XV

68 2 0
                                    

Chapter Fifteen

◤Kazzandra's PoV◥

"Gosh girl! ang creepy ni Andrea kanina?" saad ni Rose habang patuloy pa rin na inaalala ang nangyari sa loob ng room kanina.

"Akalain mo sinugod niya si Grace tapos pinaiyak? what the hell?!" tanong ni Rose.

"hindi naman daw niya pinaiyak si Grace diba? narinig mo ba yung sinabi ni Andrea?" saad ko.

"Pero siya parin ang dahilan kung bakit umiyak yun, so ganun na din yun?" paliwanag naman niya.

"Ano ba girl san ba tayo papunta? kanina pa tayo naglalakad, baka makarating na tayo sa planet Mars niyan" sambit ulit ni Rose.

"Dun tayo maguusap sa may garden, hindi naman kasi masyadong matao dun" sagot ko habang patuloy parin sa paglalakad.

Hindi na umimik pa si Rose at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay narating namin ang garden at gaya ng inaasahan ko, walang tao.

Agad kong hinila si Rose papunta sa malapit na bench, agad din namang sumalubong sakin ang pagangal nito matapos ko siyang higitin.

"Ano ba naman yan Kaz, makahigit naman, hindi ba pwedeng konting hinga muna?" saad nito.

"Rose may gusto akong malaman" saad ko.

"Sige baka alam ko ano yun?" tanong nito.

"May nakaaway na ba ang klase natin noon?" tanong ko rito.

Kumunot naman ang noo ni Rose matapos kong sabihin ang tanong ko.

"bakit mo naman tinatanong yan?" tanong rin nito.

"meron ba, Rose?" tanong ko ulit.

Ilang segundo siyang tumigil bago sumagot.

"W-Wala" sagot nito.

"Kahit anong away na may kinalaman si Cristin at Rance?" pursigido kong tanong.

"Wal–" sasagot na sana si Rose pero biglang nanlaki ang mata nito at biglang napalakas ang boses sa pagsagot.

"Meron!" sagot nito.

"May naging away nung grade 8 kami, at kasali sina Cristin at Rance dun" pasigaw na saad ni Rose.

Agad ko siyang tiningnan, baka ito na ang sagot baka ito na ang magiging susi para malaman namin ang nangyari kina Cristin.

∞∞∞∞∞

◤Gelle's PoV◥

"Gelle, anong nangyari sa kapatid mo?" tanong ni Papa habang nakatayo sa harapan ko sa labas ng kwarto namin ni Grace.

"bigla na lang po siyang umiyak Pa, sabi nung kaklase ko, nakita niya daw si Grace na parang takot na takot tapos bigla na lang siyang umiyak" pagsisinungaling ko kay Papa.

Hindi dapat ni Papa malaman na hinarass ni Andrea si Grace, baka biglang sumugod dun si Papa at mageskandalo or worse baka patigilin kami ni Grace na pumasok sa school.

Find the Killer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon