang magagawa ko? It was his choice after all. I already miss him though. I just hope he's okay.

The upcoming Annual Sports Fest is approaching and everyone's been busy about it. Lalong-lalo na ang basketball team. Todo ensayo ang ginawa nila upang mauwi na naman ang trophy. This year, apat na school ang makakalaban namin. St. Luciana, Crestview, Stoneridge, and Brookside University. Last year, Grand Slam na nang La Monique and everyone's been working hard to maintain the title.

And because of that, tuwing weekends ang madalas na bonding namin ni Jayce kasi alam kong abala siya. Ayoko namang makadistorbo sa kanya. Minsan nga, hindi na rin kami nakakalabas pag weekend kung may ensayo rin sila sa araw na 'yun. I don't want to be a burden to him. Nag-uusap naman kami tuwing gabi via phone or video call kaya ayos lang sa akin.

What would you expect kung athlete naman ang boyfriend mo, di ba?

May 'Battle of the Bands' ring gaganapin. Hindi lang naman nakafocus ang festival na 'yun sa sports only. There's also literary, music, and dance competitions. I can still remember that night when my brothers convinced me na kami ang magrerepresent nang school.

Flashback

Family night ngayong gabi. And family night means movie marathon.

Nakahilera na nga kaming pamilya dito sa living room. Mommy and Daddy occupied the couch habang kami naman ay umupo sa carpeted floor. I was between Levi and Seb Oppa. Nakasandal ako kay Seb Oppa habang nakaakbay naman ito sa akin. May snacks at soda rin sa center table. It was Vlad Oppa's turn to choose the movie at ang pinili naman nito ay 'Alita Battle Angel'.

Everyone's whole attention was on the screen when Vino Oppa spoke.

"Tayo nalang kaya ang sasali sa Battle of the Bands?"

My brothers and I turned our heads to look at him. Tumaas naman ang kilay ko.

"We'll surely win. Our bands the best." dagdag nito.

"Aiish. Sayang naman. Hindi na ako makakasali sa inyo." nakangusong sabi naman ni Seb Oppa.

"Baby Sis should join. Still our vocalist. What do you think?"

Nagsitango naman ang ibang kapatid ko habang napairap naman ako.

"Never gonna happen." wika ko.

Love and Lies Series #1: Notice My Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon