Chapter 36

76 22 7
                                    

Hindi siya sumagot, instead, tinitigan lang ako.

"Ano?! Tititigan mo lang ako at hindi ka sasagot?! Na---"

"Nalaman ko yun sa kapatid mo okay! Vino hyung texted me!!" frustrated at naiinis na sabi nito na siyang unti-unting ikinanganga ko. What the heck? Nag-iwas ito nang tingin. "I wasn't really planning na ummattend nang Anniversary kasi I thought, you still need time to think. Baka mas lalo ka pang maguluhan pag nakita ako. Until I received a text from your brother..." nagtiim bagang ito and fisted his knuckles. Marahas naman niya akong nilingon. Eyes were cold and dark. "...that Chrauss proposed to you and you accepted it! At kasabay nang celebration nang Wedding Anniversary nang mga magulang mo ay ang pag-announce niyo na ikakasal na kayo!" hinawakan nito ang aking mga kamay while looking at me with pain, anger, and desperation in his eyes. "Don't you love me anymore? Mas mahal mo na ba siya?" nanginginig na tanong nito.

I found myself laughing really hard. Hindi ko na talaga kinaya! Ang epic niyang magdrama! Parang ako lang rin nung pinagtripan ako nang kapatid ko noon.

"Why are you laughing?! Damn it, love! Wag mo akong ipahiya!" galit na sabi nito sa akin.

Hawak-hawak ang tiyan kong tinignan ko ulit siya. "Grabe ka! Akala ko rin, alam mo nang siraulo talaga ang kapatid ko." natatawang sabi ko sa kanya.

Kumunot ang noo nito. "What do you mean?" hanggang sa mukhang nagets niya na iyon at unti-unting nanglaki ang mga mata. "Shit! I'm gonna kill that bastard for pranking me!" he annoyingly said but there was relief in them.

Tumigil na ako sa kakatawa at biglang sumeryoso. "Di ba? Ang sakit paglaruan? Ang sakit na malamang pinaniwala ka sa isang kasinungalingan. Eh di nalaman mo na rin ang nararamdaman ko noong pinagloloko mo ako." may halong hinanakit na sabi ko. My eyes started to water kasi parang bumangon na naman sa hukay ang lahat nang hinanakit na ibinaon ko.

Natigilan siya. Unti-unting nabalot ang buong mukha niya nang takot at konsensya.

"Nag-enjoy ka ba? Nag-enjoy ka bang binili ko ang kasinungalingan mo?"

"N-No, love. D--Don't say that. I'm really sorry."

Pait akong ngumiti. "Yan na naman eh. Sorry nalang lagi ang naririnig ko mula sa 'yo. Pweding iba na rin? Yung hindi nakakasawang pakinggan?"

After that, namalayan ko nalang na nagsibagsakan na ang mga luha ko habang hindi pa rin inaalis ang mga titig ko sa kanya. He did the same to me. Malambot ang expresyong tinitigan niya ako.

"Please don't cry, love. I hate seeing you cry."

"Eh di sana gumawa ka nang paraan na tumigil ako sa kakaiyak! Kasi ikaw naman lagi ang rason nang pag-iyak ko eh!"

He gathered me in his arms at napahagulhol nalang ako. Hinahagod-hagod niya ang likod ko habang napasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. "I'm sorry, love. I'm sorry for making you cry."

Hinampas-hampas ko ang dibdib niya. "Why do you always hurt me? Why do you always lie to me? Hindi mo ba ako kayang pagkatiwalaan?"

Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin at umiling-iling. "No, love."

"Bakit nga? Hindi ko na alam eh. Wala na akong nahahanap na sagot."

"Kasi duwag ako."

Unti-unti siyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin then cupped my face habang tinititigan ang aking mga mata. "For that days na hindi ako nagpakita, napagpasyahan ko na. Ayoko nang paglihiman ka pa."

So, is this it? Malalaman ko na ba talaga? Hindi na rin ba ito isang kasinungalingan?

Bumuntong hininga siya at ibinalik ang tingin sa akin. Nagsimula na ring manubig ang mga mata niya. "Sorry if ngayon lang ako naglakas-loob na sabihin sa 'yo kasi love, I'm a big coward when it comes to you. I can be heartless and cruel pagdating sa iba pero pag sayo, tumitiklop ako. Natakot akong sabihin sa 'yo na ako 'yung matagal nang nakabuntot sa 'yo because I was afraid to be judged by you. Sino bang matutuwa di ba na limang taon ka pa lang, may stalker ka na? Malaki ang kompyansa ko sa sarili pero pagdating sa 'yo, nawawala lahat nang 'yun."

Love and Lies Series #1: Notice My Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon