XXX

38 4 5
                                    

Chapter Thirty

◤Jen's PoV◥

'Im a barbie girl, in a barbie world, life in plastic, it's fantastic'

Kahit na may nararamdamang kirot sa mukha ay pinilit kong imulat ang mga mata ko.

Patuloy pa rin sa pagtugtog ang kantang kanina pa paulit ulit na tumutugtog.

Nang luminaw ang paningin ko ay isang nakakasilaw na liwanag ang bumulaga sa akin sa harapan ko.

Sinubukan kong gumalaw ngunit naramdaman ko na tila ba nakalock ang kamay at paa ko sa lamesang kinararatayan ko.

Ilang beses ko pang ginalaw ang mga kamay ko ngunit hindi talaga ito makaalpas sa pagkakalock.

Nang sinubukan ko namang sumigaw ay tanging mga daing lang ang lumabas.

"hmmmm!!" sigaw ko ng walang boses.

Pinilit kong ibuka ang bunganga ko ngunit sumasakit iyon na tila ba may kung anong pumupunit sa mga labi ko.

"hmmm!!!" sumigaw akong muli sa ikalawang pagkakataon ngunit kagaya ng nauna ay daing lamang ang lumabas mula sa bibig ko.

"sige lang, Jen, ipilit mo lang na magsalita para mapunit ng tuluyan yang bunganga mong walang preno!" sigaw ng may sala mula sa paanang bahagi ko.

Dahil sa liwanag na sumusulo sa paningin ko ay hindi ko makita ang itsura nito ngunit sa boses pa lamang ay kilala ko na ang salarin.

"hmmm!!" saad ko.

"hindi ka na makakapagsalita pa Jen" saad nito.

Nagulat naman ako ng bigla niyang itaas ang ilaw, nasakop ng liwanag nito ang paligid ko kaya nalaman ko kung nasaan ako at nakompirma ko ang salarin.

"Im a barbie girl, in a barbie world...." pagsabay niya sa kantang paulit ulit na nagpiplay.

"....life in plastic, its fantastic" sa pagkakataong ito ay nagbago ang tono ng kanta niya sa pagiging nakakatakot at malalim na boses.

Maya maya pa ay may inilabas siya mula sa bulsa niya. Nanlaki naman ang mga mata ko ng mapansing isang blade yun.

Habang patuloy sa pagtugtog ang kanta ay lumapit siya sa uluhan ko habang hawak hawak pa rin ang blade.

"hmmmmm!!!" muli kong pagbulyaw pero puro daing lang ang inilalabas.

"You can comb my hair!" napapitlag ako ng kasabay sa pagbigkas niya ang pagahit niya ng buhok ko.

"hmmmm!!!" pinipigilan ko siya ngunit puro daing lang ang lumalabas.

Patuloy pa rin sa pag-ahit sa buhok ko hanggang sa makaramdam ako ng hapdi sa anit ko. Hindi pa rin siya tumitigil kahit na patuloy ako sa pagpalag na tila walang kwenta.

Matapos ang ilang minuto ay tinigilan niya na ang pagahit sa buhok ko, ipinakita niya pa sa akin ang ilang hibla na may kasamang mga dugo.

"hmmmm!!" kahit na daing lamang ang lumalabas ay alam kong alam niya na nagmamakaawa ako sa kanya ngayon.

"hmmmm!!!" muli akong napasigaw ng itapon niya ang blade at ilabas ang isang metal claw na may matutulis na mga pangalmot.

Find the Killer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon