Agad naman akong napatayo na siyang ikinatingin nang lahat sa akin. Tumaas naman ang kilay niya habang nakangisi. Parang nag-eenjoy sa sitwasyon ko. Punyeta!!
"Yes, Ma'am Lily? May problema ba?" naguguluhang at may pag-aalalang tanong ni President na agad ko namang ikinailing.
"W--Wala S--Sir.." kinuha ko naman ang mga libro ko at pouch na nilalagyan nang mga marker. Hindi ko siya tinapunan nang tingin pero pansin ko pa rin ang pagtaas nang sulok nang kanyang labi. "M-May klase pa ho kasi ako. I'll get going n-now."
Dumaan ako sa tabi niyang nakayuko na mas lalong ikinadagundong nang puso ko nang tumapat ako sa kanya. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa na siyang ikinabilis nang lakad ko para makaalis kaagad nang opisina.
Para akong hinahabol nang aso sa bilis nang tibok nang aking puso. Dahan-dahan akong napahawak sa aking dibdib para pakalmahin ang aking sarili.
Goodness.
Gusto kong sumigaw dahil sa matinding frustration na nararamdaman ko. Peste naman eh! May balak naman pala siyang magpakita edi sana man lang, nainform ako! E di umabsent nalang sana ako ngayon!
At siya pa talaga ang kinuhang Engineer nang Academy? Para na 'yung suicide sa akin! Malamang makikita ko ang pagmumukha niya araw-araw!!
He changed so much. Mas lalong matured na siyang tignan ngayon. Well he's maybe in his 30s, di ba? His features may be more matured but he's still handsome as ever! He became more manly. His body built also improved a lot! Mas malaki na ang katawan nito ngayon that I imagined I'll look tiny in between his strong and muscular arms. Nakasuot siya nang puting longsleeve polo na tinupi ang sleeves exposing his veiny and muscular arms. Para na ring puputok ang damit niya dahil sa pangangatawan niya ngayon like he's daily lifting his weight through push-ups. At ang isa sa pinakagusto kong parte nang katawan niya, his long legs na tulad rin nang pangangatawan ay parang galit na galit at malapit nang kumawala sa suot niyang pantalon.
Teka nga. Why am I complementing him?! Think negative thoughts about him Lily!!
At sa hindi malamang dahilan, naalala ko na naman ang aming nakaraan. Ang pagsisinungaling niya sa akin. Nakaramdam na naman ako nang galit. Tama nga.
Eh bakit naman ako matatakot at magtatago sa kanya?! Galit nga ako di ba? Siya na nga 'tong nagsinungaling eh, siya pa ang nang-iwan. Ha! Baka inaakala niya!
Dahil sa mga naisip kong iyon, unti-unting naglaho ang kabang nararamdaman ko na siyang ikinatuwa ko. Taas-noo akong nagmartsa papunta sa klase ko.
Ang daming nagbago sa loob nang sampung taon, Jayce. But sadly, yung puso ko hindi. Pero, I'm more stronger now. I won't let my guards down. Ayokong nang maulit pa ang nangyari noon.
-----
Nakangiti naman ako habang naglalakad pabalik sa opisina. Nag-enjoy ako sa ginawa naming activity nang mga estudyante ko. They really have the power to lighten up my day.
Umupo ako agad nang makarating sa aking mesa. Salamat naman at wala na sila dito. Sana nga ay umuwi na 'yun.
Ininat-inat ko naman ang aking mga braso. Medyo napagod din ako sa kahyperan nang mga anghel ko. Wala na akong susunod na klase pero umuuwi pa rin naman ako tuwing dismissal pa.
"Ba't bigla ka nalang umalis kanina?" nag-aalalang tanong ni Blythe sa akin na kakapasok lang sa opisina. Kakagaling lang nito sa klase niya. Umupo rin ito sa table niya matapos ayusin ang mga dalang gamit. "You also looked tensed. Bigla ka lang ring namutla. Are you okay?"
Tumango ako at ningitian siya. "Bigla lang sumama ang pakiramdam ko. But I'm fine now."
"Are you sure?" paninigurado nito.
BINABASA MO ANG
Love and Lies Series #1: Notice My Love (COMPLETED)
Teen FictionThe only Princess of the Peralta household was living her normal and quiet life the way she wants it. Spoiled, feisty, and bipolar yet, loved and accepted by her family, there's nothing she can ask for. But, is having a stalker at a very young age s...