LI

31 4 0
                                    

Chapter Fifty-one

◤Kazzandra's PoV◥

"papatayin kita!" sigaw sa akin ni Mark habang patuloy pa rin akong sinasakal.

"Kaz!" narinig kong sumigaw si Ivee mula sa pwesto nila ni Nikka.

Nakita ko itong sinasakal ang leeg ni Nikka gamit ang kaliwang braso.

Habang patuloy pa rin sa pagsakal sa akin si Mark ay ginamit ko ang dalawa kong kamay para makakuha ng kahit na anong armas na magagamit para makaalpas kay Mark.

Sa bandang kanan ko ay may nahawakan akong isang matigas na bagay na gawa sa bakal.

Agad ko itong iniangat at napagtantong isa pa iyong lumang paanan ng lamesa.

Hindi na ako nagatubili pa agad na inihampas ang hawak kong bakal kay Mark.

Hindi naman ako nabigo, dahil sa pagkakahampas ko ay agad na natanggal ang kamay nito sa leeg ko, napahakbang naman ito palayo sa akin.

Napayuko ako habang naghahabol ng hininga dahil sa mahigpit na pagsakal sa akin ni Mark.

Habang nakayuko ay narinig ko ang malakas na sigaw ni Nikka kaya agad akong tumingin sa pwesto nila ni Ivee.

"AAAAHHHHH!!!!" malakas na sigaw ni Nikka ng idikit ni Ivee ang wire sa leeg nito.

Nanginig ito dahil sa pagdaloy ng kuryente sa katawan nito na mula sa wire na kanina ring ginamit kay Winny.

Nakita ko naman si Ivee na malalim ang paghinga habang pinapanood ang pangingisay ni Nikka na ilang hakbang ang layo.

Ilang segundo pa naming pinanood si Nikka hanggang sa tuluyang tumirik ang mga mata nito kasabay ng paglabas ng mga bumubulang likido sa bibig nito.

Agad kong binitawan ang hawak kong bakal na paanan ng lamesa, nalaglag ito sa sahig ng attic kaya nagdala ito ng ingay.

Dahil sa pagbagsak ng hawak kong bakal ay agad na tumungo sa akin ang tingin ni Ivee.

Ngumiti ako sa kanya para sabihing ayos lang ako, ngumiti rin ito pabalik sa akin kasabay ng paghakbang nito papalapit sa akin.

Kasabay ng paghakbang ni Ivee ay nakita ko mula sa peripheral view ko si Mark na tumatayo mula sa sahig ng attic.

Nang ibaling ko ang tingin kay Mark ay nakahawak ito sa batok niya gamit ang kaliwang kamay.

Nabalot naman ng kaba at takot ang buong sistema ko ng makita ko na umangat ang kanang kamay nito na may hawak na baril.

Nang tuluyang maiangat ni Mark ang kamay niya ay agad itong tumutok sa direksyon ko habang hawak pa rin ang baril.

Parang biglang bumagal ang oras sa paligid ko, nanlabo ang paningib ko sa paligid maliban sa baril na nakatutok sa akin.

Napalunok ako dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko, parang napako na rin ang mga paa ko at hindi ko ito maihakbang.

"Kaz!" narinig ko na lamang ang malakas na sigaw nina Ivee at Paula.

Ilang sandali pa ay umalingawngaw ang malakas na putok ng baril sa buong attic.

Nagulat naman ako ng may biglang humarang na katawan sa harapan ko.

Dahil sa sobrang gulat ay hindi agad ako nakagalaw at sinundan ko na lamang ng tingin ang pagbagsak ni Ivee sa harapan ko.

∞∞∞∞∞

◤Hart's PoV◥

Nang marating namin ni Cian ang bahay na sinasabing pinagmulan ng number ay agad kaming pumasok rito.

Find the Killer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon