Kabanata 11

4.1K 237 82
                                    

Kabanata 11

Beast

Hindi ko ugaling magtagal sa school ng ilang minuto pa kung uwian. Pero dahil sa nangyari, ayaw pang umuwi ng mga kaibigan ko at panay pa rin ang pag-uusap tungkol sa nangyari kanina.

Akala ko nga at aalis na si Eros pero nanatili siya kasama namin.

Masaya ako, iyon ang nararamdaman ko ngayon.

"See, Eros? Pumili ka ng may class na babae. Hindi 'yong pang kalye ang ugali." Kanina pa iyan pinapaulit-ulit ni Augustina. Hindi ko alam bakit kailangan niyang ulit-ulitin gayong rinig na rinig naman ang kaniyang malakas na boses.

Hindi siya inimikan ni Eros at nanatiling tahimik sa tabi ni Zeus. Kanina pa siya binabatuhan ng kung gaano kamali ang pagpili niya kay Stephanie pero ni isang sagot, wala siyang isinatinig.

"Mabuti na lang talaga at hindi mo iyon ni-legal. Lagot ka sa tatay mo." Gelou said pertaining to the Governor of Iloilo.

"Hindi rin naman iyon magugustuhan ni Gov. Your dad probably likes someone demure." Pinasadahan ako ng tingin ni Augustina bago ibinalik ang tingin sa kaibigan.

Nang binalingan ko si Eros ay nakakunot na ang kaniyang noo sa kaibigan. Augustina laughed hysterically.

"Humanap ka kasi ng katulad ni Hera. Matalino, mabait, mahinhin, at higit sa lahat, hindi ugaling kalye." Augustina put her left arm around my shoulders, declaring her boastfulness about me.

Tinakpan ko ang aking mukha ng dalawang kamay ko dahil sa kahihiyang pinagsasasabi ni Augustina.

"Ayoko sa iyakin." Boses iyon ni Eros na nagpatanggal sa aking mga kamay sa aking mukha.

He said that without looking with anyone. Galit na galit pa ang mukha.

Iyakin? Hindi naman ako iyakin, ah. Hindi ko lang talaga kinaya ang kahihiyan kanina.

"That was my first time to see Hera cry. Akala ko nga at hindi umiiyak ang isang 'to." Si Augustina at nag-make-face pa na nang-aasar.

I sarcastically smirked at her kaya mas lalo siyang tumawa.

"I was so embarrassed kaya hindi ko na napigilan ang mga luha ko. I don't cry over petty things." I said with so much confidence dahil ayokong makita nila ako bilang isang tao na mahina.

"Stephanie is petty." Si Jeanelle na tinawanan nilang lahat.

Eros even smirked.

I pouted with his reaction towards her ex's name. Did he really love Stephanie? Bakit ang bilis niyang hiwalayan si Stephanie nang dahil sa akin?

Dahil sa akin?

The thought of Eros breaking up with her girlfriend because of me sent shivers to my body. Napayuko ako dahil sa naiisip. I don't know why I find it very... heart warming.

Tinuturing na rin kaya niya akong kaibigan?

I spent the weekend doing homeworks, minsan din ay tumambay kaming magkakaibigan sa ilalim ng punong mangga. Nakakapanibago dahil naroon si Eros.

He didn't talk to me, at walang bago roon. Nga lang, medyo disappointed ako dahil inakala kong magbabago ang trato niya sa akin pagkatapos nang nangyari noong Friday.

Minsan, napapagod na lang din akong umasa sa kaniya. Alam kong madaling umasa na meron, pero ang hirap mag-expect na magkakaroon para sa'yo. I trusted the universe for they called right time, but expecting that there is reserved for me, ang hirap.

"Eros, sasabay ako sa'yo, ah. Wala si Gelou." Bulong ko kay Eros habang nagdi-discuss si Sir sa harap.

Gelou is absent today because of her flu. I talked with my classmates, but we're still not yet that close. Isang linggo pa lang ang nakakaraan simula noong nagpasukan.

Good Girls #1: Finding RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon