Wakas

9.9K 436 262
                                    

Author's Note

Thank you for making it here! Thank you for reading my first attempt at writing my first story for this series and my second attempt to write a serious one on this platform lol. I know this piece will never be considered as perfection nor one of the best, but I promise to do my hardest and bestest try to better my craft. Muli ay maraming salamat.

see you next at GOOD GIRLS#2: To Fall Again

━━━━━━━━━━━

Wakas

"Eros,"

Galing ang mga mata ko sa aking mga kaibigan nang binalingan ko si Mommy. Wearing her beautiful smile while standing near our gate, I can't understand why she chose that.

Lumapit ako sa kaniya, pawisan dahil katatapos lang namin maglaro ng mga kaklase ko sa court. Sinalubong ako ni Mommy na mayroong dalang puting tuwalya at agad pinunas sa aking mukha at likod. She made me turn na sinunod ko naman.

It's still morning and the village is still quiet. Napagkasunduan namin ng mga kaibigan ko na sa umaga na lang lagi maglaro dahil hindi na ako pinapayagan ni Mama na umalis sa bahay tuwing hapon. I don't like her decision for that, hindi iyon ang nakasanayan ko.

I remember when Dad used to bring me to the courts and teach me how to play basketball. Tuwing si Daddy ang nakikiusap kay Mommy, walang siyang magawa kundi ang pumayag. And I always find father more loose than Mother. Nagagawa ko ang karaniwang mga bagay na ginagawa bilang isang bata kapag kasama ko si Papa, kumpara kay Mama na laging may limitasyon ang gagawin at oras ko. The reason why I also end up being a hard headed kid when he died.

"Kuya, did you play with your friends?"

Yumuko ako para makita ang kababata kong kapatid. He's already seven and I feel bad for him dahil hindi niya nararanasan ang mga naranasan ko noon. He can't play outside, he can't meet his friend unless bibisita ang mga kalaro niya sa amin.

I find Mommy very strict, very ruly. At hindi ko alam bakit siya ganoon sa amin. Gusto lang namin maging masaya. Ang maglaro sa labas kasama ang mga batang katulad namin. Do the things like what normal kids do.

"That will be the last of Kuya kaya don't be envious, Van. Maglalaro na ulit kayo ni Kuya sa loob ng bahay."

She's always like that. Hindi ako naiinis na makipaglaro sa aking kapatid, pero ang ipagkait sa kaniya ang kalayaan bilang isang bata na dapat nararanasan niya ring makihalubiho sa iba, doon ako naiinis. But I can't just voice it out. Dahil kahit naiinis ako, kahit hindi ko maintindihan ang mga desisyon ni Mommy, I also know how fragile she is.

I was only six when Dad died because of a heart attack. I witnessed how I lost my Mom, too when Daddy left. Noong una hindi ko naiintindihan ang nangyayari, not until I grow and realized that I didn't only lose my beloved father, but I also lost my dearest mother.

Ang pagiging istrikta niya sa akin ay mas lalong lumala. Lagi niya akong sinisigawan at pinapagalitan na kapag nariyan ang kapatid niya, siya ang umaawat dito para hindi ako masaktan. Hindi ko maintindihan at ang tangi ko lang nagagawa ay ang umiyak at humiling na sana bumalik na si Daddy. At akala ko noon, posible iyon.

"Eros, I'm sorry if I had been hard to you."

Years later, when I turn eight, nagulat na lang ako dahil humihingi na nang kapatawaran sa akin ang aking ina. I love her like how much I love Daddy. Na kahit ano pa ang naging trato sa akin ni Mommy, hindi kailanman nabawasan ang pagmamahal ko sa kaniya.

Kaya kahit alam kong masasaktan ako, masasakal ako, mas pinili kong sabayan ang lahat ng naging desisyon niya. Dahil mahal na mahal ko siya.

From her back, may batang lalaki na tingin ko ay nasa edad na anim na taon ang lumabas at tumabi sa kaniya. Naningkit ang aking mga mata, hindi inaalis ang titig sa batang lalaki.

Good Girls #1: Finding RhymeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon