XXXV

32 4 0
                                    

Chapter Thirty-Five

◤Anna's PoV◥

"wala sa kanila si Nichole, sabi ng Mama niya hindi pa daw nauwi simula nung friday" hindi mapakanali kong saad kina Cian matapos kong tawagan ang nanay ni Nichole.

"kasabay nating umuwi si Nichole nung araw na yun, hindi kaya..." hindi na naituloy ni Cian ang sasabihin niya dahil sa tingin pa lang naming anim ay mukhang iisa ang nasa mga isip namin.

"n-napatay na siya?" natatakot na sabat ni Yezia.

"wala pa namang kasiguraduhan Yez, baka naman may pinuntahan lang–" paliwanag ni Cian na agad ding pinutol ni Yezia.

"tatlong araw na hindi umuwi si Nichole, tapos may pinuntahan?! ang labo!" sabat nitong muli.

"guys, walang magandang idudulot ang pag-aaway na to, bakit hindi na lang natin hanapin?" suhestiyon ni Charls para na rin mapatigil sa pagtatalo sina Cian at Yezia.

"Ayoko na!" natahimik kaming lahat ng biglang sumigaw si Yezia.

"Yezi–" bago pa lamang akong magsasalita ay agad na siyang sumagot.

"wala naman tayong napapala sa ginagawa natin! mapapahamak lang tayo dito! at hindi ko hahayaang mapahamak ako dahil sa pagmamarunong niyo....!" sigaw nito sa amin habang inililibot ang paningin sa aming lahat.

"....lalong lalo ka na!" sigaw nito kay Cian.

"Yezia" tawag sa kanya ni Jahna.

Hindi niya kami pinakinggan at agad na dinampot ang gamit at nagmamadaling tumakbo palabas ng room.

Nang akmang susundan siya ni Jahna ay pinigilan ko siya at nagprisintang ako na lang ang kakausap kay Yezia.

Agad akong lumabas ng classroom at hinagilap si Yezia, nakita ko itong tumatakbo patungo sa garden, hindi pa naman ito masyadong nakakalayo kaya agad ko itong sinundan.

Habang tumatakbo ay hindi ko inaalis ang tingin ko sa likod ni Yezia na patuloy pa rin sa pagtakbo.

"Anna!" bigla naman akong nakarinig ng boses na tumatawag ng pangalan ko sa likuran ko.

Tumigil ako sa pagtakbo para harapin ang tumatawag sa akin. Nakita ko si Charls na tumatakbo palapit sa akin.

"She's in shock, she just need someone to talk to" pahayag ko sa kanya.

Alam kong dala lang ng gulat kung bakit nasabi ni Yezia ang mga yun, natatakot siya, pero lahat naman kami ay natatakot rin, dahil kahit anong oras ay pwede kaming patayin ng killer.

"Asan na si Yezia?" takang tanong ni Charls habang nakatingin sa likuran ko kung saan tumatakbo si Yezia kanina lang.

Agad akong humarap sa direksyong tinatahak namin kanina, wala na akong nakikitang tumatakbo, hindi naman mawawala ng ganun si Yezia, may kalayuan pa ang garden mula sa pwesto namin kaya nakakapagtaka na bigla siyang naglaho na parang bula.

"Yezia!" pagtawag ko sa pangalan niya habang nagsimula na uling tumakbo papunta sa kinalalagyan nito kanina.

"Yezia!" narinig ko na ring sumigaw si Charls na nasa likuran ko lamang.

Find the Killer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon