Back to school again. Ayoko pa sanang pumasok pero hindi pwedi. Pinagdasal ko pa sanang mag-extend ang bagyo nang isang buwan kaso, baka maglalangoy na naman kami sa baha pag nangyari 'yun. Kaya wag nalang.
Ikatlong araw nang bagyo kahapon pero sikat na sikat na si Haring Araw. Nakauwi na rin sila Mommy at Daddy kahapon. Jayce also went home nang dumating ang hapon. Sinulit pa talaga pagtira dito.
And now, nakaupo ako sa bench tapat nang Office of the President. Naghihintay sa pagdating nang mga magulang ko. My brothers and also Jayce were with me. We need them as witnesses.
Jayce sat beside me while holding my hand. He would sometimes squeeze it , or pinch it, then he'll suddenly play with my fingers. Habang ang mga kapatid ko naman, tahimik lang nakaupo. Mabuti nga't mahaba ang inupuan naming bench at nagkasya kaming lima.
Excuse ako sa klase ko ngayon dahil sa mangyayari ngayong araw. Sasama pa nga sana sila Innah pero hindi ko pinayagan. Hindi ko gustong mag-absent sila sa klase nang dahil sa akin.
Napatingin naman ako sa apat na lalaking kasama ko pero si Jayce lang ang tumingin sa akin. He gave me a questioning look.
"Pumasok nalang kaya muna kayo. Maaga pa naman oh." wika ko sabay tingin sa wrist watch ko. It's still 7:35 AM. Makakahabol pa sila sa mga first period nila.
Nagsiilingan naman silang apat. Then Vino Oppa spoke. "No need, Baby Sis. Kaibigan naman namin ang prof sa subject namin ngayon kaya ayos lang."
Inirapan ko naman siya. "Kaibigan talaga? O gusto niyo lang talagang hindi pumasok?"
"That too." segunda naman ni Vlad Oppa. Aiish. What do I expect from them?
Naramdaman ko ang kamay ni Jayce na bahagyang hinaplos ang noo ko so I diverted my attention to him. "What is it?" I asked.
"Does this still hurt?" he was pertaining to the bruise I got from Dianne.
Umiling ako bilang sagot. "Is it still noticeable?"
Tumango naman ito. "Ne. Pero hindi na masyado. But it can also be our proof that she hurted you."
Hindi ko nalang siya sinagot. Gusto nang matapos ito agad.
Naputol ang pagmumuni-muni namin nang biglang dumaan sa harapan namin ang pamilya ni Dianne with some police with them, accompanying her. Naging alerto naman ang mga kasama ko at humigpit naman ang pagkakahawak ni Jayce sa kamay ko nang tumingin sila sa amin.
Dianne got her looks from her Mom. Her aura and poise screams authority and confidence habang kabaliktaran naman iyon sa ama niya. Her Dad has a soft aura.
Dianne and her Mom gave us an emotionless stare while her Dad gave us an apologetic look. Nagbow ito nang bahagya para humingi nang pasensya at pinapasok na ang pamilya niya sa loob. Like mother, like daughter. I wonder kung may mental disorder rin ang Mama niya.
Levi tsked. "No wonder she's a bitch. Mukhang bitch rin naman ang Mama niya eh."
Siniko ko naman si Levi at pinanlakihan nang mata. Nagkibit-balikat lamang ito at tumahimik na.
Minutes passed, dumating na rin ang hinihintay namin.
"Are we late, Baby?" Mommy asked.
Umiling ako. "No Mommy. You just came on time."
My Daddy nodded. "Okay. Time to settle this."
-------
Nauna kaming lumabas sa office. I let out a sigh. Katatapos lang isettle nang President nang school ang nangyaring insidente. And I'm glad, sumang-ayon ito sa suhestiyon ko. Sa wakas, natapos na rin.
BINABASA MO ANG
Love and Lies Series #1: Notice My Love (COMPLETED)
Teen FictionThe only Princess of the Peralta household was living her normal and quiet life the way she wants it. Spoiled, feisty, and bipolar yet, loved and accepted by her family, there's nothing she can ask for. But, is having a stalker at a very young age s...