Kabanata 29

3.8K 205 63
                                    

Kabanata 29

Remain

I have no presence of mind when I attended my first subject. I can hear their noise habang wala pa ang Professor, nagpapakilanlanan na dapat ay ginagawa ko rin ngayon dahil bago akong estudyante katulad nila pero ito ako at parang pinag'bagsakan ng langit at lupa.

I choose the seat near the window. Lumagpas ang tingin ko sa labas paibaba. The huge oval with some students and construction stuffs is what I see. I tried to find the kiosk pero hindi na iyon kita sa building na ito.

"Hi!"

A girl with big eye glasses and sweet voice came in my front. Ngumiti ito nang napakalapad at naglahad ng kamay.

"Ako si Jolly, ikaw?" She introduced with so much energy.

Ngumiti rin ako pabalik kahit namimilipit na ang mukha ko sa kakapilit na ipakitang ayos ako.

"Hera," Sagot ko sa kaniya.

Masaya siyang ngumiti at inukopa na ang bakanteng upuan sa aking tabi.

"Ang tahimik mo dito." Puna niya, still with her sweet and jolly voice like her name.

Napansin pala niya ako? Hindi kasi ako nagbibigay atensiyon na kung may makapansin man sa akin kung gaano kalungkot ang pwesto ko dito.

Nakangiti akong umiling at hindi na nagsalita. Ano naman ang sasabihin ko sa kaniya? Na malungkot ako?

"Ang ganda ganda mo tapos hindi ka nagsasalita. Sayang."Aniya, I don't know if that is a compliment or what pero medyo na'offend naman ako.

"Siguro broken hearted ka 'no?" Hula niya.

Ngumiti siya nang nakakaloko at alam kong bakas na sa aking mukha ang gulat dahil sa kaniyang sinabi.

"Tama ako! Sabi na, e. Ganiyan hitsura nang mga sawi sa pagibig. Malungkot at malayo sa mga nagkakasiyahang tao."

"I'm not broken hearted."

"Weh? Weh?"

Tumaas ang kilay ko sa pagiging masyado niyang pakialamera at pagkaka'isip bata. Hindi ko alam bakit naiinis ako. Hindi naman ako 'yong tao na mabilis mainis lalo na sa maliit na mga bagay pero ito ako ngayon at halos irapan na ang palakaibigang babaeng ito.

"Alam mo, ang dami nating guwapo na kaklase. Huwag ka na doon sa nananakit sa'yo."

Nawawalan nang pasensiya sa mga sinasabi niyang wala namang basehan ay umiling na lang ako.

"Or... gusto mo ng babae?" Bumunghalit sa tawa ang katabi ko kaya nagtinginan sa amin ang mga busy na kaklase.

Halos itago ko ang sarili sa sariling kamay dahil sa atensiyong nakuha. Ipinatong ko ang dalawang siko sa arm chair at tinakpan ang mukha nang sariling mga kamay.

"Ay joke lang." Iyon ang huli kong narinig sa katabi bago namuo ang isang katahimikan sa classroom.

Umayos na ako sa pagkakaupo at diretsong tumingin sa harap. Sa gilid nang aking mata ay nakita kong bakante na ang upuan sa tabi ko. I sighed and felt relieved.

Siguro dahil sa nangyari kani-kanina lang kaya wala akong halos gana na makipag'socialize sa mga bagong mukha na ito. All I think is about him turning his back on me. He saw me yet he still chose to leave like he doesn't know me. Or the worst I can assume is he's ignoring me!

I don't know what happened during the first subject. Nakatingin ako sa Professor pero ang isip ko ay naglalakbay. Natapos na lang ang klase na iyon nang wala pa rin ako sa ulirat na ito ang unang araw ko sa kolehiyo.

Good Girls #1: Finding RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon