I

261 10 12
                                    

Chapter One

◤Kazzandra's PoV◥

"OH MY GOD!!!!!" isang napakalakas na palirit ang bumungad sa akin ng makababa ako sa sinasakyan kong kotse.

Kabababa ko pa lamang ay sumalubong na sa akin ang mga kaibigan ko mula pagkabata.

"Kaz! totoo nga yung chismis!!" saad ni Ivee, ang isa sa mga kaibigan ko.

"Oh my god, I super duper really can't believe it, Kazzandra Jaravata, ikaw ba talaga yan?!" di makapaniwalang tanong ng isa ko pang kaibigan na si Gabriel, Gab for short.

"Ako nga si Kazzandra Jaravata, alam mo Gab, minsan nga magfast forward ka" sagot ko, napangiti naman si Ivee sa sinabi ko.

"Huh? ano ibig sabihin nun? di ko gets" saad niya, kahit kailan talaga tong si Gab, di parin nagbabago, pagong pa rin.

"Assignment mo yan Gab, alamin mo ha? hahahahaha" saad ni Ivee habang patuloy pa rin sa pagtawa.

"Back to the topic, ano naman ang nagtulak sayo para dito na mag-aral sa Villamonte?" tanong ni Ivee.

"e kasi dito na ulit kami magistay, tsaka magkakareunion ang angkan ni Mommy, dadating din yung tito kong galing sa France, at higit sa lahat gusto ko kayong makasama" paliwanag ko sa kanila.

"Im so touched, gimme hug my friend" saad ni Gab at bigla na lang kaming hinigit ni Ivee at niyakap.

Habang nakayakap kami sa isa't isa ay biglang tumunog ang bell, tanda na magsisimula na ang mga klase.

"Tama na, magsisimula na yung klase, baka malate tayo, first day of class pa naman" ani Ivee na hinawakan ako sa pulsuhan at patakbong hinigit patungo sa classroom.

Medyo natagalan rin kami dahil maykalayuan ang pagitan ng mga building, at hindi naman sakin sinabi ng mga bruha kong kaibigan na malayo-layo pala ang classroon namin. Kaya first day of school late agad kami, grabe nakakahiya, bagong bago e late na agad.

Nakarating kami sa room matapos ang mahigit sampung minutong pagtakbo, nagdrama pa kasi sa labas, ano nalang sasabihin ng teacher sa akin.

"chillax ka lang sa mga kaklase natin, di ka niyan kakainin" saad ni Gab.

Tumango na lamang ako bilang sagot, kasi sobrang kinakabahan ako, paano kung mabully ako? kung pagtripan nila ako dahil bago ako? paano kung gawin nila sa akin yung mga napapanood ko sa TV? jusko wag naman sana.

Agad na kumatok si Ivee para kuhain ang atensyon ng guro.

"Good morning maam, We're sorry we're late" paliwanag ni Ivee.

"Ms Parafina, first day na first day late nanaman kayo, kasama mo pa yang si Miss Amores" tukoy ni Maam sa mga kaibigan ko.

"Miss sorry po sinundo po kasi namin tong transferee" pagpapalusot ni Gab.

Ay wow, ginamit pa ako, sobrang nice mo talaga Gab.

"Sige na, find a vacant seat at the back" saad ni Maam, agad naman kaming dumiretso sa likod at humanap ng upuan kung saan magiging magkakatabi kaming tatlo.

Find the Killer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon