LII

29 3 2
                                    

Chapter Fifty-two

◤Hart's PoV◥

Nang makalabas kami ng malaking bahay na ito ay agad kaming umupo sa gutter na nasa harap lang ng bahay.

"paano tayo umabot sa ganito?" malungkot na saad ni Paula.

Natahimik na lamang kami habang patuloy pa ring nagpapahinga matapos ang nangyari kanina lang.

"si Ivee..." umiiyak na hayag ni Kaz.

Napatingin naman ako sa kanya dahil sa mga tanong na gumugulo pa rin sa isipan ko.

"K-Kaz, p-papano ka n-nakalaya?" tanong ko sa kanya kaya agad na bumaling sa akin ang tingin nilang lahat.

Nakita ko kung paano lumungkot ang mukha ni Kaz matapos ang mga tinanong ko.

"H-Hindi ginusto ni Ivee ang mga ginagawa niya... n-napilitan lang s-siya dahil sa p-pagkakulong niya sa masasakit niyang nakaraan.." sagot nito habang nagpupunas ng luha sa mata.

Walang kahit na sinong nagsalita sa aming lahat, nanatili lang kami na tahimik at naghihintay sa mga susunod na sasabihin ni Kaz.

"...s-sarado ang isip ni Ivee d-dahil sa paghihiganti, i-ipinaramdam ko lang sa kanya na n-nandito ako, n-nandito tayo, h-hindi niya kailangan i-ikulong ang sarili niya, p-p-pero... d-dahil s-sakin n-namatay s-si... s-si I-Ivee" pagkukwento ni Kaz sa pagitan ng mga hikbi niya.

"masyadong obssess si Mark kay Deline kaya ginawa niya to, si Nikka naman hindi ko alam ang mga sinasabi, mukhang nabaliw ata" pagsingit ni Paula.

Napabuga na lamang ako ng hangin bago itinaas ang tingin sa langit.

Napakaganda ng langit ngayong gabi, napakaraming mga bituin, at walang kahit na isang ulap na tumataklob dito kaya kitang kita, napakagandang pagmasdan.

"H-Hart, sina Inspector?" bulalas ni Cian, agad namang bumalik sa isipan ko sina Inspector.

"teka lang tatawagan ko" saad ko at agad na tumayo at kinuha ang phone ko sa bulsa.

Naglakad muna ako ng medyo malayo sa kanila para makakuha ng maayos na signal.

Habang hinihintay na sumagot si Inspector sa tawag ko ay narinig ko ang tawag ni Cian sa akin mula sa pwesto nain kanina.

"Hart, Hart, may tutulong na satin" masayang saad ni Cian habang patakbong lumalapit sa akin.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa mga sinabi nito.

Nang tingnan ko ang mga iniwan naming kasama ay nakatayo na ang mga ito habang nakaharap sa isang itim na sasakyang kadarating lang.

Dahil sa sobrang pagtataka ay ibinaba ko na ang tawag at ibinalik ang phone ko sa bulsa.

"s-sino yan?" tanong ko kay Cian habang nakaturo sa kotse na nakaparada sa harap nina Kaz.

"Salamat sa diyos, ligtas kayo!" narinig ko ang nalakas na hayag ni Ms. Horres na kabababa lang sa sinakyang kotse.

"M-Ms. Drea?" taka kong tanong kay Cian.

Find the Killer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon