I ran as fast as I could. Ayoko munang makita si Jayce. Sobrang kahihiyan ang ginawa ko ngayon. Ramdam na ramdam ko pa rin ang pag-iinit nang buong mukha ko.
I have to hunt down my jerk brother. Kasalanan niya ito lahat!!
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Kahihiyan, galit. Basta ang dami! Hindi ko mapangalanan!
At nang matagpuan ko ang hinahanap, kausap ang kakambal nito, wala akong sinayang na oras. Sinugod ko siya. Gulat naman akong tinitigan ni Vlad Oppa habang panay salag naman si Vino Oppa sa mga hampas at suntok ko.
"WALANG HIYA KANG DAMULAG KA!! PINAHIYA MO KO!!" pinaghahampas ko siya nang todo todo. Pati nga ang mga estudyanteng napapadaan ay kunot-noo kaming tinitigan. "SIRAULO KA TALAGA!! AYOKO NA SA 'YO! DI TAYO BATI! INAWAY MO AKO!"
"A-aray! Woi ang sa-- aray! Stop it, Baby Sis! Aray nga!" reklamo nito.
"Teka--teka nga lang muna! Ano bang nangyayari dito!" hinawakan naman ako ni Vlad Oppa sa magkabilang braso para patigilin ako. Inilayo ako sa kakambal niya. Pinaharap naman ako nito sa kanya. He looked at me intently. "What's gotten into you, Baby Sis?"
Sinulyapan ko naman si Vino Oppa na wala man lang bakas nang pagsisisi ang mukha. He even grinned at me. I gave him a death glare pero nagkibit-balikat lamang ito. Kabwisit!!
"It's all his fault!" turo ko sa kanya. "Pinahiya niya ako Oppa eh! Alam mo bang nagmukha akong baliw na nagdadrama sa harapan ni Jayce?!" kompronta ko dito.
Tinignan naman siya nang masama ng kakambal nito. "Vino, what did you do?"
Nagkibit-balikat naman ito. "Nothing much. Hindi ko lang inexpect na maniniwala ka doon, Baby Sis. Hihihi."
"YOU JERK!! I HATE YOU!!"
He looked at me amused. "Wala man lang ba akong makukuha na 'thank you' diyan, Baby Sis? I mean, if it wasn't for me, hindi ka pa magkakaboyfriend." pang-aasar pa nito.
"Thank you your ass!!"
"Lily, your mouth." seryosong sabi naman ni Vlad Oppa. Aba't hindi niya mapipigilan ang bunganga ko! I'm mad right now!
Mas lumapit naman si Vino Oppa sa akin. "Seriously, Baby Sis. Nagsisisi ka ba dahil pinaniwalaan mo ang sinabi ko?"
"Oo!" walang pag-alinlangang sagot ko.
"Then nagsisisi ka rin bang sinagot mo ngayon si Jayce?"
"Oo--- I mean hindi!" pagbawi ko. Ba't ko naman pagsisihan 'yun? Eh yun nga ang gusto ko eh. Hindi ko lang talaga nagustuhan ang pantotroll nang kapatid ko sa 'kin.
"Eh yun naman pala eh. There's your, lover boy." turo nito sa aking likuran at nang lingunin ko ito, Jayce was really there. Nakangiting pinapanood kaming tatlo. Dahan-dahan naman akong napahawak sa dibdib ko. Its beating really fast. Shit! Why is that smile so illegally attractive? Nilapit naman ni Vino Oppa ang mukha niya sa tenga ko. "Ui. Kinikilig siya. Dalaga na ang Baby Sis namin." pang-aasar nito.
Hinampas ko ito nang malakas sa dibdib. Napaimpit naman ito sa sakit. "Don't come near me! Magkaaway tayo!"
I took Vlad Oppa's hand at dali-dali siyang kinaladkad papalayo sa dalawa. "Take me home, Oppa. I wanna go home, now!"
----
Nagpagulong-gulong ako sa kama. Hindi ako mapakali. I can't still believe it.
Boyfriend ko na si Jayce!
Kahit na unexpected iyon dahil sa kapatid ko, ang hirap pa rin talagang paniwalaan. How am I able to face him tomorrow?
Tumunog na naman ang message tone alert nang cellphone ko. At nang icheck ko iyon, it was Jayce again. Kanina pa siya text nang text sa akin pero hindi ko man lang magawa siyang replyan. Nahihiya ako.
BINABASA MO ANG
Love and Lies Series #1: Notice My Love (COMPLETED)
Teen FictionThe only Princess of the Peralta household was living her normal and quiet life the way she wants it. Spoiled, feisty, and bipolar yet, loved and accepted by her family, there's nothing she can ask for. But, is having a stalker at a very young age s...