XXXVIII

30 4 0
                                    

Chapter Thirty-eight

◤Jahna's PoV◥

"Sabi sayo isa lang din sa Primo ang killer e"

"mga akala mong anghel e demonyo naman pala"

Bago ako makapasok ng tuluyan sa banyo ay narinig ko ang sinabi ng dalawa pang estudyante na papalabas ng banyo.

Mukhang hindi nila ako napansin kaya patuloy pa rin sila sa paguusap ng masama tungkol sa section ko.

Agad akong pumasok sa banyo at humarap sa salamin.

Naghilamos ako ng mukha bago muling ibinalik ang tingin sa salamin na kung saan nakikita ko ang sarili kong repleksyon.

Muli akong naghilamos gamit ang tubig na mula sa gripo ng sink, habang nakayuko ay nakaramdam ako ng presensiya ng tao sa gilid ko.

Nang muli kong iangat ang tingin ko ay agad akong nagtuyo ng mukha ko.

Matapos yun ay tiningnan ko ang kung sino sa gilid ko.

"Ikaw lang pala, tinakot mo ko" saad ko sa kanya habang nakatingin sa sarili niyang repleksiyon sa salamin.

Hindi siya sumagot kaya ako nalang ang muling nagsalita.

"Natatakot ka rin ba sa nangyayari satin?" tanong ko sa kanya.

"Hindi." tipid niyang sagot sa akin.

Napangisi ako dahil sa sagot niya, hindi ko alam kung nagtatapang-tapangan lang ba siya.

"Sana kasing tapang mo ako" sarkastiko kong pahayag.

Nang humakbang ako para lumabas ng banyo ay naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko.

"b-bakit?" takang tanong ko sa kanya nang muli kong ibalik ang tingin ko sa kanya.

Hinintay ko siyang sumagot pero walang kahit na anong salita ang lumabas sa bibig nito.

Habang nakakapit pa rin siya sa braso ko ay nagulat ako ng sinubukan niya akong saksakin gamit ang hawak niyang pocket knife, mabuti na lang at nakaiwas ako.

"A-Anong–!" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sinubukan niya naman akong sasaksakin sa tiyan, at kagaya ng nauna ay nakaiwas aki rito.

Agad kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko, nagtagumpay naman ako kaya agad akong dumiretso sa pintuan para makalabas sa banyo at makahingi ng tulong, pero nakalock ito.

"Tulongg!!" sigaw ko kasabay ng malalakas na pagkatok sa pintuan.

Nang muli akong humarap sa may sala ay nagulat na lamang ako ng nasa harapan ko na ito.

Wala na akong nagawa ng bigla niya akong saksakin sa tiyan.

Napaawang ang bibig ko ng maramdaman ko ang matulis na patalim ng kutsilyo na bumaon sa tiyan ko.

Agad kong sinapo ang saksak sa tiyan ko ng hugutin nito ang kutsilyo sa tiyan ko.

Dahil sa sakit na dulot ng sugat ko sa tiyan ay agad na nanghina ang tuhod ko at napaluhod sa harap nito.

Find the Killer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon