XII

63 4 1
                                    

Chapter Twelve

◤Rance' PoV◥

Naalimpungatan ako dahil sa mga patak ng tubig na tumatama sa aking mukha. Sinubukan kong imulat ang mga mata pero nararamdaman ko kaagad ang pag-ikot ng paligid ko, napakalabo rin ng paningin ko.

Agad kong naalala ang mga nangyari, may bakal na tumama sa noo ko nang inilabas ko yung basura namin, nakilala ko rin ang boses ng humampas sa akin, at hindi ako pwedeng magkamali, kilala ko siya, kilalang kilala ko siya.

Ilang ulit ko pang sinubukang imulat ang mga mata ko hanggang sa magtagumpay ako.

Madilim ang paligid, pero kita ko ang langit na walang kahit isang bituin na makikita dahil sa mga ulap na nakaharang.

Napansin ko rin na ang patak ng tubig na tumama sa mukha ko ay ang ilang patak ng ambon na ngayon ay lumalakas na.

Sinubukan kong gumalaw pero hindi ako nagtagumpay, doon ko napagtanto na nakatali ang aking mga kamay sa parteng uluhan ko, at ang mga paa ko naman ay magkasamang nakatali.

Malamig ang paligid, dagdag pa ang lamig ng kinahihigaan ko ngayon na medyo nababasa na dahil sa mga patak ng ulan.

Pakiramdam ko ay nakaratay ako ngayon sa isang semento na napakagaspang.

Susubukan ko sanang sumigaw para humingi ng tulong pero bigo ako, walang kahit na akong boses ang lumabas mula sa bibig ko, ito ay dahil nakatape pala ito ng sobrang higpit, ramdam na ramdam ko ang pagkakalakas ng kapit ng tape na kung tatanggalin ay parang makakasama ang aking mga balat sa labi.

Ilang beses ko pang sinubukang magkakalas at magpumiglas pero wala akong nagawa, masyadong mahigpit ang pagkakatali sa mga kamay ko.

Sa pagiimagine ko sa pwesto ko ay nakahiga ako ngayon sa isang malamig na semento habang nakatali sa taas ng ulo ko ang mga kamay ko at ang mga paa ko naman ay nakatali rin kaya't hindi ko ito maigalaw ng maayos.

Habang sinusubukan ko muling makatakas ay biglang nagkaroon ng liwanag mula sa itaas na bahagi ko, kasabay noon ang pagkabuhay ng makina ng isang sasakyan.

Dahil sa nangyari ay kinabahan ako na baka sagasaan ako ng sasakyan sa itaas ko, sinubukan kong sumigaw kahit na nakatape ang bibig ko ngunit sadyang mahina lang ang tunog na bagawa niyon at maa malakas pa ang tunog ng pagbagsak ng ulan sa sahig.

Habang patuloy pa rin ako sa pagsubok na kalasin ang mga tali ay narinig ko ang tunog ng makina ng isang sasakyan kapag magsisimula na itong tumakbo, lalo akong ginapangan ng takot ng makita ko na sa kotse iyon ako nakatali, at hindi ako nais sagasaan kundi nais na kaladkarin.

Lalo akong nagpursigi na sumigaw ar humingi ng tulong pero sadyang napakaliit na tunog lang ang nagagawa nito.

Habang nagpupumiglas sa pagkakatali ay hindi ko inaasahan na bigla na lamang tatakbo ang sasakyan.

Kasabay ng mabilis nitong pagtakbo ay ang pagkaladkad ko sa malamig na kalsada, at dahil hindi naman makinis ang kalsada ay tila niyayadyad ang aking likuran dahil sa pagkaladkad sa akin.

Maingay ang pagtakbo ng kotse ito na sinabayan pa ng malakas na pagbuhos ng ulan kaya naman parang isang normal na sasakyan lamang ito sa pandinig ng iba.

Find the Killer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon