XXXVI

29 3 1
                                    

Chapter Thirty-six

◤Charls' PoV◥

"AAAAHHHHH!!!!" napapangiwi na lang ako kapag naririnig ang palahaw ni Yezia.

Nang maghiwalay kami ni Anna para hanapin si Yezia ay may naramdaman akong matigas na bagay na pumalo sa likod ng ulo ko na naging dahilan para mawalan ako ng malay at ng magising ako ay nakatali na ang mga kamay at paa ko ng nakatayo sa hindi malamang lugar na ito, madilim na parang isang lumang bodega.

"tama na!" sigaw ni Anna habang nakatali sa bakal na upuan.

"AAAAHHHHH!!" muling pumalahaw si Yezia ng idikit ng may sala ang dulo ng hawak niyang wire na may bakal.

Hindi ko magawang tulungan man lang si Yezia dahil sa pagkakagapos ko, ngayon para akong isang asong itinali habang pinapanood na patayin ang mga kasama ko.

"t-tama n-na.. pa-patayin m-mo na a-ako!" utal na pagmamakaawa ni Yezia habang nakatali rin sa upuan at nakababad ang paa niya sa isang batyang may tubig.

"diba gusto niyo akong hanapin?! kaya nga nagiimbestiga kayo diba?!" bulyaw nito sa mukha ni Yezia na nanghihina na.

"tama na!" muling sigaw ni Anna pero kagaya ng kanina ay hindi siya nito pinansin.

"A-Anna" tawag ko sa kanya para kuhain ang atensiyon niya.

"Charls!" tawag nito sa akin ng makita akong gising na.

"sorry wala akong magawa para makatakas tayo" paghingi ko ng tawad, wala akong kwenta, wala akong magagawa.

"makakaalis tayo dito" saad ni Anna.

"AAAHHHH!!!" muling sigaw ni Yezia kasabay ng pangingisay dahil sa pangunguryente ng may sala.

Tumagal ng ilang segundo ang pangunguryente kay Yezia, unti unti na ring nangisay ang katawan nito dahil sa sobrang lakas ng boltahe.

"tama na, pakiusap!" pagmamakaawa ni Anna sa may sala na hindi parin tinitigilan ang pangunguryente kay Yezia.

"YEZIAAA!!" muling sigaw ni Anna ng lalo pang nangisay ang katawan ni Yezia, may lumalabas na ring mga puting likido mula sa bibig niya.

"tama na!" umiiyak na pakiusap ni Anna pero patuloy pa rin ang may sala sa ginagawa nito.

Ilang minuto pang tumanggap ng mataas na boltahe ng kuryente ang katawan ni Yezia bago ito tigilan.

Nang tumigil itong mangisay ay walang buhay at lupaypay ang katawan nitong bumagsak sa pagkakatali niya sa upuan.

Bumubula ang bibig nito at nagkasunog sunog na rin ang ilang bahagi ng mukha niya.

"demonyo ka!" umiiyak na sigaw ni Anna sa taong gumawa noon kay Yezia.

Sa halip na sumagot ang taong may sala ay umalis ito at bumalik rin matapos ang ilang saglit, ngunit sa pagkakataong ito ay may dala na siyang malapad na tape.

"masyado kang maingay!" sigaw nito kay Anna kasabay ng malakas na sampal na natanggap nito.

"bitch!" sigaw ni Anna sa mukha nito.

Find the Killer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon