XXXI

45 3 3
                                    

Chapter Thirty-One

◤Vince' PoV◥

"I'm sorry, Vince, dapat sinabi na agad namin sayo noon pa man, natakot kasi kami" saad ni Mama.

Napailing ako habang nakayuko matapos marinig ang mga paliwanag ni Mama at Papa.

"Vince.." tawag sa akin ni Mama.

Tumayo ako humakbang palabas ng bahay subalit nakakailang hakbang pa lamang ay muling nagsalita si Papa.

"Vince..." tumigil ako para pakinggan ang sasabihin niya, "...we're sorry" dugtong nito.

Kahit na masama ang loob ay alam ko at naiintindihan ko kung bakit nila itinago sa akin yun, sadyang hindi ko lang alam kung ano ang mararamdaman ko.

Muli akong nagpatuloy sa paghakbang palabas kahit na tinatawag nila ako, gusto kong mapag-isa.

Nang makalabas ako ay tumambad sa akin ang maulan at madilim na gabi, pero kahit na malamig at basa ang paligid ay hindi ko ito pinansin at tumakbo palayo.

∞∞∞∞∞

◤Nichole's PoV◥

Maagap pa lamang ay puno na nang takot at lungkot ang classroom namin, isang masamang balita nanaman ang bumungad sa amin.

Patay na si De-Anne, natagpuan ang katawan niya na nakabigti sa likurang bahagi ng gusali namin.

Nawawalan ako ng pag-asa na mahuli ang may sala, kahit na ayaw kong isipin pero baka mamamatay na talaga kaming lahat.

"walang kwenta talaga yang mga investigator na yan!" nagluluksang sigaw ni Mark na halata ang galit at lungkot dahil sa pagkamatay ng isa pa niyang kaibigan.

Isa akong saksi sa samahan nina Mark, De-Anne at Rance, at alam ko rin ang sakit na dulot ng pagkawala ng mga kaibigan, kagaya niya ay nawalan din ako ng kaibigan, si Shamie, hindi ko rin matanggap na namatay siya sa isang sunog, at mas lalong hindi ko matanggap ang sinabi ng mga pulis na sinadya daw ang pagkasunog ng bahay nina Shamie na kung saan namatay rin ang mga magulang nito.

"Mark, tama na" pag-aalo ni Ana.

"anong tama na?! e kailangan ata maubos muna tayong lahat bago sila may makuha na kahit na maliit na lead!" paliwanag ni Mark.

Tama siya, madami na ang namamatay sa mga kaklase ko pero hanggang ngayon ay wala kahit na isang hint sa pagpaslang sa kanila.

"bakit hindi na lang tayo ang magresolba nito?" suhestiyon ni Cian na ikinanoot ng noo ko.

"estudyante lang tayo" sagot naman ni Belle na hindi rin maintindihan kung bakit ganun ang suhestiyon ni Cian.

"pero tayo ang target ng mga patayan na ito, kaya maaari na tayo ang makakakuha ng mga leads" muling paliwanag ni Cian.

"pero paano kung tama ang una mong akala na kasama lang natin ang killer, baka tayo pa ang unahin niyang patayin" pagbibigay opinyon ni Paula.

"kaya nga mas dapat tayong magingat..." saad ni Cian habang inililibot ang tingin, "...kasi hindi natin alam kung sino ang tunay na kalaban" may diing saad nito.

Find the Killer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon