XIX

54 3 0
                                    

Chapter Nineteen

◤Gelle's PoV◥

"G-Grace" tawag ko sa kapatid ko nang makapasok kami sa kwarto.

"bakit ate Gelle?" inosente nitong tanong, hindi ko inaasahan na sa ganitong kalagayan ni Grace ay makakaranas pa siya ng mga karahasan.

"G-Grace, yung sinabi mo kanina, pwede mo bang ipaliwanag sa'kin?" pagtukoy ko sa mga sinabi niya kanina na mauubos daw kami.

"Anong sinabi ko ate Gelle?" tanong nito.

"y-yung..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang maisip ko ang mga pwedeng maramdaman ni Grace kung paguusapan namin yun.

Nakikita ko ang takot sa mukha ng kakambal ko sa tuwing yun ang topic ng usapan kaya, sa tingin ko mas magiging maayos kung hindi ko na bubuksan pa ang usaping yun.

"w-wala, kalimutan mo nalang yung sinabi ko" saad ko bago tumalikod at nagayos ng mga gamit ko.

∞∞∞∞∞

◤Ashley's PoV◥

"Ash ingat ka" pahayag ni Maui bago ito lumakad palayo sa kabilang direksyon.

Nagsimula na rin akong maglakad patungo sa sakayan ng mapagtanto kong dumidilim na pala ang paligid.

Nang makarating ako sa sakayan ng mga tricycle ay wala na akong naabutan na sasakyan kaya't tumawid ako sa kabilang bahagi para doon maghintay ng masasakyan.

Habang nagaantay ng sasakyan ay naalala ko ang bracelet na nakuha ko kanina sa ilalim ng isang upuan habang naglilinis.

Kinuha ko ito mula sa bulsa ko at muling sinuri kong mayroon bang pangalan.

Halos lahat ng bahagi ng bracelet na yun ay tiningnan ko na pero wala akong nahanap na kahit na anong clue.

Napatigil ako sa pagsuri nito ng mapukaw ng berdeng bato ang paningin ko, ito ang nagsisilbing pendant ng bracelet. Sadyang napakaganda ng batong to, sa tingin ko ay jade ang batong yun.

"kanino ka ba?" tanong ko sa bracelet na hawak ko na tila ba parang tao.

"sasagot talaga yan sayo Ashley" saad ko sa sarili ko na medyo natatawa pa sa ginawa kong kabaliwan.

Akmang ibabalik ko na ang bracelet sa bulsa ko nang may nagsalita sa likuran ko.

"pwede ko bang makita yang bracelet na hawak mo?" boses iyon ng isang babae.

Nang tingnan ko siya ay nagulat ako dahil sa hindi ko inaasahan na madadatnan kong hawak niya.

isang syringe

Bago pa ako makapagsalita ay agad na tumusok sa kaliwang braso ko ang hawak nitong syringe.

Nakaramdam ako ng pagbigat ng talukap ng mga mata ko, pampatulog.

"Titingnan ko lang naman to Ashley"
saad nito bago kinuha ang bracelet na hawak ko.

Habang tumatagal ay mas lalo kong nararamdaman ang antok na dahil sa itinurok sa akin, nararamdaman ko na rin ang panghihina ng iba pang parte ng katawan ko maging ang mga binti ko.

Find the Killer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon