VIII

66 3 0
                                    

Chapter Eight

◤Jen's PoV◥

Tila naalimpungatan ako dahil sa matinding liwanag na tumatama sa mukha ko.

Ninais kong imulat ang mga mata ko pero mabigat ang talukap ng mga ito, pakiramdam ko isang linggo akong hindi natulog.

Ilang beses ko pang muling imulat ang mga mata ko hanggang sa nagtagumpay na ako pero sobrang labo ng paningin ko, tanging liwanag lang ang naaaninaw ko.

"Jen?!" narinig kong saad ng pamilyar na boses.

"Jen, baby, how do you feel? Doc! Nurse!" ulit kong narinig ang boses na yun hanggang sa makomperma ko kung kaninong boses yun, kay mommy.

"Doc! Jen, you'll be alright okay!" saad pa ulit ni mommy.

Hanggang ngayon ay malabo pa rin ang paningin ko pero rinig ko ang mga hikbi sa boses ni mommy, ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto at muling pagsasalita ni mommy.

"Jen, you'll be alright, mommy's here, you'll be alright" saad ulit ni mommy.

"Uhm Mrs. Canales, please" saad ng isang baritonong boses na sa tingin ko ay doctor.

"Okay Jen, do you feel any pain?" tanong sakin ni Doc, sinubukan kong magsalita pero tuyot ang lalamunan ko, kaya sa halip na magsalita ay umiling na lang ako bilang sagot.

Ilang saglit pa ay may itinutok sa mata ko sa parang flashlight na tila iniilawan ang mata ko, una nyang tiningnan ay ang kanang mata ko at sinunod naman ang kaliwa.

Nang matapos ang pagchecheck ni doc sa akin ay narinig ko ang mga usapan nila ni mommy.

"Mrs. Canales, she's okay, nakarecover na ang katawan niya, mula sa muntikan nang pagkamatay, pero kailangan ng masinsinang pagaalalaga at pagtingin lalo na sa sugat nito sa pulsuhan, hindi biro ang lalim ng natamo nitong laslas, maigi at naagapan niyo kung hindi baka kung ano na ang nangyari sa kanya." saad ni doc.

"Sige po doc" sagot naman ni mommy.

"Okay, so mauuna na po ako Mrs. Canales, at Jen magpagaling ka agad" saad nito bago umalis.

Nang makalabas si Doc ay agad sa aking lumapit si mommy, habang tumatagal ay lumilinaw na ulit ang paningin ko, kaya nakikita ko ang paligid ko.

"Jen, sabi ng doc buti na lang daw naagapan yang laslas mo sa pulso, ano pang nangyari bakit mo ginawa yun?"
tanong ni mommy.

Nakaramdam ako ng awa kay mommy ng marealize ko ang mga ginawa ko, nagsisisi akong ginawa ko ito, ako na lang sana ang paghuhugutan niya ng kalakasan sa pinagdadaanan niya pero ako ang unang bumigay.

"dahil ba sa amin ng daddy mo?" sunod na tanong niya.

"Pasensiya ka na anak ha? sa sobrang gulo ng relasyon namin ng daddy mo nakalimutan kita, nakalimutan ko ang blessing ng buhay ko" saad ni mommy na nagsimula na ring umiyak sa gilid ng kamang kinararatayan ko ngayon.

Sinubukan kong itaas ang braso ko para punasan ang luha ni mommy pero nakaramdam ako ng hapdi mula sa pulsuhan nito.

At napansin ko ang bendang nakabalot dito hanggang sa siko, kulay puti ito pero may tagos na ng dugo kaya may ilang bahagi na kulay pula na.

Ano ba itong ginawa ko?

∞∞∞∞∞

◤Rance' PoV◥

"huy Rance! himala tinanghali ka yata ngayon" saad ni Mark ng makapasok ako sa room.

"Nalate ako ng gising, tapos pahirapan pa sa pagsakay sa jeep, punuan ba naman kasi" sagot ko habang ipinapatong ang bag sa upuan ko.

Find the Killer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon