XLVIII

26 3 1
                                    

Chapter Fourty-eight

◤Belle's PoV◥

"Mark?! kasabwat ka rin nilang gago ka?!" malakas na bulyaw ni Carlo rito.

"watch your mouth, asshole" sagot naman ni Mark.

"p-pati b-ba n-naman i-ikaw M-Mark?" tanong ni Faye sa pagitan ng mga iyak niya.

Bago makasagot si Mark ay may kung anong bagay na inihagis si Nikka na agad namang nasalo ni Mark.

"a-anong gagawin mo sa martilyo?" pagpuna ni Carlo sa hawak ni Mark na martilyo na siyang ibinigay ni Nikka.

Sa halip sa sumagot ay naglakad si Mark papalapit kay Carlo na wala pa ring alam sa gagawin nito.

"Lagi niyo kasi akong nilalayo kay Deline eh" dismayadong saad nito sa amin.

"a-anong i-ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.

Agad namang napunta sa akin ang atensyon ni Mark sa tanong ko.

"anong ibig kong sabihin? ang ibig kong sabihin, kaya ko kayo pinapatay isa isa kasi alam ko na hindi kayo pabor kapag ako ang pinili ni Deline, hindi ba mas boto kayo kay Rance?!" galit nitong sigaw sa mukha ko.

"kaya ayon! wala akong pagpipilian kundi unahin ang karibal ko sa puso ni Deline.." pahayag nito, "Oo! ako ang pumatay kay Rance, ako ang nagpahirap sa kanya sa pagkaladkad hanggang sa bawian siya ng buhay." saad niya na tila natutuwa pa habang kinukwento ang ginawa kay Rance.

"Tama lang naman sa kanya yun, kasi ahas siya! itinuring ko siyang kaibigan pero tinraydor niya ako! at alam niyo ba kung ano ang nagpatindi sa galit ko? nung nalaman ko na si Rance ang gusto ni Deline..." seryoso nitong saad.

"...kaya ano pa ba ang gagawin ko? kung hindi sa akin mapupunta si Deline, hindi siya mapupunta sa kahit na sino, kaya ayon, nilibing namin ng buhay!" parang baliw na saad nito.

"baliw ka!!" agad na bumalik ang tingin ko kay Carlo ng marinig ko ang sigaw niya.

Gumuhit ang sobrang galit sa mukha ni Mark at agad na lumapit kay Carlo at hinila ang buhok pataas.

"hindi ako baliw, Carlo, kung wala lang sana kayong mga ahas kayo, edi hindi ko to ginagawa, gusto ko lang naman kayong alisin sa landas namin ni Deline pero kahit anong gawin ko, si Rance pa rin!!" sigaw ni Mark.

Kasunod ng mga sinabi ni Mark ay hindi namin inaasahang bigla na lamang tumama ang martilyong hawak ni Mark sa gilid ng mukha ni Carlo.

"Carlo!!" sigaw ni Faye habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Mark, wag!"  pagpigil ko rito.

Sa halip na pansinin kami ay patuloy lamang itong nakaharap kay Carlo na dumudugo na ang bibig at ilang sugat sa mukha.

"ano, Carlo! magmayabang ka pa!!" bulyaw nito sa duguang si Carlo.

Muling iniangat ni Carlo ang tingin kay Mark, ngunit sa halip na takot ay tumingin ito na parang nang-aasar.

"tss" saad nito atsaka ngumisi lamang.

Sa ikalawang pagkakataon ay muling hinampas ni Mark si Carlo sa kabila namang bahagi ng kanyang mukha.

"Oh my god, t-tama n-n-na..." umiiyak na pahayag ni Faye.

"tama na!" muli kong sigaw kay Mark.

"bakit Belle, hindi ka ba natutuwa sa mga nakikita mo?" nang-aasar na tanong ni Nikka habang nakabantay pa rin sa likod ko.

"mga demonyo kayo!" sigaw ni Faye kahit umiiyak pa rin.

"sige Carlo, magmatapang ka pa!" narinig kong sigaw ni Mark.

