IX

66 3 0
                                    

Chapter Nine

◤Rance' PoV◥

"wag ka nang makialam" binasa ko ang sulat na nasa salamin.

Hindi ko mawari kung isa ba itong banta o sadyang may mga nantitrip nanaman.

Muli kong tiningnan ang sulat, isinulat ito gamit ang marker, sa unang tingin mukha lang siyang isang simpleng vandalism sa mga school pero masama ang kutob ko sa mga salitang ito, kung sino man ang taong nagsulat nito sa tingin ko alam niya na may hinala ako sa nangyari kay Cristin.

Agad kong naalala ang taong pumasok kanina sa banyo kaya dagli akong lumabas ng banyo at nagbabaka sakaling hindi pa ito nakakalayo.

Ngunit ng tingnan ko ang mga pasilyo ay halos wala nang tao kaya naman napagdesisyunan ko nalang na wag nang pansinin ang mensaheng yun.

Nang makalabas ako ng banyo ay nagulantang ako ng bigla na lang may humawak sa balikat ko.

"Oh shit!" napalakas kong saad dahil sa gulat.

"HAHAHAHAHAHAHA" nakahawak sa tiyan na humahagalpak ng tawa si Mark ng harapin ko.

"Gago, ba't ka nanggugulat?!" inis na saad ko dito.

"Eyy chill ka lang, masyado ka namang magugulatin, pero-HAHAHAHAHHAHA ANG PRICELESS NG REACTION MO DUN HAHAHAHA" saad ni Mark habang patuloy pa rin na tumatawa.

"Ano bang kailangan mo at nanggugulat ka pa?" saad ko habang patuloy na iwinawaksi sa isipan ang mensahe sa salamin.

"hinahanap ka na kasi nina Deline, gagawa na daw kayo ng research sa library, gusto sana kitang ichat kaso naalala ko bawal nga pala ang cellphone sa loob ng school kaya pinuntahan na lang kita buti nga inabutan kita" paliwanag nito.

"Sige na!" saad ko bago naglakad patungo sa library.

May kalahating oras pa naman bago magsimula muli ang klase namin kaya pwede pa kami gumawa ng research.

"O san ka pupunta?" tanong ko kay Mark ng makita kong nakasunod ito sa akin.

"sasama muna ako sa iyo, e si De-Anne nagdadrama nanaman dun sa upuan niya e, alangan namang makiemote din ako" sagot nito.

"O sya sige tara na't lumarga sa library" saad ko bago kami nagpatuloy sa paglalakad.

∞∞∞∞∞

◤De-Anne's PoV◥

Simula noong namatay si Cristin, natakot ako, natakot ako na baka sisihin ako ng ibang tao sa nangyari sa kanya, at the same time sinisisi ko rin ang sarili ko kung bakit ba naman kasi hinayaan ko siyang mag-isang pumunta sa Guidance Office e dapat dalawa kami dun na paparusahan.

Hindi ko alam ang ginagawa ko, hindi ako makatulog o makakain ng maayos sa mga iniisip ko.

Maging ang makipagkulitan at makipagtawanan kina Rance at Mark di ko magawa dahil sa mga iniisip ko.

At dahil wala pang ibang estudyante sa loob ng classroom namin bukod sa akin ay agad na napukaw ang upuan ni Cristin na bakante na, biglang bumalik sa akin ang nga alaala ng mga ginawa naming pambubully kay Tin.

Agad kong tinungo ang bakanteng upuan nito at doon umupo.

Hinawakan ko ang ilang bahagi ng upuan ni Cristin at iniisip ko na si Cristin iyon.

"Tin, sorry, s-sorry sa mga gi-ginawa ko s-sayo, sa m-mga pamb-bully at pang-aasar k-ko sa sayo" saad ko habang patuloy pa rin ako sa paghawak sa upuan nito.

"Alam k-kong malaki ang g-galit mo sakin, k-kaya hum-mihingi ako n-ng pat-tawad ngayon, s-sorry T-Tin, s-sorry" sa pagkakataong ito ay nakakita ako ng mga patak ng tubig sa armchair nito, doon ko lang napansin na tumutulo na pala ang mga luha ko.

Dahil sa gusto ko lang umiyak ay umub-ub na lang ako sa armchair nito at doon umiyak ng umiyak.

Ilang sandali pa rin akong nakaub-ub bago ako umayos ng upo at inayos ang sarili, natanaw ko na rin kasi ang ilan sa mga kaklase kong patungo sa rito sa classroom.

Agad kong pinunasan ang mga patak ng luha ko sa upuan at inayos ko na rin ang damit ko na medyo nagulo dahil sa pagkakaub-ub ko. Pinunasan ko rin ang ilang luha pa sa mata ko.

Bumalik na rin ako sa upuan ko matapos kong ayusin ang sarili ko, pero hanggang sa upuan ko ay lungkot pa rin ang nadarama ko.

Muli na lang akong tumitig sa labas ng classroom at tinitigan ang langit na bughaw na makikita dahil sa iilan lamang na bilang ng ulap sa langit.

Sa muling pagkakataon, nakaramdam ako ng lungkot at pagsisisi dahil sa hindi manlang ako nakapagpaalam at naka hingi ng tawad sa mga ginawa ko kay Cristin.

Siguro bilang paghingi ng tawad ay ititigil ko na ang pambubully sa iba pang estudyante, tutulong na rin ako sa paghanap sa mga kriminal na gumawa noon kay Tin, para kahit sa ganitong paraan ay makabawi ako sa mga ginawan kong hindi maganda sa kanya.

Ito rin ang magiging dahilan para mapatawad ko ang sarili ko at para makabalik na ako sa dating ako.

Nagsimula na ring magsidatingan ang mga kaklase ko, at hindi ko na rin namalayan na halos makumpleto na kami rito sa loob ng classroom maliban kay Tin, kay Nikka at kay Jen na parehas halos wala kaming balita.

Halos wala na akong natutunan ngayong araw dahil maghapon akong lutang at lumilipad ang isip, ganito pala ang pakiramdam...

ganito pala ang pakiramdam ng isang tao kapag nakokonsensiya.

Ganito pala ang konsensiya.

∞∞∞∞∞

De-Anne Ortigosa on the multimedia

∞∞∞∞∞

VOTES and COMMENTS are highly appreciated.

All Right Reserved

Find the Killer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon