XXXII

33 3 1
                                    

Chapter Thirty-Two

◤Kazzandra's PoV◥

"Kaz!" narinig ko ang sigaw ni Ivee sa akin habang naglalakad ako palabas ng school.

Nang lingunin ko siya ay kasabay ng pag-alala ko sa mga sinabi ni Jen, sinabi nito na si Ivee daw ang killer at nagawa nitong patayin si Gab.

Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kay Gab, maging ang magulang nito ay hindi rin ito mahagilap kaya kagaya ni Jen ay unti unti ko na ring naiisil na si Ivee ay killer.

"Ivee" pilit kong bati sa kanya ng makalapit siya sa akin.

"Kaz, g-gusto ko sanang humingi ng tawad dun sa nasabi ko nung huli" paghingi nito ng tamad.

Sa dami ng nangyari sa amin ay hindi ko na rin masyadong maalala yung huling yun.

Agad naman niyang ipinaalala yung mga nangyari ng mapansin niya na tila hindi ko matandaan ang sinasabi niya.

"yung.. pinagbintangan ka naming killer" pagtutukoy niya.

"wala yun" sagot ko sa kanya, hindi ko rin naman sila masisisi kung ako ang pinagiisipan nila ng masama, e ako lang naman ang hindi nila ganon kakilala...

ako lang ba talaga?

"sabay na tayo?" pag-aakit ko sa kanya ng mapansin ko ang paglungkot ng mukha niya.

"sige" sagot niya bago kami muling maglakad ng sabay.

Kahit na ginagawa na namin to dati ay tila may kung anong bagay sa pagitan namin na pilit at pilit naming inilalayo sa isa't isa.

∞∞∞∞∞

◤Hart's PoV◥

Habang naglalakad pabalik sa classroom kung saan kami mag-uusap walo ay bigla akong tinawag ni Inspector Axcel.

"Hart" pasimple niyang tawag sa akin.

Nang lingunin ko ito ay nakasandal ito sa gilid ng isang classroom, nakasibilyan lang siyang damit hindi kagaya noon na kitang kita ang logo ng NBI.

"Inspector, may kailangan ba kayong info?" tanong ko rito.

Sa loob ng ilang araw ay ako ang hinihingian ni inspector ng impormasyon tungkol sa mga kaklase kung namatay, bago lang din kasi si Ms. Horres kaya kung merong mas convenient na makipagusap sa kanya ay ako yun.

"Hindi, Hart, ako ang may ibibigay sa iyong info" nangunot naman ang mga noo ko ng marinig ko ang mga sinabi niya.

∞∞∞∞∞

◤Cian's PoV◥

Mahigit dalwampung minuto na kaming nandito sa classroom, hindi ko masimulan kasi wala pa si Hart, napakalaking tulong niya sa gagawin naming walo.

"Cian, wala bang kahit na anong  sinabi sayo si Hart?" tanong ni Anna na wari ko'y inip na.

Umiling na lang ako sa kanya bilang sagot at agad na sumulyap sa wristwatch ko.

4:53

Masyado kaming gagabihin kung hihintayin ko pa si Hart para makapagsimula, siguro ay may dinaan lang yun.

Find the Killer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon