Kabanata 21

4.2K 238 137
                                    

Kabanata 21

First

Bakit niya ako sasabayan? Is he now losing his mind? He hates me, right? He doesn't like being around with me, so bakit niya sinasabi ito ngayon?

Shocked, I wasn't able to utter a word. Nanatili ang aking mga mata sa kawalan at humihiling na sana ay may humampas sa akin at magising. Sana ay hindi totoo si Eros sa aking tabi dahil unti-unti kong nararamdaman ang pagtataksil ng sarili kong puso sa desisyong pinili ko.

"Hera,"

Sa tuwing naririnig ko ang kaniyang boses tila isa itong musika sa akin. But what weird is, this music makes my heart hurt and my eyes tears. No. Hindi pwede 'to. Dapat ay umiiwas ako.

May tumigil na tricycle sa tapat namin na walang sakay. Dapat ay dali dali na akong sumakay pero ito ako at parang may hinihintay na kung ano.

"Sasakay ba kayo? Pagabi na oh. Mga batang 'to." Ani ng tricycle driver at aamba na sanang aalis.

"Let's go. It's getting dark." Boses iyon ni Eros.

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. Well, it's reasonable naman. Madilim na at kung hindi ako sasakay na kasabay siya, maiiwan ako magisa.

Pumasok ako sa loob at agad humiling na sana ay sa back ride siya umupo pero hindi iyon ang nangyari. He slid himself inside and sat beside me. He's huge and tall, although I'm small; the tricycle seems to be so congested with his body. Hindi tuloy maiwasang dumikit ang kaniyang balat sa akin. I looked away and tried to manage my sight in front, also trying to ignore the fact that we're touching.

Huminto ang sinasakyan namin dahilan kung bakit muntik na akong mabuwal sa kinauupuan. Ito ang napapala ko sa kakaiwas na kalimutan ang sitwasyon ko ngayon. I saw Eros hand about to hold me but I immediately get back. Ang magdikit pa nga lang ang balat namin dahil wala kaming choice ay halos nagpapakaba sa akin, ano pa ang intensiyon niyang hawakan ako.

I saw the two girls whose wearing the same uniform as us rode in the back ride. Umayos ako sa pagkakaupo at muling binalik ang tingin sa daan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na bumiyahe ako ng madilim na, but this is the first time I'm going home late from school. Ang nadadaanan naming sea side are lighted already of lamp posts. The crescent moon is already seen, too, making the water glitters from its light.

Ngayon ko lang ata hihilingin ito na sana pala ay mabilis ang biyahe mula sa escuelahan hanggang sa aming bahay. Hindi na ako mapakali dito sa tabi ni Eros.

Walang imikan at walang galawan sa loob ng tatlongpu't minuto na biyahe. The tricycle stopped in front of our house at dahil nasa tabi ni Eros ang labasan, kinailangan niya pa munang lumabas para makalabas din ako. Nagbayad ako sa driver at umamba nang aalis nang nakita ko ring nagbayad si Eros.

Hindi ko na napigilan at tiningala ko siya. Umandar na paalis ang tricycle nang binalingan ako ni Eros. And like usual, I always feel terrified looking at his eyes kaya hindi ko rin kinayang makipagtitigan sa kaniya.

"Hindi ka pa uuwi?" Because it's already dark... kagaya ng sinabi mo.

Hindi siya sumagot kaya tiningala ko ulit siya. I saw him protruding his lips and his left eyebrow shot up.

"Pupuntahan ko sina Augustina. I heard they been hating me for not showing up."

Oh, buti alam mo!

Tumango ako at nilingon ang hindi malayong bahay nila Augustina. But they are probably in the back, nakatambay sa puno ng mangga.

Then it sinks in. Siguro ay sumabay siya sa akin dahil pupuntahan nga niya ang mga kaibigan namin. Ang bobo ko naman para isipin na may ibang dahilan kung bakit niya ako pinansin. My heart aches again with the thought. Why getting rid of the pain is so hard?

Good Girls #1: Finding RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon