LV

35 3 0
                                    

Chapter Fifty-five

◤Cian's PoV◥

"Hart!" sabay sabay naming sigaw ng makita namin si Hart na puno ng sugat at pasa sa katawan at mukha, nakasakay rin ito sa isang wheelchair na itinutulak ni sir Blanco.

"anong ginawa niyo?!" galit na sigaw ko sa kanila.

Awang awa ako sa kalagayan ng kaibigan ko, sobrang namamaga na ang mga mata nito na nangingitim na.

"tatanga tanga kasi gumalaw kaya napapahamak" sagot ni Ms. Drea– este ni Fritzy habang tinatapik-tapik ang pisngi ng hindi makamulat na si Hart.

"papatayin kita!" puno ng galit na sigaw ko sa kanya.

Sa halip na sumagot ay tumingin lang ito sa akin ng may ngiting nakakaloko kaya naman lalong nag-init ang ulo ko.

"why don't we play some games, let's play spin the bottle, ang matapan patay" saad nito na tila naeexcite pa sa mga binabalak.

Dahil naka semi circle ang pagkakatali sa aming apat ay ipinuwesto ni sir Blanco si Hart sa bahaging walang nakapwesto para mabuo ang hugis bilog.

Iginitna naman ni Fritzy ang maliit na lamesa na may nakapatong na plastic bottle ng isang kilalang water product.

"ready na ba kayo?" masayang tanong ni Fritzy sa amin.

"pag ako nakaalis dito papatayin kita!" sigaw ko sa kanya.

"I wish you goodluck" sarkastiko nitong sagot bago inihiga ang bottle at ilibot ang tingin sa aming lima.

"Fritzy..." sinubukang pigilan ni sir Blanco si Fritzy pero hindi manlang ito lumingon para makinig, agad nitong iniikot ang hawak niyang bottle sa gitna ng lamesa.

Naramdaman ko ang pagbalot ng kaba sa buong sistema ko habang pinagmamasdan at hinihintay ang pagtigil ng bottle at kung kanino ito tatapat.

"Oops!" bulalas ni Fritzy ang tumigil ang pinaikot nitong botelyo.

Nanlaki ang mga mata ko habang ibinaling kay Paula ang tingin, sa kanya tumatapat ang bottle.

"h-huwag..." singhal ni Paula nang ilabas ni Fritzy ang isang kutsilyo mula sa likuran nito.

Nagsimula itong humakbang palapit kay Paula, isang hakbang pa lamang ang nagagawa nito ng biglang nagsalita si sir Blanco.

"Fritzy, tama na!"

Dahil sa sigaw na yun ni sir Blanco ay tumigil si Fritzy sa paghakbang palapit kay Paula kahit na kakalahating dipa na lamang ang layo niya.

Seryoso itong lumingon sa pwesto ni sir Blanco habang hawak pa rin ang kutsilyo.

"Bill, ano bang nangyayari sa'yo?! magkasama tayong nagplano nito sa simula pa lang, tapos ngayon akala mo sinapian ka nang kung anong mabuting espiritu at nagkakaganyan ka!" saad nito kay sir Blanco.

"mahal mo ako diba Bill? kaya sana maintindihan mo ang nararamdaman ko, alam mo naman ang nangyari sa kapatid ko diba?" agad na nagbago ang tono ng pananalita nito na mula sa galit ay naging malumanay.

"mahal na mahal kita Fritzy, pero hindi na tama ang lahat ng to" pahayag ni sir Blanco.

"kung mahal mo ko hindi mo ko kakalabanin Bill, you know me well, walang makakapigil sa akin" saad nito.

Ilang sandali pa silang nagtitigang dalawa hanggang sa muling magsalita si sir Blanco.

"tama na Fritzy, tama na..." singhal nito.

Hindi sumagot si Fritzy sa kanya at nanatiling tahimik lamang, dumako ang tingin ko sa kamay nito na may hawak na patalim, kitang kita mula sa pwesto ko kung paano humigpit ang hawak nito sa kutsilyo.

Find the Killer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon