Maririnig mo ang masayang kwentuhan at sigawan sa paligid and the splashes of water. Everyone was having the time of their lives. Kanya-kanyang libang sa sarili para hindi maleft-out.
The varsity team are playing in the water kasama ang triplets. Aba't yung mga kakabaehan nga na nandun sa dagat nag-eenjoy, lumipat dito. Malaking biyaya na para sa kanilang masilayan ang naggagandahang mga lalaki sa pool. Libreng tsansing na, libre pang landi.
Napailing nalang ako.
Kamamdag ba naman nang mga abnoy na lalaking 'to.
Habang masaya silang naglalaro sa tubig, nagtampisaw lang naman ako. Wala akong future sa paglalangoy kaya dito nalang ako sa tabi-tabi.
Nagulat naman ako nang may biglang humawak sa paa ko pero agad naman iyong napalitan nang ngiti nang mapagtanto kong sino iyon.
It was Daeho habang nakapiggyback ride kay Jayce. Walang hiya talaga ang lalaking 'to. He's a walking temptation for God's sake!! Hindi na ito nagsuot ulit nang tshirt matapos pinasuot ito sa'kin. Hindi lang mga mata nang ibang babae ang busog sa ulam na nandito sa harapan ko ngayon dahil pati na rin ako. Walangjo.
Daeho pouted. "Come on, Noona. You're missing the fun!"
"Mianhe. Noona doesn't know how to swim."
"I'll teach you." it was Jayce who said it this time.
Napailing ako. "No thanks, matagal na akong sumuko na wala akong future sa paglalangoy." sabay namang ngumuso ang dalawa.
Magkadugo talaga kayo.
"I'm okay here. I'll just watch you."
Walang nagawa si Jayce dahil nagpabuhat na naman ang dalawang pamangkin niya. Napangiti nalang ako sa kakulitan nila. Jayce will be a good father. Iyon ang nakikita ko sa kanya. The way he takes care and manages his nephews, it's heartwarming. Nililingon niya ako paminsan-minsan to check on me and I just gave him a reassuring smile na okay lang ako dito. Bumabalik nalang siya sa ginagawa niya dahil may tatlong makukulit na tsikiting ang nakapalibot sa kanya.
And now they're doing wrestling in the pool. Nakapiggy back pa rin si Daeho sa kanya, si Daemin naman ay kay Vino Oppa, at si Daesung ay kay Hayes. Napuno na naman nang tawanan ang buong paligid when they started bumping and playfully punching each other.
Nakaramdam ako nang pagkauhaw kaya tumayo muna ako and headed to the resto. Napansin ko ang likod nang isang lalaki na nakaupo sa stool nang counter. It was Chrauss. Umiinom nang wine. Nilapitan ko siya at tinabihan. Nilingon naman niya ako at nagulat nang napagtantong it was me. Ningitian ko lang siya.
"Why are you here, Chrauss? You should be joining them."
Pagak naman itong natawa at iniwas ang tingin sa 'kin. "As if I'm welcome here."
Lumapit ang isang waiter sa akin kaya doon muna nabaling ang atensyon ko. "I'll have a mango shake please." tumango naman ito at umalis na. Ibinalik ko ulit ang atensyon ko sa kanya.
"Awwe come on, Chrauss. Jayce may be like that but I don't really think he means it."
He looked at me flatly. "Yeah, and he likes me so much, right?" sarkastiko niyang sabi. Napailing nalang ako. Daig pa nilang dalawa ang mag-asawang nag-aaway.
Kailan kaya kayong dalawa magkakaayos?
Napabuntong-hininga ulit ito at uminom na naman. Pinaikot niya ang basong hawak niya habang titig na titig doon. Ibinaba niya naman ang baso at tumingin ulit sa'kin. "Shebs."
"O?"
"Hindi na ba pweding ibalik? Hindi na ba pweding pagbigyan nang pangalawang pagkakataon?" hinawakan niya naman ang kamay ko. Gusto kong kunin iyon pero nang tignan ko ang malungkot niyang mga mata, pinabayaan ko nalang iyon. Noon, halos malagutan na ako nang hininga dahil sa kilig kapag ginagawa niya sa'kin 'to pero ngayon, wala na talaga akong maramdaman na espesyal. "Because if given the chance again Shebs, hindi ko sasayangin yun. Ayoko nang saktan ka ulit. Ayoko nang iwan ka ulit. I'll be better so I'll be deserving to have you. Could you give me that chance, Shebs?"
BINABASA MO ANG
Love and Lies Series #1: Notice My Love (COMPLETED)
Teen FictionThe only Princess of the Peralta household was living her normal and quiet life the way she wants it. Spoiled, feisty, and bipolar yet, loved and accepted by her family, there's nothing she can ask for. But, is having a stalker at a very young age s...