XLIX

27 2 0
                                    

Chapter Fourty-nine

◤Belle's PoV◥

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang mga sinabi ni Mark.

Mukhang tama nga ang inaasahan ko.

"n-no way!" pagtanggi ni Faye sa alok ni Mark.

"okay" tipid na sagot ni Mark at agad na itinutok ang isa pang hawak niyang baril sa gilid ng ulo ni Faye.

"mamili ka Faye, pumatay o mamatay" tanong ni Nikka kay Faye.

Agad na tumungo ang tingin ni Faye sa kinalalagyan ko.

Awa siyang tumingin sa akin na parang sinasabi na hindi niya kaya.

Ramdam ko ang matinding tensyon kay Faye dahil sa pagbuntong hininga nito bago muling humarap kay Mark.

"h-hindi k-ko k-kaya" nangangatal na bigkas nito.

Sa halip na magsalita ay agad na kinasa ni Mark ang natatutok na baril sa ulo ni Faye.

Nakita ko kung paano pumikit si Faye na mukhang sumusuko na, naramdaman ko ang matinding awa para kay Faye, naiipit siya ngayon sa gitna ng kamatayan at kademonyohan.

"o-oh my g-god" umiiyak na saad ni Faye habang nakapikit pa rin na hinihintay ang katapusan niya.

Hindi ko kaya na makita siya mamatay sa harapan ko, mas gugustuhin kong ako ang mamatay kesa sa makita ko siyang bumagsak ng walang buhay.

"t-teka lang" agad kong pag-awat kay Mark na kahit anong oras ay pwede nang pihitin ang gatilyo.

Agad na humarap sa akin si Mark, iminulat din ni Faye ang mga mata niya at ibinalik sa akin ang tingin.

"ano yun?" tanong ni Mark sa akin.

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot, kahit ito lang ang magawa ko para makapagligtas ng kaibigan.

"F-Faye.... s-sundin mo n-na s-sila" nauutal kong pahayag habang nakatingin ng diretso sa mga mata nito.

"B-Belle, Belle hindi, hindi kit–" hindi pa natatapos magatwiran si Faye ay agad ko na iyong pinutol, kailangan ko siyang iligtas.

"para makaligtas ka...." pahayag ko kasabay ng muling pagpatak ng mga luha ko.

"Belle..." tawag nito sa akin habang patuloy parin sa pag-iyak.

Hindi naalis ang tingin namin sa isa't-isa, agad na ibinigay ni Mark ang isa pang baril nito kay Faye.

"B-Belle, hindi ko kaya..." umiiyak na saad ni Faye.

"kayanin mo, para mabuhay ka pa" sagot ko sa kanya na lalong kinabagsak ng mga luha nito.

"ang drama niyo" sabat ni Nikka na nakatayo pa rin sa likuran ko.

Habang nakatingin kay Faye na umiiyak ay nakita kong ikinasa nito ang hawak niyang baril ng pilitan.

Muli namang itinutok ni Mark ang hawak niyang baril sa sintido ni Faye.

"naninigurado lang, in case.." saad nito na mukhang nabasa ang nasa isip ko.

"Belle..." muling pagatawag ni Faye.

Naabutan ko itong itinututok sa akin ang hawak niyang baril.

Nalumod na lamang ako bago bumuga ng hangin at agad na ipinikit ang mga mata.

Iniisip ko na lamang na ginagawa ko to para mailigtas si Faye, para makapagligtas ng kaibigan, para masabi ko na hindi ako walang kwenta, na kaya ko ring makatulong hindi man sa sarili ko pero sa ibang tao.

Find the Killer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon