Kabanata 10

4.2K 268 148
                                    


Kabanata 10

Thankful

"Kailan pa, Ros?"

I greeted back our schoolmates na binabati kami habang papalabas ng plaza.

Nang matapos makipag-usap ng ilang sandali sa isang teacher ay nagtatakbo na ako papunta sa mga kaibigan ko. Mabilis silang maglakad na akala mo ay may humahabol.

Naabutan ko ang inis na inis na si Augustina nang mahabol ko sila sa may gate. Sa anim kong kaibigan na kasama, si Anjhon lang ata ang nakapansin sa pagtabi ko sa kanila. They are all busy intriguing Eros.

"Saan ka galing?" Bulong iyon ni Anjhon nang tumabi siya sa akin.

"Nakita ko si Miss Sernio. We talked a bit na hindi ninyo ata napansin."

Tumango siya. "Ito kasing si Augustina, kanina pa ayaw tantanan si Eros. Akala mo kung sinong ate." Aniya.

Ngumuso ako at hindi nakaimik. Augustina is so mad like a beast because of Eros' sudden relationship with Stephanie. Nakakagulat rin naman sa amin iyon, except kay Zeus, but I don't act like Augustina. Hindi ko maintindihan ay bakit ayaw ni Augustina kay Stephanie. Gusto ko siyang pagsabihan na hayaan si Eros, pero kaibigan naman siya at may karapatan siyang mag-komento.

"Let her be. She's just concern with Eros." Sa wakas ay naisatinig ko. Dahil kahit hindi ko gusto ang pagiging agresibong panghuhusga ni Augustina kay Stephanie at Eros, like me as a friend, she's just concern.

"Kailan mo pa 'yon nililigawan?" Huminahon ang tono ni Augustina nang ilang sandaling nabalot sa katahimikan ang paglalakad namin papuntang paradahan.

"Girlfriend ko na siya, Tina." Malamig at diretsahang sagot ni Eros.

Kung hindi hinawakan ni Zeus ang braso ni Augustina ay paniguradong nakapagwala na ito. Nahihiya ako dahil may mga dumadaan at si Augustina ay hindi matinag sa kaniyang panenermon kay Eros.

"Syinota mo 'yon, Ros? Nasa tamang pag-iisip ka pa ba?" Halos mandiring sambit ni Augustina.

Augustina doesn't like Stephanie. Siguro dahil na rin sa ugali ng babaeng iyon, pero sapat ba iyon para husgahan siya?

Galit na binalingan ni Eros si Augustina na nag-pausbong ng kaba sa akin. I've seen him mad at me for I don't know reasons. Pero ang galit niya ngayon ay kakaiba. It's like... he's ready to break something.

"Tina." Banta ni Zeus pero hindi natinag si Augustina.

"We don't like that girl tapos sosyotain mo? Matalino ka pero hindi ko alam na papatol ka sa mumurahin para lang i-deny 'yang totoo mong nararamdaman." Walang preno at galit na galit na sambit ni Augustina.

I am scared by the scenario I am watching. Dahil sa takot, hindi ako makapagsalita.

I never see them fight like this. Never pa silang nag-away sa harap namin.

"Tina, tama na." Pigil ni Zeus dahil hindi lang ako ang nakakapansin sa nag-uumapaw na galit ni Eros habang pinapanood ang kaibigan.

"We are his friends. He should have at least take us as his consideration before deciding to enter in a relationship with that bitch!"

Umiiling-iling na si Zeus habang hinihigit si Augustina pero dahil alam naming lahat kung gaano ka-maldita si Augustina wala kaming nagawa nang hindi siya nagpapigil.

"Ano? Duwag ka na ngayon?" Isa iyong mapanghusgang tanong mula kay Augustina.

Tinignan ko si Eros at ang galit kanina sa kaniyang mga mata ay nawala. Napaltan ito ng isang hindi mapangalanang emosyon. Dark and very unreadable.

Good Girls #1: Finding RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon