Matatagalan...
Hindi ko naman inaakalang aabot nang 10 years ang matatagalan ni Manang. O baka nga, mas higit pa eh. 20? 30? I don't know.
Mahina akong napailing.
Why are you still thinking about him? Matagal ka na niyang kinalimutan. Hindi na 'yun babalik.
I let out a deep sigh. Ang hirap-hirap pa rin eh.
Kung may balak siyang balikan ka, matagal na niyang ginawa.
Tumingin ako kay Euwie na nakahiga lang sa basket niya. Hindi ko maiwasang simangutan siya.
"Walang hiya talaga ang unang amo mo, no? Tatakbuhan lang ako matapos kong malaman ang totoo? Tsk."
Tinitigan lang ako nito. Euwie is 13 years old now. Matanda na ang alaga ko. Alaga kong pinapaalala naman ako sa una niyang amo. Kaya nga hindi ko pa rin 'yun makakalimutan eh! Kasi nag-iwan nang remembrance! Ipachopchop ko nalang kaya ang pusa niya? Napailing ako. Masyado kong mahal si Euwie para gawin 'yun.
Tumayo ako sa pagkakaupo at pumasok sa kwarto. May klase pa ako.
Matapos magbihis nang uniporme, nag-ayos naman ako nang konti sa mukha. Konting face powder lang at lip tint, okay na ako.
Kinuha ko ang mga libro at bag ko tsaka bumaba. Hindi na ako pumara nang taxi nang makalabas ako nang Condominium Building. Isang kilometro lang naman ang lalakarin ko para exercise ko nalang rin araw-araw. Pero minsan pag tinatamad ako, ginagamit ko ang Ducati ko. Regalo nina Mommy at Daddy nang grumaduate ako. Marunong na akong magmotor nung high school pa ako at hindi ako nahirapang gamitin iyon. Pag-umuulan naman, wala talaga akong choice kundi ang magtaxi.
Binati ako nang guard nang paaralang pinagtatrabahuan ko. Luce Del Sole Academy. 'Luce Del Sole' means 'sunshine' in Italian so you could also call it 'Sunshine Academy'.
"Good morning, Ma'am Lily." bati nang nakasalubong kong kasamahan sa pagtuturo nang papunta na ako sa office. Si Sir Luke.
"Good morning, Sir." bati ko pabalik sa kanya.
Nang makapasok na ako sa office, binati rin ako nang mga natitirang teachers doon. There were 5 of them na nakatambay muna dito sa office. Hindi pa klase nila.
Umupo rin ako kaagad sa table ko na katabi nang kaibigan kong nakasimangot habang nakatutok sa laptop.
"Hindi pa rin kayo nagkaayos nang kakambal ko, Blythe?" tanong ko sa kanya habang inaayos ang mga dala kong gamit.
Umiling naman ito. Hindi pa rin nagbabago ang expresyon nito sa mukha. "He's so stubborn. Ang sarap na niyang sapakin." nanggigigil na sabi nito.
Natawa naman ako sa sinagot niya.
Blythe Willow Vargaz-Peralta. My twin's wife. Kinasal sila limang buwan na ang nakakaraan. O di ba? Ang daming nangyari sa loob nang sampung taon. May mga asawa't anak na ang mga kapatid ko maliban sa kakambal ko at kay Blythe na kakakasal palang. At ako? Nganga. Charrot. Ienjoyin ko muna ang pagiging single ko. I'm still 28, ya know.
"Pareho naman kayong dalawa eh." naiiling kong sabi sa kanya. May sasabihin pa sana ako sa kanya nang bigla nalang pumasok sa opisina ang asawa nito na may dala-dalang bulaklak at lunch box. Agad naman siyang nilapitan nito.
"Baby, here's your breakfast. Please wag na tayong mag-away." malumanay na sabi nito na siya namang ikinahiyaw nang mga kasama namin sa opisina.
"Ayieee!!"
"Si Ma'am Blythe, kinikilig!"
"Gusto ko na tuloy makapag-asawa!" panunukso nang mga kasamahan ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Love and Lies Series #1: Notice My Love (COMPLETED)
Teen FictionThe only Princess of the Peralta household was living her normal and quiet life the way she wants it. Spoiled, feisty, and bipolar yet, loved and accepted by her family, there's nothing she can ask for. But, is having a stalker at a very young age s...