VII

86 5 2
                                    

Chapter Seven

◤Cristin's PoV◥

Gusto kong sumigaw dahil sa takot ngunit parang bigla na lamang umurong ang dila ko at wala akong nasabing kahit na ano.

Kaharap ko ngayon ang isang bulto ng tao na nakaitim at may hawak na patalim sa kanan niyang kamay.

Sa halip na sumigaw ay unti unti akong napahakbang palayo papasok sa Guidance Office. Ngayon ko lang napansin na madilim na pala ang paligid kaya mas nagpahirap pa yun sa kalagayan ko.

Sa kakaatras ko ay tumama na ako sa ilang mga lamesa na naging sanhi ng ilang maliliit na ingay.

"S-Si-Sino k-ka?!" saad ko habang nangingilid na ang luha.

"Cristin" nagulat ako ng marinig ko ang boses nito, pero sa halip ba kumalma ay mas naging kakilakilabot ang naramdaman ko.

"A-Anong g-g-gagawin m-mo?!" sa sobrang takot ay halos hindi na ako makapagsalita ng maayos.

"Papatayin kita!" saad nito at agad akong sinugod.

Napaatras ako dahil sa gulat ngunit lamesa na ang naatrasan ko kaya nagawa ako nitong abutan, walang anu-ano ay itinarak nito ang hawak niyang patalim sa tiyan ko.

Agad niya naman itong hinugot at iniambang isasaksak ulit sa akin, ngunit sa pagkakataong ito ay nakahakbang ako ngunit dahil sa sugat ko sa tiyan ay nanghina ako at napaluhod sa sahig.

"haha" saad nito na parang nanloloko.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang kamay nito sa balikat ko kasabay ng pagtusok ng patalim niyang hawak sa likuran ko, lalo akong nanghina at natakot na baka ito na ang katapusan ko, mali.... ito na talaga ang katapusan ko.

Dahil sa sobrang sakit ay napasalampak na ako sa sahig ng nakadapa. Sinubukan kong bumangon ngunit katawan ko na ang bumigay, hanggang sa tinanggap ko na ang katapusan ko.

"A-Argg!" halos ungot na lamang ang tanging nasasabi ko dahil sa sakit.

Naramdaman ko siyang umupo sa parteng likod ko at hinigit ang buhok ko mula sa likod.

"Say goodbye to yourself" saad nito bago itutok sa leeg ko ang patalim niyang gamit.

"M-Ma-Maawa k-k-ka" saad ko habang lumuluha.

Walang pagdadalawang isip ay naramdaman ko ang unti unting paglaslas ng malamig na talim sa leeg ko na nagbunga ng pagbulwak ng mapupulang dugo mula roon, naramdaman ko na rin ang pagkaputol ng hininga ko at ang pagdilim ng paningin ko.

Bago ako tuluyang lagutan ng hininga ay narinig ko ang mga sinabi ng may sala.

"The game has begun"

∞∞∞∞∞

◤Jen's PoV◥

"Nandito na ako!" sigaw ko ng makarating ako sa bahay namin.

Agad namang lumapit ang yaya namin para kuhain ang bag ko pero tumanggi akong ibigay ito.

"Sina mommy?" tanong ko sa kanya.

Find the Killer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon