Jayce became well kinabukasan. Inabangan pa nga kami nito sa labas nang bahay namin para makasabay kaming pumunta sa school. And I'm glad the smiling and hyper Jayce is back.
Pero kahit naging maayos na siya, may isa na naman akong pinoproblema.
BIRTHDAY NA NIYA NGAYONG LINGGO AT HINDI KO PA ALAM KUNG ANONG IBIBIGAY KO!!
Pera nga rin eh. Hindi ko alam kung kasya ba ang ipon ko. Hindi rin naman pweding kunin ko yung perang kinikita namin nang mga kapatid ko sa mga gig namin. Amin yung apat eh. Huhuhuhu. Alam ko namang may kaya ang pamilya ko but I'm not that kind na hingi nang hingi. Gusto kong paghirapan ang mga bagay na gusto ko. Daddy taught me that.
Kahit sa ganitong paraan, masuklian ko man lang ang kabaitan ni Jayce sa'kin.
Kagabi pa nga ako isip nang isip kung anong raket ang papasukan ko. Yung malaki ang kikitain. Saan naman ako hahanap nang raket na ganun?
Ibenta ko nalang kaya ang kidney ko? Ilan kaya ang kikitain ko?
Peste. Ako naman ang mapapahamak nito. Habang busy na naman sa kanila-kanilang mundo ang mga kaklase ko, nakatunganga naman ako ngayon sa upuan ko. Napakamot nalang ako sa batok.
Ano bang gagawin ko?
"May bagong nagbebenta nang pagkain sa labas. Affordable pa raw."
"I heard they were street foods."
"Ew. Ang dirty kaya nun."
"Makadirty naman 'to. Perpek ka? Perpek ka?!"
Parang tila nagliwanag ang buong paligid matapos kong marinig ang mga napag-usapan nila.
Mwehehehe. Eh kung magbenta nalang kaya ako nang pagkain?
Napatango-tango nalang ako. Tama.
Lunch time na kaya nagsipuntahan na naman kami sa cafeteria. Nasa pinto palang kami nang bigla nalang may humarang sa daanan namin. It was Chrauss.
Ngumiti naman ito nang napakalapad. "Hey girls! Hi Shebs!"
I smiled back. Nagroll eyes naman si Psyche at Mary habang si Innah naman ay napangiwi. Alam na alam nilang tatlo ang history namin ni Chrauss at hindi ko sila masisisi kung ganyan sila makareact. But I still want them to forgive Chrauss though like I did. Matagal nang nangyari yun.
Hindi nagpaapekto si Chrauss sa ginawa nilang tatlo at nandun pa rin ang mga ngiti niya. "Kakain na ba kayo?"
"Oo. Kakain kami nang bato. Gusto mo sumabay?" mataray na sabi ni Psyche. Siniko ko naman siya pero tinignan niya lang ako at nagpanggap na parang walang naririnig.
Napakamot naman sa batok si Chrauss. "Ahihihi. Palabiro ka talaga, Psyche."
"Sinong nagsasabing nagbibiro ako? I'm dead serious."
Nawala ang ngiti ni Chrauss at nag-iwas nang tingin habang siniko ko ulit si Psyche at pinanlakihan nang mata. Nagroll eyes lang naman ito sa'kin.
Napaface palm nalang ako.
Ang maldita talaga nang babaeng 'to.
"Ahh you know Chra--"
"Yo Chrauss! Let's go! Marami pa tayong gagawin."
Sabay naman kaming napalingon at nakita ang isang lalaking kumakaway kay Chrauss. Classmate niya yata.
"Ahh I need to go. May gagawin pa nga pala kami. Bye girls. Bye Shebs." sabi nito at umalis na.
Sorry Chrauss. Ang sungit nang mga kasama ko.
"Naku!! Yung gagong yun talaga ah? Konti nalang, lilipad na talaga tong kamao ko!" nanggigigil na sabi ni Psyche habang nakakuyom pa ang kamao. "Ang kapal nang mukha niyang lapit nang lapit sa'yo ngayon?! Punyeta siya! Pinapahighblood niya ako!"
BINABASA MO ANG
Love and Lies Series #1: Notice My Love (COMPLETED)
Teen FictionThe only Princess of the Peralta household was living her normal and quiet life the way she wants it. Spoiled, feisty, and bipolar yet, loved and accepted by her family, there's nothing she can ask for. But, is having a stalker at a very young age s...