LIV

29 4 0
                                    

Chapter Fifty-four

◤Kazzandra's PoV◥

Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng paguusap na malapit sa pwesto ko.

"hindi pa ba sapat to Fritzy?" saad ng boses ng lalaki.

"hindi nito matatapatan ang buhay ng kapatid ko Bill, hindi ako titigil hanggang sa hindi ko sila napagbabayad" ani boses ng babae.

"ang dami na nang kinuha mong buhay, dinamay mo pa yung mga batang wala namang kasalanan sayo, ang plano natin si Nick at Drea ang gagantihan mo" sagot nito.

"nasimulan na natin to Bill, wala nang atrasan" pahayag ng babae.

"kung alam ko lang na hahantong sa ganito ang lahat hindi na sana kita tinulungan, simula palang sana tinapos ko na yang kademonyohan mo!" sigaw nito.

Dahil sa sobrang pagkacurious ay iminulat ko ang mga mata ko kaya tumambad sa akin ang mga kasama ko na nakatali ang kamay sa taas.

Tumambad sa akin si sir Blanco at Ms. Drea na naguusap sa parteng kaliwa ko.

Nakita ko rin ang mga kasama ko na walang malay na nakatayo habang nakatali ang kamay sa taas ng ulo.

Nang iginalaw ko ang pagkakatali sa kamay ko ay gumawa iyon ng ingay kaya naman bumaling sa akin ang tingin nina Ms. Drea at sir Blanco.

"Kaz, gising ka na pala" bati sa akin ni Ms. Drea na lumapit na rin sa harap ko.

"sino ka?" seryoso kong tanong sa kanya.

"M-Ms. D-Drea? s-sir B-Blanco?" napalingon ako sa pwesto ni Paula nang marinig ko itong nagsalita.

"sino ka?!" sigaw ko sa kanya.

"a-anong ibig sabihin nito?" tanong ni Cian na kagigising lang din.

"sino ka?!" muli kong sigaw kay Ms. Drea.

Ngumiti sa akin si Ms. Drea bago naglakad pauli sa harap naming apat.

"Ms. Drea..." hindi makapaniwalang saad ni Paula.

"wag niyo na nga akong tawaging Drea! nakakairita ang pangalan na yan!" hayag nito habang tinititigan kami isa isa.

"p-pero yu–" magsasalita pa sana si Paula nang biglang sumigaw si Ms. Drea.

"hindi ako si Drea Horres! kaya wag niyo akong tatawagin sa pangalang yan!" hindi na ako nagulat sa mga sinabi niya.

Kung hindi Drea Horres ang pangalan niya, ano?

"sino ka" tanong ko sa kanya ng may diin.

"wag kang masyadong matapang" banta nito sa akin.

"Fritzy!" sigaw ni sir Blanco dito para awatin.

"a-anong ibig s-sabihin nito?" tanong ni Paula.

"Sige, sasabihin ko na lahat lahat sa inyo..." saad niya nang makabalik ito sa pwesto niya kanina.

"...Ten years ago may nangyaring patayan sa Villmot Highschool na ngayon ay Villamonte National High.." ito yung mga sinabi sa akin ni tito Nick, ano namang kinalaman niya don?

"...dahil sa massacre na yun nasira at nayurakan ang pangalan ng kapatid ko, ang apelyido ng pamilya ko, ang kapatid ko ang sinabi nilang killer pero siya... kami ang totoong biktima, sa mga maling paratang nila nasira ang pamilya ko, nawasak ang pamilya ko! ang gusto lang ni Freia mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng tatay namin ang pagkabaliw ng nanay namin at ang pagkasira ng apelyido namin pero namatay siya ng walang nangyayari... at isa ang tito mo sa mga taong pumatay sa kapatid ko!" turo nito sa akin.

Natahimik ako dahil sa mga sinabi niya, ngayon mas nagiging malinaw ang mga nangyayari.

"...ano namang kinalaman namin sa nangyari sa inyo?!" tanong ni Paula.