Nang muling inaangat ni Carlo ang mukha niya ay halos manlumo ako sa nakita ko, patuloy pa rin sa pagdugo ang bibig at sugat sa mukha, sobra na ring namamaga ang dalawang mata nito.

Ngunit sa halip na magmakaawa ay bigla nitong dinuraan si Mark sa mukha na lalong ikinainis nito.

"T*NGINA KA TALAGA!!!" galit na galit na sigaw ni Mark at tsaka sunod sunod na pinukpok ng martilyo ang ulo ni Carlo.

"WAGGG!!!!" palahaw ni Faye na sinusubukang pigilan si Mark sa patuloy na pagpukpok.

"Carlo..." iyak ni Faye ng mapansing hindi na gumagalaw pa si Carlo na halos maligo na sa sariling dugo at wasak na rin ang bungo.

"mga hayop kayo" seryoso kong saad sa kanila.

Matapos paulit-ulit na paluin ang ulo ni Carlo ay agad na humarap si Mark sa direksyon namin, puno na ng dugo ni Carlo ang suot na damit ni Mark maging ang mukha nito ay nababalutan na rin ng dugo.

Pinahid niya ang mga dugo sa kanyang mga mata gamit ang kanyang kamay.

Pagkatapos ay ibinagsak niya na lamang ang ginamit niyang martilyo na puno na rin ng dugo at ilang laman ng utak na mula kay Carlo.

Hindi ko magawang maibaling ang tingin ko sa kalunos-lunos na sinapit ni Carlo, sobrang basag na ang ulo nito sa paraang hindi na rin ito makikila base sa mukha.

"Carlo..." narinig ko ang muling pag-iyak ni Faye habang nagluluksa sa pagkawala ng kaibigan.

Ilang sandali pa ay biglang lumapit si Mark kay Faye at hinawakan ito sa pisngi.

Agad naman inilayo ni Faye ang mukha mula sa madugong kamay ni Mark.

"d-don't touch m-me you p-psycho!" bulyaw ni Faye kay Mark.

Ilang segundo pang nanatiling nasa ganoong sitwasyon si Faye na nakikipag-titigan kay Mark.

Bigla namang tumayo si Mark mula sa pagkakaluhod sa harap ni Fay kasunod ay bigla itong nagsalita.

"bibigyan kita ng pagkakataong mabuhay Faye, kung susundin mo ang ipapagawa namin sa'yo" pahayag ni Mark kay Faye.

Agad naman na nagbago ang ekspresyon ni Faye ng marinig ang mga winika ni Mark.

Ramdam ko ang kaba na nararamdaman ni Faye lalo pa at iba ang takbo ng utak ni Mark, alam ko na hindi yun magigibg madali para kay Faye.

"papakawalan ka namin at hahayaang mabuhay, kung...." sa pagkakataong ito ay si Nikka naman ang nagsalita na kanina pa nakatayo sa likod ko.

Parehas kami ni Faye na naghihintay sa sasabihin nila, hindi ko sigurado kung gagawin talaga nila ang ipinangako nila o isang patibong lang iyon para mapasunod si Faye.

Habang hinihintay silang magsalita ay may kung anong bagay na inilabas si Mark mula sa loob ng damit na suot niya.

Nanlaki na lamang ang mga mata ko ng malamang baril iyon, itinutok niya ito sa ulo ni Faye ngunit agad din niya itong binawi.

Maya maya ay isa pang baril ang inihagis naman ni Nikka upang ibigay kay Mark.

Akala ko ay gagamitin nila yun kay Faye pero lalo akong binalot ng pagtataka at katanungan ng biglang pakawalan ni Mark si Faye sa pagkakatali nito.

Maging si Faye ay nagulat rin sa nangyari, itinayo siya ni Mark mula sa upuang bakal at agad na inilahad dito ang isa pang baril.

Dahil sa ginawa ni Mark ay may pumasok na ideya sa isipan ko, hindi ko sigurado, pero mukhang ipapapatay niya ako kay Faye.

".....papatayin mo si Belle"

∞∞∞∞∞

VOTES and COMMENTS are highly appreciated.

All Rights Reserved.

Find the Killer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon