Tinitigan ko lang ang iniwan na naman na note nang stalker ko na isinabit niya sa collar ni Euwie.
Good morning, my love.
I sighed. I just realized yesterday after nung pagkompirma kong hindi si Jayce ang stalker ko, this better stop. I really mean it this time. Nakakapagod nang hanapin ang taong 'yun kung wala naman siyang balak magpakilala sa 'kin. It's the same with chasing a person na hindi naman nag-eexist. But in my case, my stalker is real. Duwag nga lang. Dinagdagan pa nang disappointment na hanggang ngayon ay di ko pa rin maalis-alis simula kahapon. Ayun na sana eh. Nasa punto na talaga ako where my instincts are already yelling at me, telling me that it was Jayce and I already have enough proof for it but turns out be, wrong. So wrong.
Kung wala naman talaga siyang balak magpakilala sa 'kin, fine. Hindi ako mamimilit. Mas mabuti pang tigilan na ang larong ito. Wala naman akong mapapala.
After that talk with Jayce, nakatulog pala ako sa balikat niya and when I woke up, nasa kwarto na ako. Literally, kwarto ko dito sa bahay namin. Maaga kaming bumyahe kasi may klase pa ngayon.
And here I am, sa library. Mag-isang ginawa ang homework ko na ipapass mamayang last period namin sa hapon. Sa lahat nang makalimutan kong gawin bago ako pumunta sa beach birthday party ni Jayce, ito pa talaga. Ang sungit pa naman nang prof namin sa subject na 'to. Muntik pa nga akong hindi pumasa sa long quiz namin kanina sa Social Sciences. Isa rin yun sa nakalimutan kong reviewhin.
Napakamot naman ako sa ulo ko and glanced at my wrist watch.
11:29 na.
Malapit na ang lunch time at gutom na gutom na ako. Kanina pa ako dito. Walang pasok sa dalawang subject ko ngayong umaga at isa mamayang hapon kasi may kanya-kanyang lakad ang mga prof namin kaya mahaba-haba pa ang oras nang vacant ko. Positibo akong matatapos ko ito bago pa magsimula ang last subject sa araw na 'to.
Nasa kalagitnaan ako sa pagsagot nang mga tanong dito nang biglang nagvibrate ang cellphone ko which indicates that I received a message.
From: Jayce abnoy
Lunch, love? Where are you?
Whooo. Perfect timing si abnoy.
To: Jayce abnoy
Library.
Ibinulsa ko na iyon matapos siyang replyan. Ganito na ang routine talaga namin. Pag hindi niya ako naabutan sa room namin, he'll contact me at agad susunduin kung nasaan man ako para sabay kaming maglunch.
Pero an hour passed, walang Jayce na nagpunta dito sa library. Kanina pa nagwawala ang tiyan ko pero hindi ko magawang umalis dito baka kasi magpunta siya at di ako maabutan. Pinagtiyagaan ko nalang ang baon kong Monde Mamon.
Hanggang sa natapos nalang ako sa ginagawa ko at 5 minuto nalang at magsisimula na ang last subject namin, no sign of Jayce. Nakabusangot akong nagmartsa sa canteen at bumili nang burger at C2 at nagmamadaling pumunta na sa room namin. Habang nagkaklase, kumakain naman ako.
Pambihira. Ngayon palang talaga ako inindyan nang lalaking 'yun ah? Hindi tuloy ako nakapaglunch.
Nasira tuloy ang araw ko kasi hindi ako nakakain nang maayos. Mabibigat na hakbang ang nagawa ko nang papunta na ako sa gym. Habang papalapit, mas lalong nasisira ang araw ko.
Patay ka ngayon sa aking lalaki ka.
Nang makapasok na ako, dumilim bigla ang paningin ko dahil sa nasaksihan ko.
A girl, beside Jayce, tumatawang pinupunasan ang pawis nito habang pangiti-ngiti lang ang walang hiya. Dinagdagan pa niya talaga ang galit ko ngayon ah?
BINABASA MO ANG
Love and Lies Series #1: Notice My Love (COMPLETED)
Teen FictionThe only Princess of the Peralta household was living her normal and quiet life the way she wants it. Spoiled, feisty, and bipolar yet, loved and accepted by her family, there's nothing she can ask for. But, is having a stalker at a very young age s...