"...sampung taon na ang nakakaraan ng mangyari yun, pero hanggang ngayon wala paring nangyari sa hinahangad ng kapatid ko, at ang mas masakit pa dun, parang nabura na lang bigla sa mga isip nila, kaya kailangan kong ipaalala, at ang ulitin iyon ang pinakamagandang paraan para ipaalala sa lahat ang hangarin ni Freia Villamore" paliwanag nito.

"ginamit mo pa sina Ivee sa kademonyohan mo!" sigaw ko sa kanya.

"Actually yes, ginamit ko sila para mas maging exciting ang laro natin, at hindi naman ako nahirapan kasi si Nikka may tama na ang utak, hanggang ngayon iniisip na buhay pa ang kapatid niya, kaya sinamantala ko, sinakyan ko ang trip niya, pinalabas ko na hawak ko ang mga kapatid niya at kailangan niya kayong patayin para makuha niya sila, ang tanga diba? HAHAHA pero mas tanga pa rin si Mark, nang dahil sa sobrang pagmamahal sa taong hindi naman siya mahal, ayun naging kriminal, pero si Ivee, akala ko kami ang magkakaintindihan kasi parehas kami ng nararamdaman, parehas nagdusa ang kapatid namin kaya mabilis ko siyang naakit na sumama sa plano ko, pumayag naman si gaga, hindi niya alam na ang kapatid ko ang dahilan kung bakit namatay ang ate niya, kaya yung galit na dapat sa kapatid ko iniliko ko para mapunta sa tito mo, kaso tumiwalag, buti nalang namatay na" nag-init ang ulo ko ng marinig ko kung paano niya bastusin si Ivee sa harap ko.

"walanghiya ka! itinuring kang step-auntie ni Ivee, demonyo ka!!" sigaw ko sa kanya.

"eh step-auntie niya nalaman talaga ako, sinadya ko ang pagiging step-family namin, pinilit ko sina ate Imee na si Ivee ang ampunin para madali ko siyang magamit sa plano ko, akala ko nga mabubuking pa kami, bwisit kasi yang Gab na yan, lagi nalang nasa bahay, pero mabuti nalang tatanga tanga" saad nito na tila iniinis talaga ako gamit ang mga kaibigan ko.

"demonyo ka! papatayin kita!!" sigaw ko sa kanya dala ng inis na nararamdaman ko.

"wala kang magagawa Kaz, hindi mo nga nailigtas ang mga kaibigan mo diba?" biglang nanlambot ang loob ko ng marinig ko ang mga sinabi ni Fritzy.

"h-hin–" mangangatwiran pa sana ako ng muli siyang magsalita.

"namatay sila at wala ka manlang nagawa, wala kang kwentang kaibigan Kaz, wala" saad nito sa akin.

"Kaz, wag ka magpapaapekto sa kanya!" kahit na narinig ko ang mga sinabi ni Cian ay tila walang epekto iyon sa akin.

Parang sirang radyo na nagpaulit-ulit sa isipan ko ang mga sinabi ni Fritzy.

'wala kang kwentang kaibigan Kaz, wala...'

"Kaz! wag kang makinig sa kanya!" sa pagkakataong ito ay si Winny na ang sumigaw na kanina pa tahimik.

Biglang bumalik sa isipan ko ang nangyari kay Ivee, kung paano siya bumagsak sa harap ko ng may tama ng baril sa dibdib, wala akong nagawa para iligtas siya, napahamak pa siya ng dahil sa akin.

'wala kang kwentang kaibigan Kaz, wala...'

"wala akong kwenta" bulalas ko habang iniisip pa rin ang mga sinabi ni Fritzy.

"Kaz hindi yan totoo!" sigaw ni Paula.

Bumaling ang tingin ko sa kanya na pinapalakas ang loob ko, pero agad din na bumalik ang atensyon ko kay Fritzy ng bigla itong nagsalita.

"kaya Kaz, panoorin mo kung paano ko papatayin ang mga tinuturing mong kaibigan sa harap mo"

∞∞∞∞∞

VOTES and COMMENTS are highly appreciated.

All Rights Reserved.

Find the Killer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon