Epilogue

44 4 4
                                    

Epilogue

◤Kazzandra's PoV◥

'All passengers of flight 5213 please proceed to gate 25 for your departure'

Halos sabay sabay kaming tumayo sa kinauupuan namin sa waiting area ng airport ng marinig namin ang announcement.

Isang buwan na ang nakakaraan matapos ang nangyari sa amin ng mga kaklase ko, nakakulong na ng pang habambuhay sina Fritzy at sir Blanco.

Agad ding dinala si Mark sa isang mental institution sa sentro ng malamang hindi na maayos ang pagiisip nito.

Matapos ang isang buwan ay naghilom ng ang mga pisikal naming sugat dahil sa nangyari, pero ang mga nangyari ay hinding hindi mawawala sa memorya namin.

"kailan ulit ang balik mo, Nick?" malungkot na tanong ni mama kay tito na inaayos ang dala niyang mga maleta at bag.

"Ma! di pa nga nakakaalis si tito, ganyan na agad ang tanong mo?"

Napangiti naman sila dahil sa mga sinabi ko, agad naman na humarap sa amin si tito Nick at binitawan ang hawak nitong mga maleta.

"uuwi ako sa debut ni Kaz" nakangiti nitong sagot sa amin.

"talaga?!" bulalas ko.

"oo naman, magpapahuli ba ako sa paborito kong pamangkin?" gumuhit naman ang saya sa akin ng marinig ko ang mga sinabi ni tito.

"mag-iingat ka dun ha?" bilin ni mama nang makatayo ng maayos si tito.

Tumango ito sa kanya bilang sagot, at ilang sandali pa ay muling nag announce na ilang sandali na lang ay aalis na ang eroplanong sasakyan ni tito pabalik sa Italy.

Nagsimula itong maglakad patungo sa sinabing lugar.

Nang medyo nakakailang hakbang na ito palayo sa amin ay muli itong sumulyap sa pwesto namin at kumaway.

Agad rin naman kaming kumaway ni mama bilang paalam kay tito.

Hindi pa nagtagal ay agad itong bumalik sa paglalakad na sinundan na lamang namin ng tingin ni mama hanggang sa makalayo na ito sa amin.

∞∞∞∞∞

◤Nick's PoV◥

Nang mahanap ko ang pwesto ko base na numero ng ticket ay agad kong inilagay ang dala kong maleta at bag sa lagayan ng mga gamit sa itaas na bahagi ng mga upuan.

Agad rin akong umupo sa pwesto ko na nasa tabi lamang ng bintana.

Ilang sandali pa ay unti unti nang umandar ang sinasakyan kong eroplano hanggang sa nagsimula na itong umangat pataas ng himpapawid.

Mula sa pwesto ko ay matatanaw ang ilang senaryo ng bayang may matitirik na gusali na simbolo ng kaunlaran.

Hanggang sa marating namin ang bahagi na puro mga katubigan lamang ang nasa ilalim ng sinasakyan kong eroplano.

Agad kong iniangat ang tingin ko sa mga ulap na tumataklop sa napakatayog na araw.

Napakahirap talagang basahin ng tadhana, hindi mo alam kung kailan ka sasaya, kailan ka luluha, ang mahalaga palaging kang handa, handa sa mga bagay na hindi natin inaasahan gaya ng mga unos.

Pero sa likod ng kahit na anong unos laging may pagasa, parang sa tag-ulan, sa likod ng maiitim at nakakatakot na ulap may sinag ng araw na nagkukubli at naghihintay lang ng pagkakataon niya para sumikat muli.

Matapos ang mga nangyari sa amin, sa lahat ng nangyaring hindi magaganda, at sa mga magagandang memorya, masasabi ko na hindi pangkaraniwan ang nangyari sa amin pero yun rin ang naging dahilan para mapatunayan ko na hindi rin pangkaraniwan ang pagkakaibigan namin.

Sa tingin ko ito na ang katapusan, ito na ang finale, ito na ang Last part...



....ito na ang end game.

∞∞∞∞∞

'In every dark times we face, don't forget to look at the bright side, where you can find hope and reason to continue you're journey and reached the peak of your dreams'

THE END

∞∞∞∞∞

VOTES and COMMENTS are highly appreciated.

All Rights Reserved.

Find the Killer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon