XLV

29 5 0
                                    

Chapter Fourty-five

◤Hart's PoV◥

"Inspector, nasaan si sir Nick?" tanong ko rito ng maabutan ko siyang nag-iisa sa loob ng cafe.

"may kikitain..." seryosong sagot ni Inspector.

"...anong mga nalalaman mo tungkol kay Ivee Parafina?" biglang tanong ni Inspector.

"wala masyado, basta ang alam ko lang malapit niyang kaibigan sina Kaz at Gab, hindi kami gaano malapit kaya wala akong alam tungkol sa personal niyang buhay" kunot-noong sagot ko.

"alam mo ba na ampon siya?" puno ng gulat ang ekspresyon ko ng bigkasin ni Inspector ang mga salitang iyon.

"h-hindi.." hindi makapaniwalang sagot ko.

"Hindi siya tunay na anak ni Imee Parafina, inampon lang siya nito siyam na taon na ang nakakalipas" pagpalaliwanag nito.

"a-ano naman ang kinalaman nun sa pagiging killer niya?" tanong ko sa kanya.

"hindi ang umampon sa kanya ang kailangan mong malaman, kundi ang tunay niyang kadugo..." napabuntong-hininga na lamang ako habang hinihintay ang susunod na sasabihin ni Inspector.

"hinukay ko ang mga posibleng impormasyon na may kinalaman kay Ivee, walang kinalakihang magulang si Ivee, isang tao lang ang naging kasama niya sa buhay...." pagkukwento nito.

"...yung ate niya, pero namatay ito noong anim na taon pa lang siya kaya napilitan siyang ipasok sa isang bahay-ampunan kung saan siya nakilala at naampon ng mag-asawang Parafina" hindi ko alam na mula sa murang edad ay nakaranas na si Ivee ng kalupitan ng buhay, pero ang tanong bakit niya ginagawa to? anong gusto niya?

Habang patuloy na nagiisip mula sa mga sinabi ni Inspector ay biglang nagpantig ang mga tenga ko ng marinig ko ang kasunod na mga sinabi niya.

"Mukhang alam ko kung nasaan si Ivee ngayon, yung bahay na tinirhan nila ng ate niya, nasa labas ito ng sentro kaya ilang minuto rin ang layo" sambit nito.

"p-paano mo nasabi na doon siya nagtatago?" nauutal kong tanong.

"dahil importante ang lugar na yon sa kanya, dahil doon siya huling sumaya kasama ang ate niya, na mukhang siyang dahilan kung bakit niya ginagawa ito.." saad ni Inspector.

Hindi na ako nakapagsalita pa sa halip ay hinintay ko na lamang ang susunod na sasabihin nito.

"isa ang ate niya sa mga namatay sa massacre ng Villmont High ten years ago...." napuno ng gulat ang sistema ko dahil sa mga sinabi niya.

Agad na pumasok sa isip ko kung bakit ito nagawa ni Ivee, gusto niyang ipaghigante ang ate niya, akala ko ay ito na ang mahalagang impormasyon na sasabihin ni Inspector, ngunit sa ikalawang pagkakataon ay napanganga at napatulala na lamang ako sa mga sunod na sinabi nito.

"...si Jade Amparo, siya yung kapatid ni Ivee"

∞∞∞∞∞

◤Kazzandra's PoV◥

"Ivee, hindi mo naman kailangang gawin to!" pagmamakaawa ko sa kaibigan ko.

"kailangan ko, Kaz, kailangan ko para kay ate" pahayag nito.

"pero hindi nito mababalik ang buhay ng ate mo!" paliwanag ko sa kanya.

Sobrang pagkagulat ang nadama ko ng magising ako kahapon, hindi ko maisip na magagawa ni Ivee ang mga ganong bagay.

At ang mas masakit pa, siya ang may pakana sa pagkamatay ni Gab.

"pero mabibigyan ko ng hustisya ang ate ko!" bulyaw nito.

Find the Killer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon