XL

27 3 0
                                    

Chapter Fourty

◤Hart's PoV◥

"Grace!!" malakas kong sigaw ng kasabay ng pagtawid ni Grace ay ang pagdating ng isang humaharurot na sasakyan.

"OH MY GOD" pabulong na sambit ni Belle ng tumama ang katawan ni Grace sa bumper ng kotse.

Halos nabato na kaming tatlo dahil sa pagkabigla, sa mismong harap namin lumipad at umikot ikot sa taas ng sasakyan ang katawan ni Grace na parang papel lang.

Nang bumagsak sa kalsada ang katawan ni Grace ay sinubukan naming pigilan at patigilin ang nakabunggong sasakyan pero hindi man lang ito tumigil sa halip ay mas lalo pa itong humarurot palayo.

"G-Grace!" nangangatal kong sigaw habang patakbong humahakbang palapit kay Grace.

Nang makalapit ako kay Grace ay agad ko itong inayos ang pagkakahiga at pinakiramdaman ang pulso.

"m-may p-pulso" saad ko kina Belle at Cian na hindi na rin mapakali sa likod ko.

"G-Grace" pagtawag ko sa kanya para malaman ko kung gising ba siya.

"C-Cian...tumawag ka ng ambulansya" narinig kong utos ni Belle kay Cian.

"Grace" muli kong tawag sa kanya.

"matagal pa ba yung ambulansya?" hindi ko mapakaling tanong sa dalawa kasabay ng pagbaling ko ng tingin sa kanila.

Napansin ko rin na medyo marami na yung mga taong nakapaligid sa amin.

"natawag ko na, 5 minutes pa daw" sagot ni Cian.

"k...k-k-kuya..H-Ha-Hart" agad na bumalik ang tingin ko kay Grace ng marinig ko ang mga tinig niyang tinatawag ako.

"Grace.. Grace.. kapit lang, wag kang pipikit, wag ka matutulog, parating na yung ambu–" pahayag ko sa kanya pero naputol yun ng magsalita siya.

Dahil sa halos hangin na lang ang lumalabas sa bibig ni Grace ay agad kong inilapit ang tenga ko duguan niyang mga labi.

"I..I.." nauutal sa saad niya.

"..I-Ivee.." ani Grace.

"anong meron kay Ivee?" taka kong tanong ng marinig ko ang pangalan ni Ivee na binigkas niya.

"...k-ki-killer" nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pangungunot ng noo ko matapos ko marinig ang kasunod na salitang sinabi niya.

Iniangat ko ang ulo ng puno ng gulat at pagtatanong sa isip ko, halos wala na akong naririnig na kahit na ano sa paligid ko, paulit ulit kong pinapasok sa isip ko ang mga sinabi ni Grace para magsink in.

'Ivee..killer'

'Ivee..killer'

'Ivee..killer'

"Grace!!" halos bumalik ako sa wisyo ko ng marinig ko ang sigaw ni Belle kasabay ng paglapit nila ni Cian kay Grace.

Hindi na ako nakagalaw at nakapagsalita pa habang tinitingnan ko sina Cian at Belle na sinusubukang gisingin si Grace na nakapikit na.

Find the Killer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon