XVI

74 3 2
                                    

Chapter Sixteen

◤Andrea's PoV◥

"Jahna, pwede ba? wala akong interes sa mga K-Drama, hindi ko nga maintindihan yang mga sinasabi nila, kaya kung yan ang panonoorin mo, mag-isa kang manood..." irita kong saad habang kausap ko si Jahna sa cellphone ko.

"kahit na may subtitle yan, ayoko pa rin, atsaka may gagawin pa ako, papunta pa ako sa library, kaya pwede ba? wag mo akong guluhin..." nagmamadali na ako sa paglalakad dahil baka masaraduhan ako ng library, magaala-sais na.

"Oo na, sige na nagmamadali na ako" saad ko bago patayin ang tawag, hindi ko na rin hinintay pang magsalita si Jahna.

Bago ko ibalik sa bulsa ang phone ay shinut down ko ito dahil alam kong hindi titigil si Jahna na tumawag sa akin.

Nang maishut down ko na ang phone ko ay tinakbo ko na ang library, lalo pa at medyo malayo pa yun.

Inabot ako ng mahigit twenty minutes dahil talagang may kalayuan ang library, hindi naman ako magtatagal dun, hihiramin ko lang yung libro na kakailanganin ko para sa research namin.

Nang makarating ako sa library ay naabutan ko na sinasarahan na ng librarian ang pintuan nito.

"Maam, teka lang wag ka muna maglalock!" pagsigaw ko, agad namang napatingin sa akin ang librarian kaya napatigil ito sa pagkakandado.

"Oh Miss, anong kailangan mo? may hihiramin ka ba?" tanong nito sa akin.

"Opo sana, maam pagbigyan mo na ako, kailangan ko talaga yun e" sagot ko sa kanya.

"Bukas mo na balikan, madilim na sa loob" sambit naman nito.

"Maam, kailangang kailangan ko talaga yun, maam parang awa niyo na saglit lang talaga ako, please" pagmamakaawa ko sa kanya, kailangan ko nang maipaprint yung research namin bukas.

Tinitigan naman ako ng librarian kaya nagpuppy eyes ako para kaawa awa ang dating.

"Please maam" saad ko muli.

"O sya, sige bilisan mo lang ha? ipatong mo nalang yung library card mo sa table ko tas kunin mo yung libro na kailangan mo" saad nung librarian habang binubuksan muli ang pinto ng library.

"Salamat, Maam" saad ko bago tuluyang nagmadali na pumasok sa loob.

Medyo bumagal ako sa paglalakad dahil talagang madilim nga sa loob, agad ko namang nilabas ang cellphone ko para magsilbing flashlight pero napagtanto ko na pinatay ko nga pala ang phone ko.

Sabay ko na ring kinuha ang library card ko dahil nakatayo na ako malapit sa table ng librarian.

Nang mailagay ko ang card ko ay agad na akong tumungo sa research section kung saan nakalagay ang mga previous research ng mga dating estudyante dito.

Agad kong hinanap ang libro na kailangan ko, gamit ang kaunting liwanag na mula sa nakabukas na pinto at mahinang liwanag mula sa mga bintana ay matiyaga kong hinahanap ang kailangan ko.

Ilang sandali pa ay nahanap ko na ang librong kailangan ko, agad ko itong kinuha at nagsimula nang maglakad palabas.

Nakakailang hakbang pa lamang ako mula sa research section ay biglang sumara ang nag-iisang pintuan ng library.

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa nangyari, ilang beses ko ring tinawag ang librarian na nagaantay sa akin sa labas, baka kasi biglang nasaraduhan lang yung pinto.

"Maam, nandito pa ako! pabukas ng pinto! Maam!" pagsigaw ko, nagbabakasali na bumukas ang pinto.

Agad akong nagpanic ng ilang sandali pa ay walang sumagot at nanatiling sarado ang pinto.

Find the Killer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon