Kabanata 3

5.2K 260 83
                                    

Kabanata 3

Meet

Three weeks passed so quick. Mahirap masanay agad sa lugar na ito dahil bago ako dito, pero naniniwala naman akong isang araw masasanay din ako dito. At hindi mahirap mahalin ang lugar na ito, hindi lang dahil sa maganda ang lugar na ito kundi na rin pati ang mga mabubuting taong naninirahan dito. Kahit maliit ang lugar, hindi naman ito kinulang sa ganda ng mga lugar at kabutihan ng mga tao.

"Kamukhang-kamukha mo Mama mo." Sabi ni Aling Ester, isang araw nang nautusan ako ni Mama na bumili ng mantika sa tindahan.

Nginitian ko ang matanda at hindi na nagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, ayaw ko namang magmukhang mayabang gayong dahil lang laking ibang lugar ako.

"Hindi ka lumalabas-labas. Hindi ka masyadong nakakasalamuha ng mga kabataang ka-edad mo. Marami diyan. Katulad noong grupo ni Eros." Itinuro sa akin ni Aling Ester ang grupong madalas kong makita. Nasa ilalim ulit sila ng malaking puno ng mangga at nagtatawanan.

Ngumiti ako kay Aling Ester bago kinuha ang mantikang inaabot.

Inaamin ko na sa loob ng tatlong linggong paninirahan dito, lagi ako nangungulila sa mga kaibigan kong naiwan sa Maynila. Lagi kong hinahanap ang kompanya ng mga kaibigan kapag nakikita ko ang grupo nila lagi na nagsisiyahan at nagku-kwentuhan. Gustuhin ko mang makipag-kaibigan, hindi ko naman alam kung paano.

"Siguro po sa pasukan, makakasalamuha ko rin sila."

"Oo naman. Kung diyan ka lang naman sa AIS, mag-aaral eh."

Natapos ang pag-uusap namin ni Aling Ester sa isang ngiti ko bago nagpaalam at umuwi na sa bahay. Napadaan ako sa puno ng mangga kung saan naroon ang grupo. Ilan sa kanila ang binalingan ako ng tingin at nginitian, samantalang ang isa ay nanatiling nakatalikod sa akin. Sinuklian ko sila ng isang ngiti rin bago mabilis na pumasok sa pintuan sa kusina.

Laging ganoon ang nagiging interaksyon ko sa mga tao dito. Kung hindi man ako lalabas ng bahay ay hanggang silip na lang ako sa grupo ng magkakaibigan na hinihiling ko na magkaroon din ng ganoong grupo balang araw dito sa Anilao.

Tumunog ang alarm ko at agad bumangon para makababa na. Sinet ko ang cellphone alarm ko sa seven am dahil ngayong araw ang simula ng brigada. Kagabi ko pa iniisip kung paano ko gagawin ang Brigada, dahil noong elementary ako, laging si Mama ang kumukuha ng card ko sa school. Ngayon namang incoming grade 7 na ako, hindi naman pwede iyon.

Brigada pa lang kinakabahan na ako, ano pa kaya sa pasukan.

"Good morning." Bati sa akin ni Mama pagkadating ko sa kusina at naabutan ko siyang bihis na para sa trabaho.

"Ihahatid kita sa school mo, ipapasabay kita sa pamangkin ni Mirna. Pag-uwi ay doon ka na rin sumabay." Bilin ni Mama sa akin na sinang-ayunan ko.

Hindi ko pa nakikita ang pamangkin ni Ate Mirna pero ang sabi sa akin ay dalawang taon lang ang tanda noon sa akin at mabait naman kaya hindi daw ako mahihirapang makisama.

Sana nga.

Nagbihis ako at saktong alas otso ay nasa pintuan na rin si Mama at hinihintay na akong bumaba. Isang beses ko pa ulit na tinignan ang aking mukha sa salamin sa salas bago naunang lumabas at sinusi na ni Mama ang pinto.

"Baka mag-overtime ako sa trabaho ko mamaya. May bisita kasi ang President ng hotel at isa ako sa mga mag-aasikaso roon. Kumain ka pag-uwi mo, at kung makakapagluto ka, magluto ka." Bilin ni Mama nang nasa loob na kami ng tricycle.

"Sige po." Magalang kong sagot at hinalikan ni Mama ang pisngi ko.

"Huwag kang hihiwalay sa Ate Iris mo, ha." Tinanguan ko si Mama at nginitian.

Good Girls #1: Finding RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon