XVIII

55 6 1
                                    

Chapter Eighteen

◤Jahna's PoV◥

Parang nawala ang lahat ng lakas ko sa katawan ng maabutan kong wala pa sa classroom si Andrea, kahit nagkakagulo na sa labas ay wala akong pakialam.

Halos maubos ang mga kasama ko sa classroom dahil sa kung ano mang nangyayari.

Tatatlo kaming naiwan sa classroom, si Grace na takot parin at si Gelle na nasa tabi ng kakambal niya.

Sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay may tumawag ng pangalan ko mula sa labas, agad ko naman itong tiningnan at napagalaman ko na si Ashley pala yun kasama sina Sammy at Cian.

"Jahna.." saad nito na may kung anong hindi magandang ekspresyon sa mukha.

"J-Jahna m-may nangyari sa library" si Sammy na ang nagtuloy ng sasabihin ni Ashley.

"Anong n-nangyari?" tanong ko, maging sina Cian at Sammy ay may kagayang ekspresyon ni Ashley.

Dahil sa mga itsura nila ay nagkaroon ako ng ideya na hindi maganda ang nangyari ano man yun, pero mas hindi ko inasahan ang sunod na narinig ko mula kay Ranz na kadarating lang.

"G-Guys, si A-Andrea... p-patay na siya" nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig.

Agad ko namang tiningnan sina Ashley.

"s-sabihin niyo sa'kin na.... na j-joke lang to" saad ko sa kanila.

"Ash" tawag ko sa kanya, sabihin mo na joke lang please.

"J-Jahna, yan yung kanina pa namin gustong sabihin sa'yo" saad niya na kita rin ang lungkot sa mga mata.

"nakita niyo bang si Andrea talaga yun? baka naman hindi" paghahanap ko ng simpatya na baka hindi siya yun.

"hindi namin nakomperma na si Andrea yun... p-pero sabi nung mga nakakita si Andrea daw yun" sa pagkakataong ito ay si Cian na ang nagsalita

"baka naman hindi" saad ko.

"Si Andrea, nakita ko mismo, maging si Ms. Horres, siya na nagconfirm sa mga pulis na si Andrea yun" saad ni Franz.

Ang mga katagang yun, ang mga sinabi ni Franz ang naging daan para magsink-in sa utak ko na wala na si Andrea, na patay na siya.

"p-pupuntahan ko siya" saad ko na akmang hahakbang palabas, pero hindi pa ako nakakadalawang hakbang ay nagsalita na ulit si Franz.

"pinaalis nila ang mga eatudyante sa paligid, mga pulis lang ang nandoon, naglalagay na rin sila ng police line sa paligid ng library kaya magiging imposible yang gusto Jahna" paliwanag nito.

Napaupo na lang ako at doon humagulhol ng iyak habang pinapatahan nina Ashley at Sammy.

"G-Gang nanaman ba may gawa?" tanong ni Sammy kay Franz.

"Hindi ko sure" sagot nito.

"Parang may hindi tama" saad ni Cian na parang kanina pa may iniisip.

"anong ibig mong sabihin?" narinig ko tanong ni Gelle na nakikinig rin pala kahit nasa kabilang side ng silid.

"hindi parin ako one hundred percent sure na gang ang may gawa, parang ang imposible na" sagot ni Cian.

Find the Killer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon