XLIII

31 3 1
                                    

Chapter Fourty-three

◤Hart's PoV◥

"wala pa ring balita kay Kaz?" tanong ni Belle na katabi ko sa upuan.

"wala pa rin" tipid kong sagot.

Tahimik lang kaming naghihintay ng mga susunod na mangyayari, kalahati na ang natatapyas sa klase namin pero walang nangyayari, parang normal lang na unti unti kaming mauubos.

Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng apat na sulok ng silid namin.

Pare-pareho kaming mga walang magawa at tila hinihintay na lang ang itinadhanang mangyari sa amin.

Habang tinitingnan ang mga kaklase ko ay biglang pumasok si Ms. Drea at dumiretso sa unahan ng klase.

"class, alam kong hindi maganda ang mga nangyari nitong mga huling araw..." saad ni Ms. Drea kasunod ang isang buntong hininga, "...pero alam ko na muli tayong makakangiti, at gusto ko na simulan natin yun ngayong araw" nagbago ang tono ng pananalita ni Ms. Drea na naging masigla.

Napuno naman ng pagtataka ang mga ekspresyon namin dahil sa sinabi niya.

"pasok ka na" pahayag ni Ms. Drea habang nakaharap sa pintuan.

Sinubukan kong silipin ang kinakausap nito pero mula sa pwesto ko ay hindi ito aninag.

Hindi naman nagtagal ay pumasok ang isang babae na nakasuot ng kagaya naming uniporme.

Napatulala ako ng puno ng pagtatanong ng mapagtanto ko kung sino ang pumasok na yun.

Bakit kung kailan hindi maganda ang nangyayari sa amin at tsaka pa siya bumalik, bakit bumalik pa siya?

"Hi guys, long time no see" saad ni Nikka habang nakatayo sa harapan namin at nakangiting nakatingin sa amin.

"N-Nikka" bumaling ang tingin ko kay Winny ng biglang siyang tumayo at tumakbo papunta kay Nikka.

Kita sa ekspresyon ni Nikka ang gulat ng bigla siyang yakapin ni Winny.

"Siguro naman ay pwede na tong maging simula para maging maayos na ang mga nangyayari sa atin hindi ba?" nakangiting pahayag ni Ms. Drea.

Muli kong inilibot ang tingin sa mga kaklase ko, gumuhit ang ngiti sa mga labi nila, ngunit sina Cian at Belle kagaya ko ay gulat din ang namutawi.

"bad timing" narinig ko ang pabulong
na saad ni Belle habang nakatingin pa rin kina Winny at Nikka.

Sa halip na sumagot ay ibinalik ko na lamang ang tingin ko sa harapan kung saan naguusap at nagkakamustahan pa rin sina Winny at Nikka.

"mauuna na ako, magiingat kayo palagi" saad ni Ms. Drea bago tuluyang makalabas sa room namin.

Nang makalabas si Ms. Drea ay agad na nagsitayuan ang ilan ko pang mga kaklase at agad na tinungo si Nikka.

"anong nangyari sayo?" narinig kong tanong ni Winny kay Nikka.

"lumipat na kami ng tinitirhan, maayos na nga ako ngayon eh" sagot naman nito.

"Nikka, alam mo na ba ang mga nangyayari dito?" tanong naman ni Casey na isa rin sa madalas na kausap ni Nikka dahil katabi niya ito sa upuan.

"nabalitaan ko nga, kaya rin ako bumalik para tumulong na maresolba to" sagot naman nito.

Find the Killer 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon