II

140 11 5
                                    

Chapter Two

◤Kazzandra's PoV◥

"Kaz, cr lang kami ni Gab, sama ka?" aya sakin ni Ivee.

"hindi na dito na lang ako, pero bilisan niyo, malapit na mag time" saad ko.

"sige, babush" saad ni Ivee bago naglakad papalayo kasama si Gab.

Nang makalabas ng room sina Gab at Ivee ay may naalala akong bagay na binigay ni Mommy sakin bago ako pumasok.

Habang kinukuha yung bracelet na bigay ni Mommy ay nakarinig ako ng boses sa gilid ko.

"Hi!!" napaigtad ako dahil sa gulat, my god.

Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Kaz, right?" tanong niya, teka ano nga ulit pangalan neto?

"ahh o-oo hehe" naiilang na sagot ko, god hindi ako sanay ng kinakausap ng hindi kilala.

"Gurl, wag ka matakot sa kin, di kita kakainin, lalamunin lang haha charot, haha gusto lang kita makilala ano ba, never pa kasing nagkaroon ng transferee sa section na Primo, simula noon, kaya nagtataka kaming lahat, kung bakit sa Primo ka kaagad napunta" kwento niya.

Grabe walang preno yung bibig niya, pero its okay may nakakalap naman akong impormasyon.

"Mag-ingat ka dun sa mga kaklase nating lalaki, tirador yun ng mga classmate nila haha, lalong lalo na yun..." turo niya dun sa lalaking kapapasok lang at may dalang C2 at fita.

"yan si Vince, ang dakilang playboy ng Primo, kahit ibang section nilalandi niyan, ingat ka" saad niya.

"ah hahaha s-sige" sagot ko, hindi ko talaga maalala yung pangalan niya.

"at yun naman si- wait lang, kilala mo na ba ako?" biglang tanong niya.

"h-hindi ko matandaan hehe" sagot ko.

"haha sorry, ang dami ko nang naichika di pa pala ako nagpapakilala... by the way, Im Rose Berbon, 16, Phillipines!!" sobrang hyper niyang pagpapakilala.

Yun, Rose, natatandaan ko na ulit, ang dami kasi namin sa Primo, siguro nasa 38 kami.

Diba? andami, samantalang sa Northdale, 21 lang kami.

"Ahm, syanga pala, R-Rose, nabanggit mo, hindi pa nagkakaroon ng transferee sa Primo?" tanong ko.

"Ah, yun, oo e, kasi ang rule ang school, kahit na gaano kataas ang grades mo dun sa dati mong school, sa Serte ka muna, yung ikalawang section, o kaya naman ay sa Holf, o Lore, depende sa grades, kaya nga nagulat kami sa nangyari, siguro, perfect 100 ang grades mo sa dati mong school ano? ano nga yun? Noodles?" saad niya.

"N-Northdale, Northdale Highschool"
pagtatama ko, hanep, noodles.

"ah, Northdale ba? haha sorry hehe"
paghingi nya ng tawad sa sinabi niya.

"Alam mo Rose, nabanggit sa akin ni Mama, na maganda daw dati itong Villamonte, totoo ba?" bigla ko kasing
naalala yung napagusapan dati ni Mama at ni Tito, yung tito kong nasa France.

Tila nagiisip muna sya, at hinihintay ko ang isasagot niya.

Habang nasa gitna si Rose ng pag-iisip ay biglang nagring yung bell, tanda na magsisimula na ulit ang klase.

"Sige na Kazzandra, sa susunod na lang ulit" saad ni Rose bago dali-daling bumalik sa upuan niya.

Hindi manlang sinagot yung tanong ko, tsk tsk.

Ilang sandali pa ay dumating na sina Ivee at Gab, at may dala na rin silang snacks.

"Hi Kaz!" bungad sa akin ni Gab.

"Naiinip ba ang aming transferee?" saad ni Ivee na parang nagtatanong sa isang bata.

"hindi naman masyado, hindi ko sinasabing ang tagal niyo ha? pero parang ganun na nga" biro ko.

Habang nasa gitna kami ng usapan ay bigla pumasok ang isang lalaking siguro nasa twenty or twenty-five ang age, medyo matangkad, at nakasalamin. Agad namang nagmadaling umupo sa kanilang upuan sina Gab at Ivee, at agad din nilang itinabi yung biniling snacks, bawal pala yun, kaso matitigas ang ulo.

Agad namang nagpakilala yung guro sa unahan namin, siya pala si Mr. Blanco, ang computer teacher namin, hindi daw muna kami pupunta sa Computer Laboratory, kaya dito na lang daw muna kami, at magpapagames nalang daw siya.

Agad na kumuha si Mr. Blanco ng ballpen at papel na hinati- hati niya sa 38 piraso, halos abutin ng 30 minutes ang paghahati at pagsusulat sa papel, at nang tuluyan na itong matapos ay inilagay nya ito sa kanyang ballpen holder, at tsaka, shinake ng shinake.

Matapos ang lahat ng kung ano-anong ginawa ni Mr. Blanco, ay agad na niyang ipinaliwanag ang lahat ng instruction at direction ng laro.

"sino nakakaalam ng larong Find the Killer?" tanong ni Mr. Blanco.

Hindi ako nagtaas ng kamay kasi hindi ko talaga alam kung ano yung larong yun.

Inilibot ko ang paningin ko at napansin kong nakataas ng kamay si Grace, yung isip bata kong kaklase.

"Isa lang talaga?" segunda ni Mr. Blanco.

"So, base sa pangalan ng game na ito, 'Find the Killer', ang kailangan lang natin ay mahanap yung killer. At ito yung procedure ng laro, meron ako ditong ginawang 38 characters, Civillians, Killers, at Police, Yung mga nagtatagong killers ay bubulong dun sa mga taong papatayin nila, swerte ng killer kung civillian ang mabubulungan niya, pero kapag pulis ang nabulungan niya, huhulihin siya nito at isisigaw sa buong klase, at para may thrill, lalagyan natin ng twist, kapag police ang nabulungan nung killer, ay idedare nung police yung killer na sinubukan siyang patayin"

"Sir, paano kung ang nabulungan nung killer ay civillian?" tanong nung isa pa naming kaklase na babae, para siyang nerd, may malaking salamin at mukhang mahilig mag-aral.

"that's a very good question, Miss?" tanong ni Mr. Blanco, ang alam ko Belle ang pangalan nito.

"Belle, po, Belle Calinisan" sagot niya.

"Miss Calinisan. so kapag civillian naman yung nabulungan nung killer agad na yuyukod yung nabulungang civillian at iimik ng, 'Im dead', at yung sasabihin naman ng pulis ay, 'I am the police officer and you are under arrest', nakuha niyo?" paliwang ulit ni Mr. Blanco.

Matapos ang paliwanagang iyon ay agad nang hinalo ni Mr. Blanco yung pencil holder niya na naglalaman ng mga papel na nakalupi.

Agad niya na kaming pinabunot isa-isa, mula sa unahan papunta sa likurang bahagi kung saan ako nakaupo, kasama sina Gab at Ivee.

Nang akmang bubuksan ko na ang papel na nabunot ko ay agad na hinablot iyon ni Gab, at pinagpalit sa nabunot niyang papel.

"palit tayo" saad nito.

At dahil nasa kanya na yung papel ko wala na akong nagawa kundi tanggapin ang nakasulat sa papel na iyon.

Kasama sina Ivee, at Gab, sabay- sabay naming binuksan ang papel namin at natawa nalang ako sa nabunot ko, POLICE? really?

Sa totoo lang ayokong maging police, pero dahil game lang naman ito, sige lang, pumayag kasi akong makipagpalit ng papel kay Gab e.

"So ano class? nalaman niyo na role niyo?" tanong ni Mr. Blanco na sabay sabay naman naming sinagot ng 'oo'.

"lets start, game?" saad ulit niya.

"game" sabay sabay naming sagot.

∞∞∞∞∞

Ivee Parafina on the multimedia

∞∞∞∞∞

Votes and Comments are highly appreciated.

All Rights Reserved

Find the Killer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon